Prologue

75.5K 1.8K 406
                                    

THIS IS THE FIRST BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: May 2016

Date completed: August 20, 2017

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

Ibinaba ko ang dalang maleta habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan ko. Parang hindi pa ako makapaniwala na itong bahay na nakikita ko ang titirhan ko pansamantala. Grabe, napakalaki, eh. Big time!

"Tama naman siguro yung nasa address," bulong ko sa sarili. Mula sa suot kong jeans na faded black ang kulay ay kinuha ko ang phone ko. I dialed her number quickly. After a few rings ay sumagot ito na kaagad kong ikinangiti. "North, nandito na ako sa tapat ng mansyon mo."

Sukat doon ay tumawa ang kausap ko. "Maka-mansyon ka. Bahay 'to!"

"Oo na, oo na," natatawang sagot ko, "sunduin mo na 'ko rito."

"Okay, wait for me."

Pinatay ko na rin ang tawag at tahimik na naghintay. Wala pa yatang limang minuto ay may nagbukas na rin ng gate para sa akin. Nginisihan ko si North nang mapansing nakasuot siya ng isang knee-length dress na kulay pink. "Babae tayo ngayon, ah."

"Baliw." Natatawang umiling siya. "Pumasok na nga tayo."

Niluwangan niya ang awang ng gate at pinauna akong makapasok. Kaagad naman akong namangha sa ganda ng lugar. Front lawn pa lang ay bet ko na. Isang malawak na daanan ang bumungad sa akin na pinaliligiran ng mga halaman at bulaklak sa magkabilang gilid nito. It feels like a short entrance to some sort of a flower garden. Hindi na ako magtataka kung bakit biglang naging fresh ang ambiance nang makapasok ako. There's even a patio! May nakapuwestong coffee table doon na napalilibutan ng apat na wooden chairs.

Pagkapasok sa loob ng bahay nila ay napanganga na lang ako. Kung malawak na sa labas, walang dudang mas malawak pa rito sa loob. It's like entering a different dimension clad in light blue walls and tiled flooring-typical living room setting with sala set and all. May carpet pa! Nilibot ko pa ang tingin. May mga paintings na naka-display sa bawat wall. Ang daming paintings, pero ni wala akong makitang mga portrait ng family nila.

"Sinong artist ng mga paintings na nandito?" tanong ko. Umakyat kami sa hagdan na parang nakakatakot tapakan dahil gawa ito sa glass. Feeling ko fragile ang dinadaanan ko.

"Kapatid ko." Maikling sagot niya. "Papunta na tayo sa kwarto mo."

"Oh, may kapatid ka pala..." Tiningnan niya lang ako using her expressionless face. Eh, sa hindi ko alam eh. Oo nga't matagal na kaming magkaibigan pero wala naman akong interes na alamin kung may kapatid ba siya o wala. Maybe ganoon lang talaga akong kaibigan, I never asked about family matters. To think na we've been friends for years.

"Meron, tatlo. Sina East, West and South." Sagot niya bago buksan yung last na pinto sa left wing ng second floor nila at pumasok.

"Ayos, ah." Hindi ko na napigilan ang tawa ko habang inilalagay sa gilid ang maleta ko. "Maangas pa kayo sa One Direction. Literal na direksyon talaga pangalan ninyo, 'no?"

North ang name niya at hindi ko ine-expect na hinango rin sa direksyon ang pangalan ng mga kapatid niya.

Walang-awang binatukan niya ako. "Sira ka talaga. Tanungin mo na lang kaya nanay namin?"

Binatukan ko rin siya pabalik. Loko, eh. Alam naman nang patay na ang nanay niya. Paano ko pa tatanungin? Papatawag ako ng espiritista? "Baliw ka na naman, Nilaga."

"North pangalan ko." She rolled her eyes.

"Edi Hilaga." I teased some more. "Happy?"

"Ewan ko sa'yo."

Lumabas na kami sa magiging kwarto ko pagkatapos naming mailagay sa closet ang mga damit at ilang mga gamit na dala ko. In fairness naman, ang ganda ng room na binigay niya sa'kin. Iba talaga kapag big time, eh.

Pagdating namin sa living room ay may naabutan kaming tao na nanonood ng tv habang nasa minitable ang paa nito. Babae ito.

"Bunso namin," mahinang sabi sa akin ng kasama ko.

Lumapit kami ro'n sa babae na kapatid niya nga raw. Tumingin ito sa'min-lalo na sa akin-nangingilala. Naka-poker face lang ito but she's pretty nevertheless. Her eyes were expressive like North's, she had a small but pointed nose and a pale pink lips. Maliit lang din ang mukha niya, baby faced. She looked so young.

"Hey, West," tawag ni North, "this is my best friend and co-teacher ko na rin. She's Jade Asia."

Ngumiti ako kay West pero wala akong nakuhang reaction. Hindi yata marunong ngumiti. "Jade na lang."

"West," she simply said. Finally, a small smile escaped her lips. Marunong naman pala.

"Ate!"

Nagulat ako nang may babaeng tumalon kay West kaya nadaganan siya nito. Pero hindi 'yon ang talagang ikinabigla ko. Mas nagulat ako kasi magkamukhang-magkamukha sila! Wow, kambal?

Napatingin sa'kin yung taong kamukha ni West at ngumiti habang ini-stretch niya ang mukha no'ng huli para mapangiti rin.

"Hi!" She greeted with full energy. "Ako si East. Ito naman si West. Kambal kami. Hi!"

Napangiti ako at tumango. Kung anong ikina-hyper niya ay siya namang ikinatahimik ni West. Narinig ko naman si North na napatawa ng mahina. "Hello, Jade na lang ang itawag mo sa'kin."

Nakilala ko na sina West and East pero si South ay hindi pa. I wonder kung kasing-lively rin kaya niya itong kambal. I think I'll be having my great stay here.

Nagpaalam ako na babalik na ng kwarto para matulog na muna kaya pinayagan na rin nila ako. Umakyat na ako ng hagdan. Muntik na akong makabunggo pagliko ko sa kaliwa. "Ay, sorry."

Napakamot ako sa ulo at tiningnan siya na nakatitig lang din sa akin habang nakahilig ang ulo pakanan, parang ina-analyze ako. Ganoon din tuloy ang ginawa ko. Napansin kong madumi ang kamay niya, parang paint yata iyon. May hawak din siyang paint brush.

Ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang kulay ng mga mata niya. Brown kasi ang eye color nina North pati ng kambal kanina, pero sa kanya, color...blue.

Uh... ito na ba yung isa pang kapatid?

"Ikaw ba si South?" Nangingilalang tanong ko.

"Sino ka?"

I was taken aback. Ang angas ng boses niya kahit soft ang timbre nito. Napahawak ako sa batok ko. "Ah, I'm Jade. Best friend ni North─"

Tinaasan niya ako ng kilay. Anong ginawa ko sa kanya?

Magsasalita sana ulit ako kung hindi niya lang ako dinaanan at nilagpasan. Napasimangot ako at nilingon ko siya. Medyo na-badtrip ako sa ginawa niya, eh. "Hoy─"

She stopped, giving me a bored and cold look. Humalukipkip ako. Naghihintay na may sabihin siya. Pero wala. Tuluyan na siyang umalis at talagang in-ignore ako.

Anong problema niya?

_____

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon