Chapter 11

24.1K 1K 154
                                    

Dreams Can Be Nightmares

--

We missed you so much. Please, come back home.

Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko nga alam kung ilang beses ko nang ginagawa 'yon. Si Mama...nag-reply siya. Miss ko na rin sila.

Pero ayokong umuwi. Ginagawa ko 'to para sa sarili ko. Call it selfish pero ayokong sila ang magpagalaw ng buhay ko, lalo na si Papa. Babalik naman ako, eh. Pero hindi pa ngayon. At saka...nandito na ang buhay ko.

Bumangon ako at napatingin sa oras ng phone ko. Madaling-araw pa lang. Yung totoo, bakit lagi akong nagigising ng ganitong oras? Kaunti na lang maniniwala na 'kong may multo rito.

Pagkatapos maghilamos at magsuklay ay lumabas na 'ko ng kwarto. Napakunot pa ang noo ko nang mapansing bukas ang pinto ng kwarto ni South. Sumilip ako kahit madilim pero wala siya. Mukhang may kasama na naman ako, ah.

Pagpunta ko ng kusina ay naabutan ko siya na nakayuko sa lamesa. Medyo messy pa ang buhok niya at halatang basta-basta na lang itong lumabas ng lungga niya. No cellphone, no coffee, no canvass, wala lahat. Sarili lang niya. "South?"

"Hmm..." Mahinang ungol niya. Hindi ko alam kung inaantok siya or what. Mula sa pagkakayuko ay sumilip siya sa'kin. Nakita ko na naman yung blue niyang mata. "Ma'am."

Nag-start na akong magtimpla ng gatas, magpapaantok ako. Gusto ko pa matulog at baka magmukha akong haggard mamaya sa school. "Gusto mo ng coffee?"

"Milk na lang din." Sagot niya habang nakasilip sa ginagawa ko. Tapos yumuko na ulit siya.

Pagkatapos kong magtimpla ay umupo ako sa tabi niya at inilapag yung milk namin. Hindi naman siya umimik. Napakamot ako sa leeg ko at tahimik na ininom ang drink ko. Maya-maya, kahit nag-aalangan ay dahan-dahan kong pinatong yung palad ko sa likuran niya at hinaplos ito. "Okay ka lang?"

"Hm-mm." Maikling sagot niya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng tipid. Napaiwas tuloy ako ng tingin pero hindi ko inaalis ang kamay ko. Ganda talaga.

Kinuha niya yung kamay kong humahaplos sa likuran niya at niyakap ito na parang bata, sinisiksik niya kasi yung kamay ko sa mukha niya habang nakayuko. Napalunok tuloy ako. Ang init ng hininga niya at saka ramdam na ramdam ko yung lips niya sa balat ko.

"South?"

Huminga siya ng malalim, nakatitig lang siya sa'kin habang panay ang pagdikit ng lips niya sa knuckles ng kamay ko. Ano bang trip nito? Pero may napapansin pa 'ko, eh. Parang bothered kasi ang expression niya, mukha rin siyang inaantok pero bakit hindi pa siya natutulog?

"Yung gatas mo, baka lumamig na." Sabi ko. Ginamit ko ang isang kamay para uminom. Nag-straight body naman siya ng upo at kinuha na ang inumin niya. Ginamit niya yung free hand niya kasi hawak niya pa rin ang kamay ko.

Well, hindi naman ako kokontra kasi ang lambot ng kamay ni South. Sarap humawak. Minsan lang 'to maging mabait!

"Bakit gising ka?" Tanong niya makalipas ang ilang minuto. Panay lang kasi ang pag-inom niya.

Pinunasan ko yung gilid ng lips niyang may milk bago magsalita. "Naalimpungatan lang. Ikaw?"

Nagbaba siya ng tingin, medyo namumula ang pisngi niya pero hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako sa lower lip niya nang kagatin niya 'to. Napalunok ako.

"Nanaginip ako ng hindi maganda..." Kumunot ang noo niya bago nagbuntong-hininga. Lalim, ah. "I mean...uhm..."

"Hm? Tuloy mo lang." Pagpu-push ko sa kanya. Para kasing nahihirapan siyang mag-explain.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now