LKS 7: Devora

157 4 0
                                    


"Can you see what they have done to us? One by one they kill us, Devora..." salita ni Gordon habang pinapakita sa akin ang kaguluhan ngayon sa Isla Sirenia. Pinagkakaguluhan doon ng mga tao ang isang babaeng siren na may dugo sa tagiliran dahil sa sugat na ginawa ng nakahuli rito. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Totoo nga ang mga sirena.

"Tama na! A-ayoko ng makita pa..." nanghihina kong nasabi dahil nanlalambot ang tuhod ko. Inalis niya ang kamay niya sa tubig at nawala ang imahe ng nangyayari sa isla.

"Ayos lamang kung ang napapatay nila ay ang mga traydor ngunit hindi, ang mga inosente at umaasang makakabalik ka ang namamatay sa marahas na paraan. Kailangan na ng aksyon dito, Devora."

"Hindi ko pa alam. Naguguluhan ako." Tumayo ako sa pagkakaupo sa gilid ng bahay kung nasaan ang fish pond at bumalik sa harapan kung nasaan ang pintuan papasok. Sinundan naman ako ni Gordon.

"Umalis ka na. Isang linggo. Isang linggo akong mag-iisip sa bagay na ito at kung tama nga ang mga sinabi mo--"

"Totoo ang mga sinasabi ko. Huwag ka kaagad maniwala sa mga sinasabi ng lalaking iyon. Isa rin siyang traydor!" He hissed.

"Kailangan ko munang mag-isip. Pagkatapos ng isang linggo ay abangan mo ako sa Isla Sirenia. Kapag nandoon ako ay ibig sabihin noon ay sa'yo ako naniniwala." Nginitian ko siya ng malungkot. Kita sa mata niya ang dismaya sa sinabi ko ngunit tumango lamang siya.

"Sana lang ay ang kaharian ng Proserpina ang piliin mo dahil kailangan ka nila. Huwag kang magpalinlang sa mga tao. Masasama sila sa mga kauri natin." Iyon lang ang narinig ko sa kanya at umalis na siya ng naglalakad.

Tinanong ko siya kanina kung bakit wala ang buntot niya at ang sagot niya ay, "Ang lahat ng mga sirena ay may kakayahang magkaroon ng paa sa pamamagitan ng isang kwintas. Hanapin mo kay Gideon ang katulad ng suot kong kwintas at iyon ang magpapabalik sa'yo sa tunay mong anyo."

Pagkapasok ko ng bahay ay saktong tumutunog ang telepono. Tinahulan ako ni Dylan. "Alam ko, okay?" napabuga ako ng hangin at sinagot iyon. Alam ko naman kaagad kung sino iyong tumatawag.

'Kamusta ka na, Sera? Dito na ako tumawag dahil hindi mo nasasagot ang tawag ko sa phone mo...'

"Naiwan ko kasi sa kwarto." tipid kong sagot. May part sa akin na naniniwala sa sinabi nung lalaki pero mas naniniwala ako kay Gideon. Mas kilala ko siya.... pero paano kung totoo na niloloko niya ako?

'Okay ka lang ba dyan? Hindi ka ba kinukulit ng husto nila Dylan?'

"Hindi naman. Kailan ang uwi mo, Gideon?" Hindi ko maitago ang kagustuhan kong makauwi na siya. Gusto ko nang malaman ang totoo. Feeling ko ay sasabog na ako kung magtatagal pa sa utak ko ang napakaraming agam agam ng ilang araw.

'Baka sa ikatlo pa, mahal. Pasensya ka na, alam mo naman itong si nanay...'

Napalunok ako. "Naiintindihan ko naman. Hihintayin na lang kita."

'Sige. Miss mo na ako, ano?'

Tipid akong napangiti. "Oo." Kaya bilisan mo na dyan dahil may kailangan akong malaman.

'Miss na rin kita. Kumakain ka naman ba? Iyong pinaiinom ko sa iyong gamot?' Doon nawala ang ngiti ko at naalala ang sinabi ni Gordon.

Ngayon lang namin nalaman na nawala ang iyong memorya kung kaya't hindi ka nakaalis sa puder niya. Ginamitan ka niya ng mahika, Devora. Siguro ay hinahalo niya iyon sa iyong pagkain o inumin at iyon ang rason kung bakit wala kang matandaan sa ngayon. It blocks your memories.

Hindi kaya iyon ang iniinom kong gamot kada gabi?

'Hello? Sera?'

"I-I'm here..." Mabagal ang paghinga ko dahil hindi ko matanggap na baka nga totoo ang sinabi ni Gordon.

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon