Chapter 3: The Slave and the Heiress

5K 126 31
                                    

Cupid’s Slave”, inulit pa ni Fate ang huling salitang binanggit ni Ayden. Halata sa mga mata niya ang pagkagulat at balisa “Is this some kind of a joke? I was save by Cupid’s Slave?”, hilaw na tawa ang pinakita ni Fate sa kanya.

What about you heiress?” He asked. “Is your life a joke too?”

Natigilan si Fate. There was something with this guy that she would like to know.

Tinititigan pa Ni Fate ang mga magaganda nitong mata, hoping na makita niya ang sagot na bawat katanungan niya. She arched her brow ang gave him a defiant stare.“Heiress? How did you know?”

Kakaunti lang ang nakakaalam na siya ang direct descendant ni Medusa at heiress ni Poseidon. All her life, she was running away. Lahat ng kalahi niya gusto siyang patayin, kaya iniingatan nilang hindi mabuking ng iba ang tunay niyang pagkatao. Kaya laking gulat niya nang tawagin siyang heiress ng lalaking ‘to. “Tell me the truth! Who are you?” Hindi siya naniniwala sa isang ‘to. O mas magandang sabihing, nakukulangan si Fate sa explanation ng taong kaharap niya.

I told you. I’m Cupid’s slave.”

Abah talagang pinaninindigan niya ang Slave na ‘yan eh wala naman sa itsura niyang isang alipin. Mukha siyang milyonaryo o mas higit pa dun.

So you want me to believe that you’re Cupid’s slave? Kailan pa nagkaron ng slave ang isang Diyos ng Pag-ibig?”

“Nung panahong tinamad na siyang panain ang bawat isang nilalang na gustong mainlove.”

“Was that joke too?”

“Do I look like I’m joking?”

“Okay. You’re creepy. I need to go Mr. Cupid’s slave.”

 

Naglakad na si Fate papalayo sa kanya. Saka lang niya nag-aalala siya sa kalagayan ni Sunshine. Nawala ang attention niya dahil sa lalaking kaharap niya. Hindi niya alam kung bakit. She thought her bestfriend was now terrified after what happened a while ago. Kailangan na niyang makasigurong safe siya. Mabuti na lang at nasa bulsa pa din ang cellphone niya at hindi nahulog kanina. Agad na kinuha ni Fate ang phone at di-nial ang phone number ni Sunshine.

Tatlong ring pa bago sumagot si Shine sa kabilang linya. “Hello?”

Nakahinga ng maluwag si Fate nang marinig nito ang boses ni Sunshine. Sa tono nito, mukhang ayos naman ang kalagayan ng matalik niyang kaibigan.. “Thank God you’re safe. Where are you?”

Sa condo mo. Akala ko nandito ka na eh. ‘Yun pala naunahan pa kita. Mabuti na lang may duplicate key ako sa pintuan. Asan ka na ba?”

I’m on my way. Diyan ka muna. ‘Wag ka muna umalis hanggang hindi pa ako nakakarating diyan. Okay?”

“Gees Fate! I don’t know what’s going on with you. But as your friend, I wanna know everything. You owe me an explanation.”

Fate sighed. Even her own bestfriend didn’t know what she is for she was afraid of her reactions. Baka matakot sa kanya, or worst, lalayuan pa siya. “Talk to you later.”

Okay.”

Binaba na ni Fate ang phone at nilagay na niya muli ito sa kanyang bulsa. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Sunshine ang totoo. Her bestfriend didn’t believe that myths did exist and Shine was not a fairytale lover too. Namublema tuloy siya kung papaano sasabihin sa bestfriend niya ang totoo nang hindi nagfri-freaked out. Napabuntong-hininga siya nang wala sa oras.

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Where stories live. Discover now