1st Canvas

1.9K 73 9
                                    

2166 (chanbaek fanfic)
Storyline by DoKimKyungKai
©2016

Date started: April 30, 2016
Date finished: May 6, 2016

Pairings:ChanBaek, KaiSoo, TaoRis, XiuChen,

(DECIDE TO CHANGE YOORA TO CHANHEE, A FEMALE VERSION OF CHANYEOL)

----

I. 2166

▶▶ⓒⓗⓐⓝⓨⓔⓞⓛ

Year 2166 (present time)

"Okay lang yan hyung may mga susunod pa naman na contests eh! For sure mananalo ka na!" Pagcocomfort ni jongin sa akin.. Biglang umirap si kris hyung sa sinabi niya.

"Oh, stop it jongin! Wag mo nga siyang paasahin sa wala.. " hindi sumagot si jongin at inakbayan ako. Napatitig ako sa painting ko. Pang isang daan ko na itong sumali sa contest pero hindi pa rin ako nananalo. Nakakapanlumo, nakakahiya dahil graduated pa naman ako ng fine arts...

"Hyung gusto mo iyo na?" Dahan dahang inabot ko ang painting kay kris hyung. Siguro pang isang daan na painting na rin ang naibigay ko sa kanya.

"Hanggang kailan mo balak ibigay sa akin lahat ng natalo mong paintings? Balak mo bang maging malas ang artworks ko?" Naningkit ang mga mata niya. Binatukan naman siya ni tao na nasa likod namin.

"Hindi ka naman nakakatulong eh! Imbis na i cheer up mo yung tao, lalo mo lang dinadown! Bahala ka sa buhay mo, hindi ako mag momodel sa painting mo mamaya" sabi nito at naglakad palayo, tumakbo naman si kris para habulin si tao. Napabuntong hininga ako..

"Oo nga pala , nakahanap ka na ba ng trabaho hyung?" Tanong ni jongin sa akin. Umiling naman ako sa kanya. Ngumiti siya ng pagkalaki laki.

"Naghahire yung company namin para sa advertising. Tutal graduated ka ng fine arts bakit hindi mo itry?!" Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya at tumango.

"Game ako diyan!" Sabi ko sa kanya. Malay mo mahire na ako ngayon, pero hindi ko rin masabi dahil lagi rin akong narereject sa lahat ng pinapasukan ko. Nagkaroon din ako ng trabaho pero hindi rin nagtatagal at sa tingin ko 6 months na akong unemployed.

"Okay! Pumunta ka sa company ng saktong 8am bukas. Don't be late hyung okay? Nandito na si kyungsoo una na ako!" Aniya at naglakad na papunta sa kotse ni kyungsoo, kumaway pa yung dalawa bago umalis.

Napaupo ako sa fountain na malapit sa venue ng contest kanina at napasapo sa ulo. Hindi ko maintindihan, ang malas ko. Lagi akong malas.

Sana lang at matanggap ako bukas dahil wala na talaga akong pera para sa panggastos ko.

Napailing na lang ako at tumayo.. gusto ko nang umuwi inaantok na ako.

----

Nakayuko akong lumabas ng company. Nareject nanaman ako. Hindi ko nanaman alam ang sasabihin ko kay jongin pagsinabi kong nareject ako..

Habangbuhay na ba akong magiging malas? Mamamatay na ba ako sa gutom? Ayokong ibenta lahat ng paintings na galing sa pamilya namin. Ilang generations na rin na pinagpasa pasa iyon at ayokong mawala lang ito nang dahil sa akin.

Habang naglalakad ako ay natigilan ako sa isang antique shop. Madalas kong nakikita 'to tuwing uuwi ako kaso hindi pa ako nakakapasok dahil masyadong busy ako sa paghahanap ng trabaho.

Pumasok na ako sa loob , narinig ko pa ang pagtunog ng bell sa pinto.. Napatingin ako sa paligid at sinimulan na lumibot. Madaming mga lumang bagay dito, mula sa displays, sa mga sculptures at sa mga Malalaking Orasan.

[EDITING] 2166▶▶ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon