4th Canvas

897 56 46
                                    

(A/n: para sa inyo mga bhe serendipitae and xiummieb Salamat sa friendship . Love you!

warning:Rated M for the smut)

IV. Im Park Chanhee

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya agad akong lumapit at binuksan ito, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni kyungsoo.

"O-oh kyungsoo.. Napadalaw ka?"

"I need to talk to you..." mukhang seryosong seryoso kaya pinapasok ko siya. Pumunta ako sa kusina at bumalik sa sala dala ang sandwich at juice na ginawa ko. Umupo ako sa katapat na sofa niya.

"Anong gusto mong pag usapan natin?" Nagtatakang tanong ko. Uminom siya sa juice at dahan dahang inilapag ito. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Tungkol kay Byun Baekhyun.." mas lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ni baekhyun. Buti na lang at wala siya dito, nagpasama si luhan sa kanya para bumili ng regalo para kay sehun.

"Anong mayroon kay baekhyun?" Pinagpapawisan ako. May kakaiba akong nararamdaman.

"Si Byun Baekhyun ... Saan ba talaga nanggaling si baekhyun." Walang expression na tanong niya. Im tounge-tied, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero maniniwala naman si kyungsoo hindi ba? maniniwala nga ba?

"Baka hindi ka maniwala kung sabihin ko sa iyo" bigla naman siyang nairita sa sinabi ko.

"Chanyeol, nasa bagong model na tayo ng mundo.. Lahat ng mga imposibleng bagay nagiging posible na. So spill it!" I sighed at nagsimulang magkwento mula sa pagbigay sa akin ng painting hanggang sa lumabas sa painting ang isang byun baekhyun.

Seryoso lang siyang nakinig, feeling ko naniniwala siya sa akin. Nang matapos akong magkwento ay sakto din na naubos ang juice niya at inilapag ito sa mesa.

"Hindi nga ako nagkakamali.. Si Byun Baekhyun na nabuhay 150 years ago at ngayon ay iisa.." nagtaka ako lalo, kilala niya si baekhyun?

"May alam ka tungkol kay baekhyun?" hindi siya sumagot at iniabot sa akin  ang isang lumang dyaryo. Tinanggap ko ito at nagtatanong na tinignan siya.

"Basahin mo" utos niya. Sinimulan kong titigan...

'BYUN'S DOWNFALL'

Sabi sa front page ng dyaryo. Binasa ko ito. Tungkol sa mga byun, kung paano sila nagsimula hanggang sa bumagsak sila. Nabanggit din dito ang tungkol sa dalawang anak ng mga byun. Si baekbom ang panganay sa magkapatid at ang pinaka pinag usapan ng lahat ang bunso, si baekhyun.

"Paano mo nalaman ang lahat ng 'to?"

"Former Bussiness Partners ang mga Do at mga Byun noon. Dad told me about our bussiness history, at sa part ng mga byun ako naging interesado. Naghanap ako ng ilang information tungkol sa kanila noon at nakita ko iyan." Turo niya sa dyaryo.

"Noong nakita ko si baekhyun, nagdadalawang isip ako kung nakita ko na nga ba siya o hindi. Nag-ayos lang ako ng papers ko noong isang araw at nakita ko nga ulit iyan. Doon na naging maliwanag sa akin kung sino nga talaga si byun baekhyun."

"Nagresearch ako ulit tungkol sa kung anong issue ang nangyari sa kanya noon. Yung pagiging depress at maagang pagkamatay niya, Yung pagiging head over heels niya sa babaeng nagngangalang.."

"Park Chanhee" pagtatapos ko sa sinabi niya. Napatingin siya sa akin.

"Chanyeol, sabihin mo sa akin... Bakit bumalik si baekhyun?" Umayos ako ng upo at Inilapag ang dyaryo sa mesa.

[EDITING] 2166▶▶ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon