Personal Tutor

43K 350 39
                                    

Heartstrings 

© Copyright 2013 All Rights Reserved 

Kathryn's POV:

Malapit na ako sa library ng bigla kong naalala na hindi pa pala ako nag-aagahan kaya bumalik muna ako papunta sa canteen para bumili ng makakain.

Wala na kasi akong time mamaya kung kakain man ako dahil busy na ako sa pagreresearch. Kailangan kong tapusin agad yun dahil next week na ang deadline.

Dahil sa kamamadali ko hindi ko na namalayan na may paparating sa harapan ko...

Nagkabungguan kaming dalawa at natapon yung mga dala ko.

Dali-dali kong pinulot yon at tinignan kung sino....

Si Daniel pala.

Hindi ko alam kung bakit uminit kaagad ang dugo ko nung nakita ko siya. "... tignan mo kasi ang dinadaanan mo..." galit na sabi ko sa kanya.

Ang gusto niya kasi lahat tatabi kapag dumaan na siya. Halos lahat ng studyante dito takot sa kanya hindi ko alam kung ano bang meron sa kanya.Bakit, pare-parehas lang naman kaming studyante dito ha?

 ".. ok ka din no? ikaw na nga ang nakabangga sakin ikaw pa galit.." sabi niya.

Mayabang talaga.

"... kung tinignan mo sana yung dinadaanan mo eh di hindi sana natapunan tong dala ko..."sabi ko.

"... alam mo kung ginamit mo sana yang apat na mata mo at kung dinilat mo ng mabuti... eh di sana hindi tayo magkakabungguan..." natawa yung mga studyanteng nakarinig sa sinabi niya sakin.

Ito yung isa sa mga reasons kung bakit ayaw kong makisama sa kanila. Nakisabay na din siya sa pagtawa hindi ko na tuloy mapigilan na magalit sa kanya.

Napahiya ako sa harapan ng lahat habang siya tuwang-tuwa. Pinipigilan ko na yung luha na tumulo dahil alam ko once na nakita niya yon mas lalo niya lang akong aasarin.

Napatigil siya bigla nang makita niya hindi na ako natutuwa pa pero bago pa siya makapagsalita ulit tumakbo na ako papalayo sa kanila.

Napakayabang niya talaga!!  akala mo kung sinong makapagsalita. Oo, nga kilala siya dito sa buong campus pero hindi naman yun reason para ganunin na niya ako.

In the first place siya naman ang may kasalanan e.... alam ko na may kasalanan din ako... E, basta kung maayos din sana siya kung makatingo sakin e di sana walang gulo. Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko.

Nakarating na din ako sa canteen katulad ng dati mahaba-habang pilahan na naman to. Kailangan kong magtipid para magkasya pa yung allowance ko next week. Nakabudget na kasi yung sweldo ni mama kaya hindi na pwedeng galawin. Bumili na lang ako ng isang chicken sandwich at juice...

Daniel's POV:

Nasa bench kami ngayon ng mga kaibigan ko. May banda nga pala kami dito sa campus. Parking 5 kaya kilalang-kilala kami...

Heartstrings:The Deal [Completed]Where stories live. Discover now