T W E N T Y F O U R

56.7K 1.8K 504
                                    

Makapal na usok ang bumungad sa aking umaga. Sumusuot sila sa bintana kaya kita ko ang naglulutangang alikabok kasabay ng sinag ng araw.

Mula rito sa kwarto rinig ko ang ingay sa baba. Sa baba kung saan tantiya ko kung saan nanggagaling ang usok. Kumakalam ang tiyan ko sa naaamoy na ulam. Nasasalo ng aking pandinig ang mga boses ng mga tito't tita ko na dumating kahapon.

Pagbukas ko pa lang ng pinto, tumigil ako sa bukana at hindi muna tuluyang lumabas ng kwarto. Parang ibang bahay ang tinulugan ko dahil sa iba na ang pagkakaayos ng mga kagamitan.

Kung gaano katipid ang celebration kahapon ni Devin sa birthday niya, salungat sa handa ngayon para kay lola.

Nag-iba na nang kulay ang ,ga kurtina. Pati damit ng sofa, ang table mantle ay naging pula na imbes na noong dilaw. Nasa baba na nang hagdan ang tv na noo'y kaharap ng bintana.

Seriously. Birthday ba 'to o Chinese New Year?

Tila may pagtitipon sa kusina dahil nandoon lahat ng tao. Isa-isa akong nagmano sa mga tita ko na agad pinuna ang kaagahan kong paggising. Ang mama ni Daneen ay sinusuot kay lola ang isang bagong bestida na galing pa mismo sa ibang bansa.

"Happy birthday ,La!" bati ko. Hinaplos ni lola ang buhok ko nang humalik ako sa kanyang pisngi.

Sa engrandeng handa ngayon at siguro sa rangya ng mga natatanggap niyang mga regalo, hindi na ako nag-abala pang bigyan siya. I know she won't mind.

"Baka biglang mabuhay si Papang niyan, Ma at pakasalan kayo ulit."

Nagtawanan sila sa biro ni tita Grace nang makita na sakto lang ang pulang bestida kay lola. Nagmukha nga siyang donya. Ang mga tito ko ang siyang nagluluto sa labas at pinagtulungan ang pag-halo sa malaking kaldero. Dalawa sa kanila ay nagpapa-ikot ng lechon!

"Mamaya pa pala pupunta sila mama't papa mo, Sav. Sabay sila ng mga kapatid mo," pahayag ni tita Ellen.

"Ganon po ba? Sina Miles po nandito na rin?" tanong ko habang tinutuhog ang isang luto nang lumpia sa tinidor.

"Sabay-sabay na silang mga pinsan mo. Si Daneen lang ang nandito at sina Rory. Tulog pa ang mga iyon sa La Casa."

Tumango ako. Palagi namang nagsasabay ang mga lalake kong pinsan at sina kuya. Hindi umaalis kapag hindi kasama ang isa.

Hindi na ako nagtagal doon at naghanda na ako para sa trabaho. Pagkarating sa La Casa, nadatnan ko sina Daneen na maagang nagtatampisaw sa dalampasigan kasama sina Rory at mga kapatid niya.

"Inggit ako!" sigaw ko sa kanila, diniklera ang aking pagdating.

Kaunti pa lang ang naliligo dahil sobrang aga pa. Kadalasang ligo time ng mga turista ay mga alas-diyes. Wala pa ngang alas otos ngayon.

"Dalhan mo kami ng pagkain dito." Maarteng kinumpas ni Daneen ang kamay.

Prente siyang nakaupo sa buhanginan at natatabunan ang mukha ng malaking itim na sombrero na sumasalungat sa pula nitong buhok.

Pinagtawanan ko siya. "Saan ang araw Daneen?"

Umatras ako nang sinubukan niya akong wisikan ng tubig. Umamba rin akong babasain ni Rory kaya mas lalo akong lumayo.

Isa-isa ko silang tinapunan ng maliliit na bato. "Magbayad muna kayo, uy!"

"Free ang breakfast buffet!" ani ni Marlow. Magkahanay silang apat at purong naka-shorts at racerback top maliban kay Faye na naka-shirt.

"May luto na sa bahay ni lola. Busog nga ako eh."

Nabasa nang kaunti ang sapatos ko sa alon na humalik sa buhanginan.

FROM THE MOMENTWhere stories live. Discover now