E P I L O G U E

123K 4K 1.9K
                                    

Makikita ang sukdulang kasamaan ng isang tao dahil kahit gaano pa kababaw ang rason ng paggawa nila ng karahasan, kaya pa rin nilang kumitil ng buhay makuha lang ang nais nila.

I've proven how my grandfather is a spawn of satan. And I'm not proud of it. I'm not proud to be part of this family. 

If I have to say something about them, well I'll make sure that there's something to say that I should be proud of.  But they're criminals. They're vile. Maliban lang kay momma, siya lang ang tanging kakampi ko sa pamilya namin.

"I want out of this family. Takasan na natin sila, Ma. We have no freedom here. Para tayong mga preso! What they make us do is inhumane!"

Isinigaw ko ang aking saloobin. Pabalik-balik ang lakad ko rito sa kwarto. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang puti nitong pintura at manipis na kurtina na nagmistulang ball gown ang disenyo.

Sa labas kitang-kita ang malawak na lawn at ang mahabang daan na nag-uugnay sa pinto ng mansiyon at sa higanteng gate.

The pristine landscapes, high ceiling interior, wide space rooms... animo'y pwede ka nang maglaro ng golf. Kahit sino ay papangarapin ang ganitong buhay. Pero ako? Gusto ko itong takasan at itakwil.

Tumayo si mom at tinabihan ako rito sa may bintana. "Hindi ka nila papayagang umalis kung hindi mo sila susundin."

"Ano ba kasing ang meron sa lupang iyon?" naiinis kong tanong. " Lupa lang iyon! Marami naman silang nabili!"

"Matagal na 'yong pinamamatyagan ng lolo mo. Nagandahan siya sa lugar, it's perfect for his furtive endeavours. Hindi naman kasi madaling mahahalata because it's seems a remote place to exploit their businesses."

Dumoble pa ang inis ko sa dahilan nila. "Iyon lang? How shallow could he be? Pati si dad sinang-ayunan 'to?"

Nanatili ang paningin niya sa labas at hindi na nagsalita pa. Her silence is indeed  the answer that yes, my father is my grandfather's wingman. Apprentice. Coadjutor or whatever the fuck you call it. Sigmund had them married because he can use my father as his aide.

I've seen love in other people. I've seen love in friends, neighborhoods, pets...I've seen love in them but me. Not in this house. Not in my parents. Not within me.

Naniniwala ako sa pag-ibig sa ibang tao lang nangyayari. Pero hindi ako naniniwalang para ito sa 'kin. Pamilya ko pa lang wala nang makikitaan ng pagmamahal. So, love is a lie for me.

"Hindi ko maintindhan kung bakit ako, ma. Bakit hindi ibang apo niya ang pahirapan niya?"

"Nagawa na niya 'yon Devin. Kaya nga wala dito ang pinsan mo,  di ba? Kami lang ng tito Guillermo mo ang magkapatid, ngayong wala na siya, tayo ang pinupuwersa niya. At isa pa, malapit ka sa mga Palomarez."

Dapat ko bang pagsisihan na malapit ako sa tanging tinuturing kong mga kaibigan? Pamilya? I don't want to but right now I wish I shouldn't have been too friendly with them kung iyon lang naman pala ang magiging tulay upang ipagawa sa 'kin ito ng lolo ko.

They're making me one of them and I abhor that big time. Doon pa lang, napag-desisyunan ko nang itakwil ang buhay na 'to. Itakwil sila maliban kay mom.

If they're gonna disown me back, then I don't give a flying fuck! I don't need a family like them. I only have my mother right now.

"I'll make them believe I'll do it. Babalik ako roon," I decided.

"Devin anak, mapapahamak ka sa gagawin mo," nag-aalala niyang sabi, desperado niyang hinawakn ang balikat ko.

"Bahala na, basta aalis ako rito." Nilingon ko siya. "Ikaw? Come with me mom, please. Hanapin mo ang anak ni tito Guillermo."

FROM THE MOMENTWhere stories live. Discover now