Prologue

21 2 0
                                    



"Diba, sabi mo magkikita tayo ulit?"
Tanong ng batang babae sa batang lalaking kausap niya.


"Oo naman! Papakasalan pa kita diba? Tapos magiging tayo paglaki natin!"
Masayang sabi ng batang lalaki sa batang babaeng kaharap niya ngayon.



"Pangako iyan ha? Promise?"
Nangingilid na ang luha ng batang babae habang tinatanong niya iyon sa batang lalaki. Kaya para masigurado niya ay inabot niya ang hinliliit nito sa batang lalaki.



"Oo naman! Pangako iyan."
Nakangiting tugon nito at kinawit ang hinliliit niya sa hinliliit na nakaharap sa kanya.



Pilit na ngumiti ang babae sa lalaki.
"Parang di pa ako makuntento." nakangiting turan nito sa lalaki.



"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ng lalaki sa kausap niya.



"Basta di ako makuntento!"
nakangiting sabi ng babae at may inilabas mula sa bulsa ng suot nitong jumper. "Kaya ginawa ko ito para makuntento na ako." sabay abot ng bagay na gawa nito sa batang lalaki.

That Beautiful Disaster Where stories live. Discover now