Chapter 1

28 2 2
                                    

Katara's Vantage Point

"Ate Rica! Andito na yung pinapakuha mo sa akin!" sigaw ko sa kanya mula dito sa gate hawak hawak ang mabigat na box na ito.

"Oh, Katara! Maraming salamat at kinuha mo ito. Nakalimutan ko kasi ito kanina eh. Pasensya na." at nag-peace sign sa akin si Ate Rica.

Ngumiti lang ako sakanya.
"Okay lang iyon Ate. Thanks pala dito ah?" pinakita ko yung hawak-hawak kong mga paper bags. 

"SusDi ka na nasanay. Hahaha. Pero okay lang iyan. Sinamahan mo din naman ako eh." sabi naman niya sa akin. Ngiti na lang ang sinagot ko sa sinabi niya.  Di naman kasi iyon tanong para sagutin. 

"Sige na. Balik ka na sa bahay niyo baka hinahanap ka na ng Mama mo." kahit na nakangiti siya nung sinabi niya iyan sa akin, alam ko naman na peke iyang ngiting iyan. 

Nakatingin lang ako sa kanya ng ilang minuto at ngumiti na lang ako bigla.

"Sige Ate.  Aalis na ako. Pupunta ako kina Tifi para maki-over night sa kanila." Natigilan siya sa sinabi ko. Ngumiti na lang ako para di na siya mag-alala. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na papunta sa bahay namin para makuha yung mga gamit ko. 

Pagkadating ko sa bahay namin, dali-dali akong umakyat sa hagdanan. Pagkaapak na pagkaapak ko doon ay tumakbo ako sa pinakadulong parte. Nandoon kasi ang kwarto ko. Papasok na sana ako ng may tumikhim sa likuran ko.  Lumingon ako para makita ang Mama ko na nakapamewang sa akin at nakatitig ng mariin pababa sa mga hawak-hawak ng mga kamay ko.  Tinago ko iyon sa likuran ko at tinaasan lang siya ng kilay. Alam ko tatadtarin na naman ako nito ng mga tanong. Kesyo saan ba ako pumunta, saan ko nakuha ang mga dala dala kong gamit dito sa bahay,  ganyan.

"Kataraanaksaan ka ba nagpupuntaNag-aalala na ako sa iyoPati na din ang kapatid mo at ang---" I cut her off.  I don't want to hear her babblings about her feelings. 

"Ma. " bored na sabi ko sakanya. "Galing lang ako sa mall kasama si Ate Rica.  Tinulungan ko na din siya para may extra allowance ako at di na ako makahingi sa inyoNakakahiya naman kasi sa asawa mo."
I know masakit sa side niya pero bakit kinalimutan niyang nasasaktan din kami sa mga desisyong pinaggagagawa niya. 

Nakatingin lang siya sa akin at umiwas na lang.  Ano bang magagawa ko?  Nanay ko siya,  anak niya ako.  Ang kaso gumagawa siya ng mga desisyong makakapaglayo ng tiwala at kalooban namin sakanya.  She's too selfish that she can think for herself but not for her children.
Iyan naman lagi ang daily routine namin eh.  Tsk.

That Beautiful Disaster Where stories live. Discover now