Chapter 2

11 2 0
                                    

Katara's Vantage Point

Nandito kami nakatambay sa corridor ng building namin sa 3rd floor.  Kakatapos lang ng klase at masasabi kong nakakainis ang Sir o Ma'am ba namin na epal palagi. Di ko man lang malaman kung ano ang tunay niyang kasarian. Pero I must say na isa siyang dakilang epal--- epal na maarteng English teacher.

Kasi naman bigay ng bigay ng kung ano-anong words eh alam na naman namin yun,  ang kaso akala namin bago lang yung mga words na pinagbibigay niya, kaso iba lang ang pag-pronounce niya.  Arte ba naman kasi,  maski ang pagsulat sa blackboard eh halos mandiri na.  What more kung magfliflip pa siya ng book page?  Kainis diba?  Sinasama ba ang kaartehan sa pagtuturo? Diba hindi naman.

Kaya heto ako nakasilip sa railings na nakaharang para hindi kami mahulog pag-dumungaw kami sa quadrangle ng school--pero ang sabi ng ibang babae, para di daw mahulog yung panty nila kapag may gwapo silang makatitigan o makita. Ano naman kasi ang connect ng pagkahulog ng "panty" sa pagkahulog ng mga "taong" dumudungaw sa railings diba? 

Narinig ko si Tifi na nagsisigaw dahil lang na nakausap niya ang crush niya. Oh,  tatanungin niyo ba ako kung paano ko nalaman?  Basahin niyo uli para makita niyo kung paano ko narinig ang dahilan kung bakit sinabi ko ang dahilan niya.

Tumabi siya sa akin at pinektusan ako.  Aba, tingnan mo nga naman ang babaeng 'to oh.  Napasimangot na lang ako sa ginawa niya.
Tiningnan ko si Tifi, Tifanny Valencia , ang ever since bff ko na nakilala ko lang sa paradahan ng sasakyan mga 4 years ago.

Parehas kaming nakadungaw ng biglang dumating ang mga kaklase ko na kaibigan niya. I never socialize with other people aside from her. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nginunguya ang aking bubble gum.  Tambay daw muna kami dito kesyo ang hirap daw ng quizzes sa English at Math, ganyan.  Ako naman si dakilang chismosa, tagakanig lang nila.

"Psst... " Nakuha naman n'on ang atensyon ko.  Nakatingin pala sila sa baba at may sinusutsotan.

Ang saya naman nilang tingnan, nakakainggit. 

Magaya nga. 

Naghahanap ako ng masusutsotan katulad ng ginagawa nila. Hmmm...  Aha!  Meron na akong nakita.

"Psst!" Nagtago ako ng tumingin yung sinutsotan ko sa quadrangle. Hahaha nakakatawa talaga hahaha.
Naka-ilan na akong sutsot at hindi ako nahuhuli nung mga sinusutsotan ko. Pati sina Fifi hindi pa din tumitigil kasi di pa nahuhuli.

"Psst! " sa pagkakataong iyon, nahuli na ako.

Andrei's Vantage Point

Kasama ko ang bestfriend ko na pinsan ko pa habang naglalakad sa napakaluwang na quadrangle na ito.  Letse yung mga babaeng nagpapacute.  Mukha silang tao na hindi mailabas yung dumi nila, mukha silang constipated.

"Brad ano bang nagtulak sa iyo para pumunta sa school namin? Alam mo bang bawal ang outsider dito?  Paano ka ba nakapasok? " Tiningnan ko lang siya.  Ang daldal naman nito,  parang 'di lalaki. 

"Alam mo bang napaka-ingay mo? "
Inis na sabi ko sa kanya at sinalpak ko lang ang earphones sa tainga ko.

"Aba brad, bastusan lang?"
Tiningnan ko siya ng masama.

Makuha ka sa tingin lang.

"Aish!" Kinamot niya ang ulo niya atsaka namulsa.  Buti nakuha ka kundi patay ka na ngayon.

"Pero teka ano ba talagang dahilan mo kung bakit ka nagpa-tour sa akin? Ang gwapo at hot ko namang tour guide" Sobrang kulit mo na ha?  Sinamaan ko siya ng tingin at sinagot na lang ang tanong niya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Beautiful Disaster Where stories live. Discover now