Kapitulo 8 - My First Friend is an Anime

3.9K 179 40
                                    

Pero nang biglang umandar si train…

Shet! Feeling ko may tug of war sa likuran ko at ako yung lubid! Matutumba ako! Akala ko ba may aerodyanamics ito! Bakit nafefeel ko ang Newton’s 2nd law of motion?! Aabutin sana ni Miya yung kamay ko, pero kapos! Hindi niya ako inabot!

“Emi!!! May bakal sa likod mo!” sigaw niya sa akin.

[PAALALA: ANG SCENE PO NA ITO AY NAKA SLOW MOTION]

Bakal? Tumingin ako sa likod ko, may bakal nga! Hala, mauuntog ako! I forced myself to retain my balance, pero wala eh, out of balance na talaga ako. Nakita ko yung facial expression ni Miya, masyado siyang worried. Wow, I saw another emotion coming from her again! Pero hindi ito ang time para diyan! Mauuntog ako….

Mauuntog na talaga ako…

Malapit na…

Andiyan na!

Bwwoooooggggggsssssshhhhhhh!!!!

At nauntog nga ako, then I lost consciousness.

Noong nagising ako, wala na ako sa loob ng train, I found myself inside a small room painted in white! Lahat ng bagay sa paligid ko white! Tapos may krus pa ni Jesus Christ na nakasabit dun sa pader! Hala! Patay na kaya ako? Exaggerated naman yun, nauntog lang ako tapus namatay na kaagad?!

“Oh no! Ibalik niyo ako sa earth! May misyon pa ako!” sigaw ko, tapos may biglang sumampal ng mahina sa pisngi ko. Nang makita ko kung sino yun, si Miya pala! Nakaupo siya malapit sa tabi ko. Kaagad akong bumangon.

“Hala Miya! Patay ka na rin? Nauntog ka rin ba?!” tanong ko, tumawa ng konti si Miya, tapos pinitik niya yung noo ko. Araay! Masakit yun ha!

“Sira, wala tayo sa langit. Nasa clinic tayo. Nabagok kasi yang ulo mo tapos nawalan ka ng malay. Dinala kita sa pinakamalapit na clinic. Buti na lang, matigas yang bungo mo, at walang masyadong komplikasyon.” sagot ni Miya. Narelieve ako na hindi pa pala ako patay, buti na lang. Marami pa akong kailangang gawin sa misyon ko. Masyadong madidisappoint sa akin si Usui kung namatay ako kaagad.

Disappointment…hmmmm…

[ting]

Bigla kong naalala na may pupuntahan pala kami ni Miya, pero dahil nga sa mga kapalpakan na ginawa ko, hindi pa namin ito nagagawa. Masyado na sigurong disappointed si Miya. Wala na akong pag-asang maging kaibigan niya.

“Miya! Anong oras na?! Magshoshopping pa tayo di ba?” tanong ko sa kaniya. Umiling-iling lang si Miya. Tapos itinuro niya yung wall clock. 6 PM na pala! Grabe! Ilang oras na  pala akong nawalan ng malay? Haiy, ang malas ko naman ngayong araw!

“Masyado na tayong late.” dagdag pa ni Miya. Huhu! Parang may something dun ah. Deep inside siguro, naiinis na siya sa akin. Bakit ba kasi sa lahat ng araw, ngayon pa ako dinalaw ng kamangyanan at aksidente? Wala naman akong balat sa puwet ah…

Otaku no MonogatariWhere stories live. Discover now