#22

9 0 0
                                    

Pag kasi nagmahal ka walang dahilan yun. Paano kung nawala yung dahilan mo kung bakit mo siya minahal? Edi mawawala na rin yung pagmamahal mo sakanya.


Halimbawa, minahal mo sya kasi maganda sya, kasi maganda boses nya, kasi sexy sya, kasi mabait sya. Paano kung pumanget sya? Kung pumanget din ang boses nya? Kung tumaba o pumayat sya? Kung maging masama sya? Edi mawawala na yung pagmamahal mo sakanya? Sabi mo sakanya meron kang milyung milyon na dahilan para mahalin sya. Paano kung mawala lahat ng mga dahilan mo? Edi mawawala na yung pagmamahal mo sakanya? Kaya ako naniniwala akong WALANG DAHILAN PAG MAY MINAHAL KA. Yung tipong magigising ka nalang na isang araw. Gusto mo na sya-- no scratch that! Mahal mo na sya. Pagkagising mo nasabi mo nalang sa sarili mo. Mahal ko sya, gusto ko syang alagaan, gusto ko rin syang protektahan. Tapos magtatanong ka sa sarili mo. Bakit ko sya minahal? Tapos maiisip mo. Ewan mo. Basta gumising ka nalang na mahal mo na sya. 

U l a o l.Where stories live. Discover now