#50

16 0 0
                                    

TIPS 101 BY DYOSOUGH NA AUTHOR slash ASAWA NI 김태형: 


*Para sa mga nagmomove on dyan. First of all, paano mo kakalimutan feelings mo para sakanya kung patuloy kang babalik sa mga nakaraan nyo? Paano mo sya makakalimutan kung patuloy mong inaalala ang mga bagay na dapat e binaon mo na sa limot. Diba? Kasalanan mo rin kung bakit di ka makapag move on.


Mga dapat na gawin para makalimot ng feelings kahit papaano:

--Itapon or sunugin or idelete mo na lahat ng pictures nyo! Hindi yung para kang tanga sa gabi na titignan pa yun tapos iiyak bigla. Oh diba! Sinong nakakasakit sayo? Ikaw mismo. 


--Itapon na rin or sunugin ang mga love letters(Meron bang binigay?!), or gifts nya sayo. Syempre pag nakikita mo yun. Bigla ka nalang magto throw back thursday kahit di naman thursday. Galing mo rin e no. Tapos iiyak ka ulit. Nice! Itigil na yan at itapon na. Kung trip mo naman ipamigay mo nalang. Oh diba nakatulong ka pa.


--Maging busy ka sa ibang bagay at wag na syang isipin pa. Kasi pag laging sakanya ka lang nafocus eh paano mo talaga makakalimutan feelings mo sakanya? Try mong magfocus sa iba. Makakalimutan mo din ang feelings mo sakanya. Makipagdate ka sa iba. Or gumimik sa tropa.


--Maging masaya ka lang talaga sa buhay mo at kalimutan mo na feelings mo sakanya. Iiyak mo lang yan sa una, pero tandaan mo na sa una mo lang dapat sya iiyak. Lahat. Lahat lahat iiyak mo. Para sa susunod e wala ka ng iiiyak. Kahit gaano kahirap magmove on. Okay lang yan. Basta makatakas ka sa sakit na pinaramdam nya sayo. Kasi sabi nga nila pag nahanap mo na si THE ONE worth it lahat ng mga sakit na naramdaman mo. Siguro ngayon tinuturuan lang tayo ng tadhana ng isang lesson. Lesson na kailangan nating tandaan. At pag handa na tayo. Ibibigay na satin ni tadhana si THE ONE. Siguro hindi parin tapos si god sa pagsulat sa story mo. 


--Huwag munang makinig ng mga kanta na makakapagpaalala sa relasyon nyo. Makinig ng mga pang-Rakrakan o pang-sayaw na kanta. Basta wag yung mga songs na nakakapagpaalala sayo about sakanya at sa relasyon nyo.


--Magpaganda ka lalo. Ipakita mong hindi ka deppressed. Ipakita mong strong person ka. Para pag nagkita kayo eh ipamukha mo sakanya na napakalaki ng sinayang nya at HINDI SYA KAWALAN.


--Wag mong masyadong isipin na makakalimutan mo sya. Kasi ang dapat mong kalimutan e ang feelings mo para sakanya hindi sya. Para yung mga memories nyo dati at ang mga katangahan mo ehtatawanan mo nalang pag naalala mo. 


Sana naman eh nakatulong yung mga sinabi ko. Yung iba dyan e sinabi lang sakin ng pinsan ko. Huhuhu. Salamatin sainyo! Wag sya ang kalimutan mo! FEELING MO PARA SAKANYA ang kalimutan mo. Gusto mo syang kalimutan? Haha. Iumpog mo ulo mo sa pader makakalimutan mo sya. Hanggang sa susunod na Tips 101. Kung may susunod pa. Haha.


Dyosough ako at mahal ako ni taehyung,


DYOSOUGH NA AUTHOR

U l a o l.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt