Kabanata 28

7.9K 210 1
                                    

Kabanata 28: Pag amin

Natauhan naman si dave/ luke ng banggitin ko ang tunay niyang pangalan. "D-dave??" takang tanong nito. Napalunok uli ako. Ang shunga ko talaga kahit kailan! Anong sasabihin ko? hindi ko pa pwedeng sabihin ito. Wala pang plano.

Sabagay. matutulungan naman niya ako e. May tiwala ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nalalapit na rin ang pinaka hinihintay ng lahat. ANg labanan laban sa kasamaan at sa kabutihan. Hindi man alam ng mga tiga heberry na hindi iyon ang totoong prinsesa ay nag plaplano silang makuha ang piraso ng isang libro dito sa Academy. Nasa akin pa ang piraso. Hindi kasi yung totoong piraso ng papel ang hawak ng clone ko. Kaya hindi iyon gagana kung sakaling makumpleto niya man iyon...

"Uhm, A-alam ko na ang t-totoo, Dave" Nabubulol kong sabi. Lalo namang nanlaki ang mga mata nito.. "P-paano?" naguguluhan nitong sabi. Hindi kasi ako nag pakita nung nakita ko sila ng kapatid niya. Hindi ko nga alam na may kapatid pala ito. "Narinig ko kayo ng kapatid mo na nag uusap. Hindi ko namang sinasadya na marinig iyon. hindi naman lahat ay narinig ko." nanginginig kong sabi. Niyakap naman niya ako.

"Salamat, Anastasia" napakunot naman ako. bakit siya nag papasalamat? "B-Bakit naman?" tanong ko. Humarap naman ito at ngumiti. "Dahil sinabi mo sakin. Akala ko hindi mo sasabihin kung ano ang gumugulo sa'yo." Sabi pa nito. Nagtaka naman ako akala ko... Magagalit siya sakin kasi nakinig ako sa bagay na hindi ko naman dapat marinig.

"So? dave, baka gusto mong mag kwento sakin? About sa kung anong nangyari sa'yo?" banggit ko habang nag lalakad kami. Napangiti naman siya pero halata sa ngiti niya ang lungkot. "Ayaw mo ba?" tanong ko pa uli. Nag tataka kasi ako. Prinsipe siya ng Heberry tapos na punta siya sa Skyberry?? Paano?



"Ganto kasi yun... Mga bata palang kami, Narinig ko yung binabalak ni Tita Noira. Balak niyang sakupin ang Heberry. Tapos isusunod niya ang skyberry. Phison at Khison. Nagalit ako dahil sa narinig ko. Ayaw naman akong paniwalaan nila mama at papa dahil bata palang ako nun. Sinabi ko rin yun sa kuya ko pero ganun din ang reaksyon niya. Kaya naisipan kong umalis nalang. Yun, napunta ako kila Kuya Alejandro at nakilala kita. Alam mo bang sobrang saya ko ng mga panahong iyon?" natigilan naman ako. Halata nga ssa mga mata niya dati na nasisiyahan siya na makalaro kami.

"Dun ko napagtanto na ikaw pala ang prinsesa ng Skyberry. Isang araw ay nag punta ang mga Ortolon sa Skyberry upang hanapin ako. Nakita nila ako na kalaro ka. Yun yung panahon na bitibit kita kasi nadapa ka. Yun din yung panahon kung bakit ka nawalan ng alaala kasi nauntog ko sa malaking bato ng subukan mong tulungan ako. Nalaman agad ito ni Kuya Alejandro. Nalaman niya ang dahilan kung bakit ako nasa kanila. Napagtanto nila na ako yung nawawalang prinsipe ng Heberry... Kaya agad nila akong tinulungan sa mga Ortolon at ipinadala sa Skyberry Academy. Nung nandito ako wala akong inisip: Kundi ang isipin kung paano ko matatakas ang mga magulang ko sa tita ko. Simula ng dumating ka. Nalaman kong clone lang ang prinsesa sa heberry at ang totoong prinsesa ay nandito. Hinanap ko siya. Sabik na sabik akong makita siya. Napaghinalaan din kita dahil sa katapangan mo... Yun tama pala ako. Ikaw talaga yun" Nakayukong sabi nito. Tiningnan ko siya. May mga namumuong luha sa gilid ng mata niya. Minsan lang ako makakta ng lalaking umiiyak ah!

"Sorry.." Yun alng nabanggit ko. Wala akong masabi. Mas mahirap ang mga pinag daanan niya kaysa sa akin. Matagal siyang nawalay sa mga magulang at pamilya niya.

"Bakit ka nag sosorry? wala ka namang kasalanan e. Matatapos din to. Mag tiwala ka lang" Sabi niya habang hinawakan ang mga pisngi ko. Hinalikan naman niya ako sa nuo at niyakap. This time i feel safe in his arms. Pakiramdam ko wala akong dapat ikatakot...

"I will protect you Kahit na buhay ko pa kapalit, Anastasia" Sabi nito. Lalo naman bumilis ang tibok ng puso ko. Damn! Nababaliw na ako sa lalaking kaharap ko. "Me too, dave" Hinawakan naiya ang muka ko at unti unting lumalapit sa muka niya pero---



"Hoy! kayong dalawa diyan! nilalanggam na kami oh!" sigaw ni warren. Pinanliitan naman siya ni Luke este ni Dave. "Mamaya ka sakin!" sabi pa ni dave. "ssorry na boss. Pinapatawag po kasi tayong lahat ng principal." Sabi pa nito.



"Asan sila?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi sila hindi nakikita mag mua ng iwan nila ako dito sa music room. Halaang planado nga nila tiong mga nangyayari. hays! kahit kailan alaga yun!

"Andun na! nauna na! kayo nalang yung inaantay." Sabi pa nito. "Luke, musta?" Bulong nito ni warren. Natawa nalang ako. Tumingn naman sakin si warren. "Bakit?" Natatwa kkong sabi. "Kayo ah! baka mamaya kayo na! nako! may bagong lovers na naman sa barkada!" sabi pa nito. natawa nalang kami ni dave.

habang nag lalakad ay marami naman akong naririnig na bulungan. Hindi ko nalang sila inintindi. Wala naman kasi silang alam sa mga nangyarrai e. kaya hayaan ko nalang sila at hindi ko nalang papatulan.

"Pasok!" sigaw ng nasa loob. Kakatok pa ngalang ako...



lahat naman sila nakatingin sa amin. "bakit po?" tanong ko. "Yung kamay niyo ni luke" bulong sakin ni chloe. napatingin naman ako sa maya namin at napabitaw. "Ah... ehh... bakit po?" nahihiya kong tanong habang nakamot pa sa batok. napangisi naman yung principal.



"ALam niyo naman siguro kung bakit kayo nandito? Nararamdaman na ni Chloe na malapit na sumugod ang mga Ortolon. Siguro mga next month. Ngayon ay nag hahanda na sila." Sabi pa ni sir at inisa isa kami ng tingin.

"Gusto kong mag handa na rin kayo pati na ang mga studyante sa nalalapit na laban. Hindi magiging madali ito. Magiging madugo ang mga mangyayari." Pag papatuloy nito.

"Sa umaga mag eensayo kayong lahat. Sa tanghali hanggang alas sais ng gabi ay mag eensayo kayo kasama ang mga studyante. Mau at edward Ilayo niyo ang mga bata. Dalhin ninyo ito sa ilalim ng Skberry academy. May sekretong training rooms ito at mga tirahan. Rose and Xnader tulungan niyo ang mga studyanteng mag ensayo. Aaron and chloe, Ganun din ang gagawin niyo katulad din ni Warren at Miami. At kayo..." Tinuro kami ni Sir. Tumingin naman samin silang lahat at napalunok naman uli ako. "Mag tratraining kayong dalawang mag kasama sa battle arena para sa mga teachers. Titingnan ko kayong dalawa" Ngiti nito. Nag bulungan naman sila. at nag tataka kung bakit ako napunta dun e mahina lang daw ako. Napairap naman si rose. napangisi lang ako si ludave.

"Pwede na kayong umalis... maliban sa'yo luke and amber" sabi pa ni sir. Umupo na kaming dalawa sa may tapan ng principal.

"Alam kong alam niyo na.. Kialla niyo na ang isa't isa" Sabi ni sir. nag katinginan naman kaming dalawa ni dave na naka kunot ang muka. "Nagtataka kayo kung paano ko nalaman? Hindi na mahalaga yun." Sabi pa neto. Gusto ko nalang matawa saaa sinabi ni sir.

"Kayong dalawa ang pinaka mag ensayo ng husto. Prinsipe at Prinsesa. Kayo ang pinaka inaasahan ng mamayanan ng skyberry at Heberry. Wag niyo silang bibiguin" Sabi nito at kumindat. Napailing nalang ako natatawa. Tumayo na siya at parang may kinuha sa likod ng mga libro.

"Ito, Ito ang piraso ng libro. Hindi na ligtas sa akin ito. Ibibigay ko na sayo to prinsesa. Ikaw lang ang may kakayanang itago to. Ang akala ni Noira ay kumpleto na niya na lahat at ang kulang na lang ay ang piraso nito na napunta sa Skyberry. Nag hahanda na sila para kunin ito. Kayo nalang ang natitirang pag asa.. sana magawa niyo ito" Sabi pa nito. Ngumiti lang ako. Si l=dave naman ay oarang walang reaksyon. ANg hirap talagang basahin ng isip niya. Kainis!

"Pwede na kayong umalis. Simulan niyo na ito bukas ng umaga." At nag lakad na kami pa alis ng office ni sir. Hinatid na ako ni dave sa kwarto namin.

"Good night, My princess" Sabi pa nito. Natawa nalang ako. "SIra!" Sabi ko sabay tapik sa balikat nito. Umarte namna ito na parang nasasaktan. "Aray ko naman! Amazona ka talag!" Pag mamaktol nito at nag nakaw ng halik sa akin. "Huy!" saway ko. Napangiti naman siya. "I love you" Sabi niya napangiti na rin ako. "I love you too" Sabi ko. "Umalis ka na nga!" Sabi ko pa at tumakbo na siya. Natatawa akong pumasok sa loob ng aming silid.



"ANong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong ni Mau. "Wala lang" Sabi ko at nahiga na!

The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editingWhere stories live. Discover now