Prologue

4.2K 124 26
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa napakainit at napakaingay na lugar na ito. Lahat ng tao na nandito ay mga babae na sa di ko malamang dahilan ay sobrang mga excited.

Bakit nga ba ako nandito? Tinignan ko ang babae sa tabi ko at tulad ng iba ay halatang excited na excited siya,siya ang dahilan kung bakit ako nandito.

Kanina lang ay ang ganda ganda ng araw ko, nakapwesto ako sa pinakapaborito kong lugar sa may rooftop habang nagbabasa ng librong kabibili ko lang, pero mabilis ding natapos yun nang dumating itong si Shane at hinablot ang
pinakamamahal kong libro at sinabing di niya yun ibabalik hangga't di ako sumasama sa kanya.

At ayan nga, nagawa niya akong isama dito. Sa totoo lang ay pwede ko na siyang iwan dito dahil naibalik niya na rin sa akin ang libro ko,kaso lang nagbitaw ako sa kanya ng salitang sasamahan ko siya-at hindi ko ugaling baliin ang salitang nabitawan ko na.

Tinignan ko ulit si Shane sa tabi ko.At isa pa, halatang excited siya at ayaw ko namang sirain yun dahil lang sa kaartehan ko.

Lagi niya naman akong sinasamahan kaya walang mawawala kung sasamahan ko rin siya ngayon - pero di ibig sabihin nun natutuwa na ako dito sa pinuntahan namin.

I always prefer to be alone kaya wala akong mga kaibigan pero si Shane makulit talaga at pinilit ako na best friend ko na daw siya, hanggang ngayon siya palang ang kaibigan ko. Kaya bilang kaibigan niya ay hindi nalang ako magrereklamo.

Inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid, hindi ko pa rin alam kung anong meron dito pero tinatawag isa isa ang mga pangalan tapos papasok sa parang office kaya sa tingin ko ay job interview ito. Ang ipinagtataka ko ay bakit panay babae ang nag-aapply at parang kinikilig sila na ewan.

"Hindi ko ba kailangan ng resumé or something?" naisip ko kasi na kung job interview ito edi ibig sabihin kailangan ng mga requirements kaya tinanong ko na si Shane

"Naayos ko na yun kanina pa, napass ko na din"

"Ha? Kailan?Bakit di ko napansin?" kanina niya pa ko katabi at hindi ko naman nakitang umalis siya sa tabi ko kaya paanong-

"Huwag mo sabihing bago mo ko dinala dito nabigay mo na lahat?" tumango tango siya na parang proud na proud sa sarili niya habang ako ay napatiim bagang nalang. So from the start wala na pala talaga akong kawala?Nagdesisyon siya nang hindi man lang sinasabi sa akin, biglang uminit ang dugo ko.

"Uy Claire di ka naman galit diba?" hindi ko siya pinansin, nilagay ko sa tenga ko ang headset at isinet sa full volume ang music. Ayaw kong magalit kay Shane kaya kailangan kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan nito.

Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung nagdedesisyon ang iba para sa akin ng hindi man lang ako tinatanong.Pakiramdam ko kasi kinokontrol ako, alam ni Shane na ayaw ko nun pero lagi lagi niya pa ring ginagawa. Lagi nalang akong nagagalit sa kanya dahil dun at pagod na ko, hindi niya rin naman kasi naiintindihan, nasasayang lang ang galit ko.

Kinalabit ako ng kinalabit ni Shane pero hindi ko yun pinansin.

Nang sa tingin ko ay kumalma na ako ay tinanggal ko na ang headset ko at hinarap si Shane. Siguro naman oras na para malaman ko kung para saan itong interview na ito, mahirap naman kung papasok ako doon na walang kaalam-alam.

"Shane" lumiwanag agad ang mukha niya ng marealize niya na kinakausap ko na siya at na hindi na ako galit-kahit di naman talaga ako nagalit

"Kyyaaahh di ka na-?"

"Ano bang meron dito?" Sa tingin ko kasi parang hindi lang simpleng job interview ito kasi bukod sa panay babae, yung mga ayos din nila ay hindi normal para sa interview.

Love ContractWhere stories live. Discover now