Chapter 2

2K 94 20
                                    

Magkahawak kamay kami habang naglalakad papunta sa kung saan sinabi niyang nakapark ang kotse niya. Gusto ko sanang itanong kung saan kami pupunta pero naisip kong mas mabuti kung wag nalang.

Ine-expect kong may driver siyang kasama kaya nagulat ako ng buksan niya ang passenger seat para sa akin,tinignan ko lang yun saglit bago pumasok at tumuloy na rin siya sa driver seat.

Wala akong alam sa kotse pero masasabi kong halatang mamahalin itong kanya, halata naman sa itsura eh.

May kinuha siya sa dashboard at iniabot sa akin.

"Can you please wear this" tinignan ko yun at tinaasan siya ng kilay.

Bakit ko naman kailangang magsuot ng eye mask?

"Don't ask why, just wear it" siya na mismo ang nagsuot sa akin nun at pinaandar niya na ang sasakyan.

Imbis na tanggalin ang eye mask ay tumahimik nalang ako at hinayaan siya sa trip niya.

Hindi rin nagtagal ang biyahe at maya-maya ay inihinto niya na ang sasakyan.

"Wag mo muna tatanggalin ang eye mask, aight?" yeah whatever.

Narinig kong bumukas ang pintuan banda sa kanya at maya-maya ay may bumukas ang pintuan na nasa gilid ko.

"Come on" inalalayan niya akong bumaba at hinawakan niya ulit ang kamay ko

Namimihasa na siya ah! Pero hindi ko naman pwedeng hilahin ito sa kanya kasi paano ko malalaman kung saan pupunta.

"Tada!" pumikit-pikit ako para mag-adjust ulit ang mata ko sa liwanag nang tanggalin niya nang piring ko.

Nang makita at marealize ko kung saan niya ako dinala ay kumunot ang noo ko.

"Bakit mo ako dinala dito?" sobrang masama na ang tingin ko sa kanya pero nginitian lang ako ng loko. Urgh I wanna wipe that smile off his face

"What? This place is perfect for our first date. Gusto kong pumunta dito dati pa pero hindi ako makapunta" naglakad siya papalapit sa glass at hinawakan iyon na parang gusto niyang hawakan ang mga isda sa loob ng malaking aquarium.

Yes, nasa loob kami ng Ocean Park. At naiinis talaga ako dahil nandito ako at siya pa ang kasama ko!

Nakasimangot at masama pa rin ang tingin ko sa kanya ng tinignan niya ako ulit.

"Galit ka ba?"

Hindi ba halata!? Gusto kong singhalan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko nalang siya sinagot.

"Tss bakit ka galit?Ayaw mo dito?Maganda naman dito ah" Tumingin siya sa taas kung saan kita pa rin ang mga iba't-ibang isdang lumalangoy

"Para tayong nasa ilalim ng dagat" Nakangiti siya habang sinasabi yun at kita ko sa mata niya manghang-mangha siya.

Napabuntong hininga nalang ako at pinikit ang mata ko.Pinilit kong alisin ang inis ko. Pagmulat ko ang nakatingin pa rin siya sa taas. Lumapit at tumabi ako sa kanya

"I like it here too" naramdaman kong tumingin siya sa akin pero pinanatili ko lang ang mga mata ko sa mga nakikita kong isda

"Eh bakit galit ka kanina?"

"Hindi ako galit, naiinis lang ako. I promised myself na ang unang beses na pupunta ako dito ay dapat kasama ko ang boyfriend ko" tinignan ko ulit siya ng masama "Pinigilan ko ang sarili kong pumunta dito kahit gustong gusto ko dahil dun, tapos dinala mo ko dito!"

"So,what's the problem?Boyfriend mo naman ako ah, bakit ka naiinis?"

"Hindi kita boyfriend" seryoso at walang emosyong sabi ko sa kanya. Hindi ko naman kasi talaga kino-consider na boyfriend "Sabi ni mama kapag niligawan ka ng lalaki at sinagot mo siya, dun lang masasabing boyfriend mo talaga yung lalaki"

Love ContractWhere stories live. Discover now