CHAPTER TWELVE: Car

6K 180 4
                                    


"Ekonomiya ng Pilipinas at kung paano macoconvince ang China na huwag nang agawin ang Spratlys Island at Scarborough",ang paseryoso kong sagot sa kanya sabay tingin kay Renzo. Tumikhim naman si Man of few words na si Rex. Napatingin kaming lahat sa kanya.

          

"So, magkwekwentuhan na lang ba kayo diyan o lalarga na tayo?", ang sarkastikong tanong ni Rex.

          

          

"Robi, doon ka na sa wheels ko. Bro, sundan ko na lang yung sasakyan mo papunta doon",

ang sabi niya sa akin at kay Rex.

          

"Doon muna tayo sa Purple Bob. Let's eat dinner first.", ang pagsingit ni Nica. Tumango lang si Renzo. Naglakad siya papalayo, sumunod naman ako. Sa pinakadulo ng parking lot nakaparada ang kanyang kotse na isang blue Ford Adventure. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako. Hinintay ko siyang sumakay ng kotse. Pinaandar niya ito at bumisina nung nasa harap na namin ang sasakyan ni Rex. Nagsimula kaming bumyahe. Tahimik lang si Renzo at nakaconcentrate sa pagdridrive. Minsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya. Sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay nginingitian ko siya.

          

"Bakit mo ako tinititigan?", ang tanong niya sa akin.

          

"Ang boring kasi ng mga nakikita ko sa labas. Sa gwapo na lang ako tititig para naman masayahan ako kahit paano", ang biro ko sa kanya. Napangiti siya sa compliment ko.

          

"I know this is too personal but I want to ask you something", si Renzo. Tumahimik na lang ako at hinintay ang tanong niya. "What happened between you and you know, your ex?"

          

"He fell out of love because I'm too damn perfect" ang simple kong sagot. "One year and six months; hindi pa ba sapat yun para matanggal yung doubts niya sa akin?"

          

"Hindi ka pa rin nakakamove-on",ang malungkot niyang pagkumpirma sa nararamdaman ko.

          

"I accepted the fact that we are not together anymore but still I feel so sorry for myself. Because I keep on lying that I don't love him anymore."

          

"But you still do", ang sabi niya. Napatango na lang ako, yumuko at lumuha. Humingi siya ng sorry sa pagtatanong. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. "Don't worry. I'm here. I'll protect you, I'll make you happy. I'll take care of you."

          

"You know what? Ganyan din yung sinabi sa akin ni Mark nun"

          

"But I'm not Mark, Robi. Si Renzo itong katabi mo at Si Renzo rin ang may hawak-hawak ng kamay mo", ang pagpapa-alala niya. Muli ko na naman siyang nasaktan. Hindi ako nakapag-ingat sa mga nasabi ko.

          

"I know, I'm sorry"

          

“I'll wait for you, Robi. Masaktan man ako sa bandang huli, hihintayin pa rin kita. I won't give up", pinisil niya ang kamay ko.

          

"Paano kung-"

          

"Shhh, huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Let's leave everything to fate.", ang sabi niya habang nakatingin sa daanan. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinatong sa batok niya.

          

"Image of optimism“, ang nabulong ko habang naalala ang description ni Nica tungkol sa kanya.

Napangiti ako. Swerte ang taong mamahalin ni Renzo. “Sana hindi ka mag-sawa sa kahihintay.“

          

“I could help you pick up the pieces of your heart, Robi. I‘ll endure the hurt para lang sayo“

          

“Thank you, Renzo."

          

Nakarating kami sa Purple Bob at kumain ng dinner. Doon na rin kami nagpalipas ng oras bago pumunta ng Red's Music Lounge. Masigla ang apat na nakikipagkwentuhan sa isa't-isa. Nagpaalam ako sa kanila na papunta muna ako sa terrace at magpapahangin. Tanaw ko ang ilang bahagi ng lungsod sa parteng yun. Malamig na ang simoy ng hangin. Sumunod pala sa akin si Nica.

          

"May problema ba?", si Nica nang tabihan niya ako.

          

"I'm just confused. I just learned from Renzo that he likes me"

          

"Really?!", ang enthusiastic niyang tanong sa akin. Tumango lang ako. Tinanong niya ako kung gusto ko rin siya. Tumugon ako ng oo pero hindi ko pa lubusan maibibigay ang pag-ibig ko sa kanya. Hanggang ngayon nakakulong pa rin ako sa nakaraan.

          

"Kilala mo ba kung sinong mas pinaka-kawawa dito?“ ,tinignan ko siya. Seryoso na naman si Manay Nica at magbibigay na naman ng panlalait at payo. "Hindi ikaw at lalo nang hindi si Mark. Si Renzo, Robi; si Renzo. Ibinigay mo lahat ng pagmamahal mo kay Mark; tinangay niya lahat. Walang natira para sa'yo at lalo nang walang natira para kay Renzo."

          

"Alam ko pero tao lang ako, di ba?"

          

“Ou nga, tao ka pero tao rin si Renzo; siya ang magdudusa. I know what left from you. Your broken-heart and I also know that handang pulutin isa-isa ni Renzo yun para mabuo ka. Hindi mo alam kung gaano kahirap yun para sa kanya. Every single piece would be sharp and would pierce him to death" ang mahabang pag-eexplain ni Nica.

          

"Anong dapat kong gawin, Nica?", ang tanong ko sa kanya.

          

"Wala. Just leave everything to fate. Cause we may never know", sabay ankla niya sa braso ko. "Inamin niya agad sa amin na he likes you. Team Renzo kaming tatlo. Panatag kami sa kanya. At kung may love team kayo malamang "RenBi" ang tawag sa inyo"

          

Natawa ako doon at napatanong kung sinong naka-isip nun. Si Mira. "RenBi", ang ulit ko.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Where stories live. Discover now