CHAPTER TWENTY: Hang Over

5.1K 165 1
                                    


Hindi na napigilan ni Rex na yayain na kaming umuwi. Sa pagkakataong yun, hilong-hilo na ako. Inaalalayan na ako ni Renzo pero bago kami nakalabas ng music lounge ay narinig ko ang boses ni Mark sa stage. Huminto at napatingin ako sa kanya. Nahatak ko si Renzo kaya napahinto rin siya at napatingin sa tinititigan ko. "This song is dedicated to my Coco"



          

Tumugtog ang banda at narinig ko ang mga unang linya ng kanta:



Im at a payphone trying to call home

all of my change I spent on you

where have the times gone baby

it‘s all wrong, where are the plans we made for two



          

Hindi ko na tinapos ang pagkanta niya. Lumakad na ako papalabas ng Music lounge sumabay agad sa akin si Renzo.



          

"Makakarinig sa akin yan sa Lunes",si Nica.



          

"Hayop talaga yang Mark na yan!", si Rex.



          

"Sorry guys, I should have known." si Mira. Lumakad na ako papalayo sa kanila, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko dahil siguro sa espirito ng alak. Hilong-hilo ako, gusto ko nang matulog.



          

"Uyy, Robi! Saan ka papunta?", si Renzo. hinabol niya ako at hinatak paharap. Dahil dun hindi ko na nakayanan, bumalanko na lang ang paningin ko.



          

Nagising ako nang may tumatapik sa pisngi ko. Napatitig ako sa gumagawa noon si Renzo pala at nasa loob kami ng sasakyan niya. Nahihilo pa rin ako at hindi pa rin lumalayas ang espirito ng alak na sumapi sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumatawa na lang ako ng walang dahilan.



          

"Hey, Robi. Andito na tayo sa harap ng bahay niyo. Kaya mo pa ba?", si Renzo, tinitigan ko lang siya at sinabing "Ang gwapo mo talaga Renzo"



          

Bumaba siya ng sasakyan at pumunta sa tabi ng passenger's seat. Binuksan niya ang pinto at inalalayan akong bumaba. Naririnig ko ang mga boses ni Mira, Nica at Rex.



          

"Hey, three idiots!", ang tawag ko sa kanila, napatawa na naman ako.

          

          

"Anong pinagsasabi nan?", ang mataray na tanong ni Nica. Napakibit-balikat lang si Renzo. Nagdoorbell si Rex at hindi nagtagal, nagbukas ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay napasigaw si Mommy nang makita ang wasted kong itsura. "My God, Robi!"



          

"Konbanwa, Mama-chan!" ang bati ko.



          

Pinasok ako ni Renzo sa bahay at pinaupo sa sofa. Narinig ko ang kanilang pag-uusap.



          

"Nica, what happened?"



          

"Hay naku, Tita. Yang magaling mong anak uminom ng apat na bote ng beer. Hindi naman pala kaya. Ayaw pang magpapigil"



          

"Ano naman bang naisip ng batang yan at nagpakalasing?"



          

"Tita, Mark was there too kasi", si Rex.



          

"What?!"



          

"Sorry po Tita, this is all my fault. I'll take all the blame for this incident", si Mira. "Ako po kasi ang nagyaya, I should have known po na doon tumutugtog yung banda ni Mark."



          

"Don't stress yourself Mira. Wala namang may gusto ng nangyari"



          

"Si Mommy talaga", ang sabi ko sa utak. Hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako sa sofa.



          

Papagising na ako nang maramdamang kakaiba ang unan ko. It was not soft as my usual pillow nor hard as the ones on the sofa. Bukod sa mas malaki ito ay medyo mainit. Tinatamad pa akong imulat ang aking mga mata kaya kinapa-kapa ko ito. Medyo matigas at parang bato-bato. Just when I realize that it's a human body, I heard a familiar voice: "What are you doing?"



          

Kaagad kong minulat ang mga mata ko at nakita na nakapatong ang aking ulo sa isang matipunong dibdib and I could also see his six packed. Napatayo ako agad tinignan kung sino to. It's Renzo; shirtless and lying on my bed. Dahil sa pagkagulat ko, nahulog ako mula sa kama. Kaagad namang umupo si Renzo.



          

"A-aray", ang daing ko habang papaupo.



          

"Are you alright?", ang tanong niya sa akin.



          

"Yeah, but my head hurts" ang tugon ko.



          

"Hang-over yan"

One Look Series: First Generation (boyxboy)Where stories live. Discover now