Chapter 8

17.3K 405 8
                                    

BUONG magdamag kaming gising ni Sister Aly. Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa dilemma ko. At ang bruha himala! Buong puso itong nakinig nang hindi pinuputol ang kwento.

Sa huli ay pinagsabihan niya lang din ako. "Don't love deeply till you make sure that the other part loves you with the same depth, because the depth of your love today will also the depth of your wound tomorrow. . . Alam mo, frend. Kung alam mo namang masasaktan ka lang sa bandang huli wag ka ng tumaya. Wag ka magpaka-ipokrita! Ang tao. . . mabilis lang iyan mafall in love pero sobrang bagal magmove on. Once na nasaktan ka na mahihirapan ka uli maghanap ng bago. . . . Kaya advice ko sayo. Ngayon pa lang putulin mo na iyang ilusyon mo kung alam mo namang wala kang mapapala. Habang hindi sobrang nagmamahal. Kasi ikaw din ang SOBRANG masasaktan sa dulo, Frend."

Iyon lang ang sinabi niya sa akin.

I cried my heart out that time.

Hindi ko akalaing mangyayari ang pagkakataon nato sa buhay ko na pinagsisisihan kong pinanganak akong mahirap.

Magkaiba kami ng posisyon sa buhay.

Doon pa lang talo na ako.

Di' bale. . . I can forget him. . . I WILL if it's necessary.

●●●●

UMAGA pa lang ay agad na akong nag-ayos ng mga requirements at iba pang papeles na dadalhin para sa aking interview.

Noong nakaraang araw kasi nakatanggap ako ng tawag na pasok raw ako sa unang screening nila.

Tuwang-tuwa naman ako nang marinig ko iyon. Naisip ko na sa wakas! Kahit papaano ay makakapagbigay-bigay ako kela Sister.

Hindi naman pupwedeng iasa ko na lang ang lahat sa sponsorship.

Nagpapasalamat rin ako at Business Management ang aking tinapos. Dahil maraming opening ng trabaho ngayon na related doon.

Kaya nakapasa ako sa unang screening. Ang poproblemahin ko na lamang ay ang interview.

I wore my best corporate attire. Not so sexy but it kinda fits my personality.

Tinulungan ako ni Sister Aly mag-coordinate n damit.

At bongga ang Sister niyo! Hindi ko alam na marami pala itong tinatagong heels, boots, wedge and pumps. Halos lumuwa ang aking mata at magkanda paltos-paltos ang aking paa sa kakapraktis ko maglakad.

Ghad. Just 2 inches is enough but a 6 one? Crap she's gonna kill me.
"Yung totoo, Sister. Saang lupalop ng kumbento mo nahukay ang ganito kadaming make-up, sapatos, at mga damit?" Pagbibiro ko.

Tumawa lang ito habang nilalagyan ng mascara ang aking pilik-mata.

"Tse. Huwag nang magtanong, Frend. Focus ka na lang diyan sa interview mo!"

Matapos ng mahaba naming one on one session ay nakahinga rin ako ng maluwag. Marami itong sinabi sakin na tungkol sa make-up ganito ganyan. Ngunit ni isa ay walang pumasok sa utak ko.

Grabe. Hindi naman salon ang papasukan ko eh.

Opisina po Ateng!

Gusto ko sana itong sabihin sa kanya kaso pinigilan ko na lang. Malaki din ang pasasalamat ko sakanya ah! Ni wala nga akong kamuwang-muwang sa fashion ek-ek na iyan. At pati paglakad gamit ang 6 inches na heels. Ngayon keri ko na!

Nagmano at nagpaalam lang sin ako sa ibang Sister at mga bata bago ako umalis.

Nang makarating na ako sa mismong opisina kung saan gaganapin ang interview ay nalula ako sa dami ng mga pumipila.

Deceiving The Hot Bachelor (COMPLETED)Where stories live. Discover now