Last Deception

29.8K 607 41
                                    

LAGI na lang bang magdadrama, luluha at mageemote ang bida?

Hindi ba pwedeng time out muna?

Bakit sa basketball meron?

Kapag kailangan mong mag-isip ng panibagong strategy pwedeng magtime out.

Kapag pagod ka na pwedeng magtawag ng substitution.

Kaso sa pagmamahal wala eh!

Kahit sobrang nasaktan kana na halos hindi mo na kaya hindi ka parin pwedeng umayaw.

Kailangan mong tiisin.

Kahit madaming problema ang magba-block sa tira mo . . .

Kailangan mong lagpasan.

Sana pwedeng ipasa na lang sa iba ang problema katulad ng bola.

Sana pwedeng icrossover na lang ang mga taong ayaw mo makasalamuha.

At syempre. . .

Sana pwedeng magbigay ng isa pang pagkakataon kapag hindi pumasok ang tira mo.

Ganito na lang ba talaga ang buhay ko?

Puro sana, kahit, at kapag?

Dinala ako ng aking mga paa sa pinakalikod ng foundation kung saan lagi akong pumupunta kapag may problema ako.

Mula roon ay makikita mo ang mga ilaw at istraktura na galing sa lungsod, City Lights kung baga.

Nabalik ang aking isipan sa taong nakita ko kanina.

Mikaeli. . .

He's a clergyman already.

Ito ba ang paraan niya ng pagbabalik?

Grabe. Sobrang hindi ako makapaniwala.

All these days, hinahanap ko ang prisensya niya at inaantay ang pagbabalik niyo. Nagbabakasakaling maging kami kapag nakabalik na siya.

Ngunit. . .

Bakit naisipan ng mokong na iyon ang pagpapari?

Ngumiti ako ng mapait.

Tss. Mapaglaro talaga ang tadhana.

Nang gabing iyon ay binuhos ko ang lahat ng aking hinanakit, problema at pagsisisi. Wala akong pakialam kahit may makarinig man. I decided to vent it all out and get over it.

Mahirap man siguro ang salitang move on pero kakayanin ko.

Acceptance is the first key in moving on.

I'll face him very soon. . . But not now.

●●●●

KINABUKASAN araw ng linggo ay ginawa ko ang nakaugalian ko ng gawin. Nag-ayos at nagbihis para dumalo sa misa.

Ipagpapasa-Diyos ko na lamang ang aking mga problema.

Alam kong may mas magandang plano itong nakahanda para sakin.

Hindi man siguro naging kami ng taong mahal ko ay baka may darating pang mas mamamahalin ko at mamahalin din ako pabalik.

Patience lang Ligaya!

Trust GOD.

Patapos na akong mag-ayos nang may marinig akong katok sa pinto.

Huh?

Wala naman akong inaasahang bisita at isa pa walang office ngayon.

Hindi rin naman siguro si Mon-mon ito dahil pinadala siya ng EIC sa Bali, Indonesia para kumbinsihin ang sikat ng super model na magpose bilang cover ng aming anniversary issue.

Deceiving The Hot Bachelor (COMPLETED)Where stories live. Discover now