A Walk in the Rain [18]

3.6K 71 1
                                    

Picture ni Marga sa gilid. -->

Chapter 18: His Sister

Marga's POV

Hello! I'm back! Ang pinakabaliw na Ate sa mundo! Hohoho. Nandito ako sa dining room at nagpe-prepare kami ni Mama ng dinner. Tulog pa rin si Alyanna at si Marcus, hindi ko alam kung nasaan, nasa kwarto n'ya siguro.

Maya-maya may narinig kaming footsteps. Si Alyanna pala.

"Ah? Nasa'n po ako?" tanong n'ya sa'min. 

"Ay, Sweetie, nandito ka sa bahay ng boyfriend mo. Ako nga pala si Marga, Ate n'ya, call me Ate din." sabi ko sa kan'ya. 

"Ah. H-Hello po, Ate," sabi n'ya. 

"Ako Mom ni Marcus, Tita Gem. Call me Mommy Gem, okay?" sabi ni Ma. Wow. Welcome na welcome sa pamilya namin! 

"Ah. G--Good evening po, Tit-Mommy Gem," halata pang hiyang-hiya siya. 

"Nasa'n na ba 'yang boyfriend mo? Saglit ha. Tatawagin ko lang. Excuse me," sabi ni Mama sabay akyat sa taas.

Naiwan kami dito sa kitchen ni Alyanna.

"Ate, tulungan ko na po kayo," sabi n'ya. Ay ang buti naman! 

"Nako, salamat Alyanna!" sabi ko. 

"Yanna nalang po," 

"Sige-sige, Yanna."

********************************************************

Yanna's POV

Nandito ako sa kitchen, tinutulungang magluto si Ate Marga. Sakto namang after naming magluto at maghain ay dumating na si Mommy Gem at Marcus. Tapos kumain na kami. 

Naupo ako sa tapat ni Ate Marga, tapos katabi ko si Marcus na katapat ni Mommy Gem. Gets n'yo ba? ^_^v

"Anak, paano mo naman nakilala si Yanna?" tanong ni Mommy Gem kay Marcus. 

"School," simple n'yang sagot. 

"Naku, Ma, wala kang mapapala sa utol ko. Kay Yanna ka magtanong, mas matino." sabi naman ni Ate Marga.

Napatawa naman ako d'un pero tumigil ako sa pagtawa nung hinawakan ni Marcus yung isa kong kamay na nakapatong sa table.

"Oh! How sweet naman oh!" sabi ni Ate Marga habang nakatingin sa kamay namin. 

"Dito ka na matulog ha. D'un tayo sa room ko! Don't worry, malaki 'yun. And, bukas, you can use my old uniform. D'un din naman ako pumasok nung highschool eh!" Offer sa'kin nung Ate n'ya. 

"Ah--eh, Sige po," Alangan namang tumanggi ako 'di ba?!

Napatingin ako sa direction ni Marcus and he looks so irritated.

"Okay ka lang?" bulong ko sa kan'ya. 

"Yeah. Don't mind me," sabi ko. 

"Usap tayo mamaya," sagot ko. "I love you."

Napangiti naman ang luko at tumingin sa'kin.

A Walk in the RainWhere stories live. Discover now