Cuatro

1.1K 16 3
                                    

How?

Two years later

Elijah's POV:

Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin niya matanggap ang nangyari. Sa loob ng dalawang taon tumayo siya sa sarili niyang mga paa. Nagsikap siyang palaguin ang sariling negosyo sa tulong ni Hendrix. Yes, they still have communication sa loob ng dalawang taon silang tatlo nina Pierre ang hindi sumuko sa paghahanap kay Klare.

Dahil sa nangyari, hindi na siya masyadong sumasama sa kanyang mga pinsan. At medyo lumayo ang loob niya sa mga Montefalco. Nakita niya kung paano nagsisisi ang mga ito. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang galit niya. Masyado siyang nilalamon ng galit niya dahil sa kanyang pagmamahal kay Klare. Pakiramdam niya kasalanan nilang lahat kung bakit nawala si Klare. Kung sana tinanggap na lang nila. Total hindi naman sila tunay na magpinsan.

'Where are you baby?'

"Excuse me sir! Mr. Pierre Ty is in the line" saad ng sekratarya niya gamit ang intercom.

"Yes, Pierre?"

"Elijah we found her!" Bakas sa boses nito ang kasiyahan. They found her? Hindi siya makahuma sa balitang yun. Ilang beses na ba silang nabigo dahil sa mga mali-maling balita. Gusto niyang tumalon sa tuwa pero agad naman iyon napalitan ng kaba na hindi niya mawari.

"Hey! Still there?"

"Y-yeah! Where is she?"

"Nasa hospital siya" may halong lungkot ang boses ni Pierre habang nagsasalita.

"H-hospital?"

Anong ginagawa niya dun?

"She's in coma Elijah"

"Coma? Saang hospital?"

Agad sinabi ni Pierre kung saang hospital at kung saan sila magkikita. Ayaw muna nilang sabihin sa lahat, pareho silang tatlo na ayaw ng masaktan pa si Klare kaya itatago na muna nila kung ano man ang kanilang nalaman.

Sa loob ng dalawang taon nakita niya kung paano nito binago ang pamilyang kanyang kinalakihan.
Kahit alam niyang wala naman talagang kasalanan ang mga ito pero hindi pa rin mawala ang ilang na kanyang nararamdaman sa mga ito.

Sa Davao na rin siya nanirahan sa loob ng dalawang taon. Paminsan-minsan ay pumupunta siya ng Cagayan de Oro para lang sa mga mahahalagang okasyon.

Nagkita silang tatlo sa tapat ng Marco Polo Hotel hindi na kasi siya doon namamalagi dahil may sarili na siyang bahay sa woodridge at northpoint subdivision.

Nauna siyang dumating kaysa dalawa.

"Ano ba ang nangyari sa lead natin na nasa Oriental si Klare?" Tama kayo, simula pa lang alam na nilang tatlo na buhay si Klare kasi malakas ang paniniwala nilang hindi ito basta-basta mamatay o magpapakamatay man.

"Ewan" kibit balikat na saad ni Pierre "pero ang sabi kasi ng imbestigador tentative lang yung impormasyon"

"Elijah, matagal na tayong naghahanap pero laging mali ang lead natin ang mabuti pa ay subukan na lang nating pumunta baka may maganda itong maidudulot sa atin. Hindi rin naman tayo sigurado na si Klarey na yun diba?" Ani ni Hendrix

"Yeah! I know. So? Convoy tayo o iisang sasakyan na lang?"

"Itong akin na lang ang gamitin natin para hindi sayang sa gasolina at pwedi tayong magsalitan sa pagmamaneho" ani Pierre.

Tumango kami ni Hendrix at iniwan na sa parking space ng Marco ang aming mga sasakyan. Ang Navarra frontier na lang ni Pierre ang ginamit dahil may punto naman ito.

KLARIJAH (FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon