Chapter 4

1.6K 24 7
                                    

"Eto na yung mangga mo...saka bumili na rin ako ng ibang fruits...no junk foods okay?"

Tahimik lang si Asher na nag-lilinis ng kitchen. Ngumiti lang sya kay Mike at nagpasalamat.

"Come on let's call Mama....." Niyaya nya si Asher na maupo sa couch.

Habang inaayos ng nurse ang mga gamit ni Mama Luisa, biglang nag-ring ang cellphone nya....."Hello???? Sino to?" Nagtatakang tanong ni Gina.

"Si Mike to Ate Gina....pwede bang makausap si Mama Luisa?"

"Mike????? Naku.....buti napatawag ka...alam mo ba kung nasaan si Asher?"

"Ahmmmmmm Ate, pwedeng si Mama Luisa na lang muna ang kakausapin ko? Pasensya na ha pero importante kasi to."

"Pero ano kasi.....nasa ospital nga ang Mama ni Asher, nagkaroon na ng komplikasyon yung sakit nya, sobrang taas na rin ng cholesterol may highblood pa." Naiiyak na si Gina habang kinukwento ito kay Mike.

"Naku.....paano ba ito....kelan ang labas ni Mama sa ospital, saka sinong nagbabantay sa kanya ngayon?"

"Ospital????? Mike anong nagyayari???" Kinabahan si Asher sa narinig nyang usapan ni Mike at Gina.

"Sshhhh....calm down..." Pabulong na sabi ni Mike kay Asher.

"Mike???"

"Yes Ate, go ahead....anong sabi mo kanina?"

"Si RJ ang nagbabantay sa ospital ngayon kaya kailangan ko na ring bumalik, kumuha lang ako ng gamit. Baka 3 days pa kami magi-stay doon."

"Okay...pwedeng pagdating mo mamaya sa ospital tatawagan ulit kita?"

"O...o sige....pero hindi ko alam kung makakausap mo si Mama Luisa, nanghihina na kasi saka laging natutulog. Baka si RJ pa ang makausap mo."

"Ganun ba.....sige bahala na...baka bukas na lang kung hindi pwede ngayon. Alagaan nyo syang mabuti, magpapadala kami ng panggastos."

"Teka.....kami??? So kasama mo nga si Asher! Mike please baka pwedeng makausap ko sya, baka pwedeng magbakasyon muna sya dito?"

"Ate please....wag na wag mong sasabihin kay RJ ang tungkol dito. Hindi kasi pwedeng magbakasyon ngayon si Asher...saka na lang namin ipapaliwanag. Salamat talaga ha...mag-ingat kayo dyan at alagaan nyo ng mabuti si Mama." Bilin ni Mike.

Paglingon ni Mike ay nakita nyang umiiyak na naman si Asher. "Tama na yan....pagdasal natin si Mama alam kong malalampasan nya yun." Pinasandal nya si Asher sa balikat nya at hinalikan nya sa noo.

"Bakit ganun, parang nako-konsensya ako, wala ako sa tabi ni Mama ngayong kailangan nya ako. Parang gusto ko munang umuwi.." Inangat nya ang ulo at tumingin kay Mike.

"Mommy.....alalahanin mo ang baby....baka makasama sa inyong dalawa. Magpa-pacheck up pa tayo sa doctor bukas. " Hinawakan ni RJ ang mukha ni Asher at pinahid ang luha nito.

"Sorry baby....I'll try to be strong..." Hinawakan nya ang kanyang tyan at saka yumakap ulit kay Mike.

-------------------------

"Ate Gina, kumain ka na ba? Bumili ako ng pagkain, mag-lunch ka muna." Alok ni RJ kay Gina.

"RJ salamat talaga ha....ang laking abala na nito sa'yo." Nahihiyang tugon ni Gina.

"Wala yun, pamilya ko na rin si Mama...at si Asher....hindi pa ba nya alam? Please Ate ipakausap mo sya sa akin pag tumawag sya. Kailangan sya ng Mama nya."

Halos mabilaukan si Gina sa sinabing yun ni RJ. Hindi nya alam kung hanggang kailan nya maitatago ang nalalaman nya. "Ahhmmmmmm sige sasabihin ko sa'yo."

Love Me Like the First TimeWhere stories live. Discover now