Chapter 9

1.6K 37 18
                                    

Habang abala si Asher sa pagpapaligo kay Andrew, busy naman si RJ sa pagkuha ng video sa mag-ina. Tuwang tuwa syang panoorin ang anak na parang gustong gusto sa tubig.

"RA...you want to swim? Daddy will teach you how...."

"Swim ka dyan! Ang liit liit pa ni Andrew noh....halos 1 month pa lang eh...."

"Syempre pag malaki na sya..."

"Ikaw naman, bakit nga ba lahat na lang kinukuhaan mo? Simula pa lang paggising hawak mo na yang camera mo...."

"Syempre naman....mahalaga ang bawat kilos nya para sa akin......bawat ngiti nya, bawat pagdilat ng mata nya.......lahat yan.....kasi mabilis lang oras, hindi natin namamalayan, malaki na pala sya....at isa pa, importante ang araw na ito para sa anak natin."

"RJ......are you okay?" Nagtataka si Asher kung bakit napakaseryoso nito.

"Yeah.....oo okay ako.....ahhmmmm sige lalabas lang ako sandali..." Iniwan nya ang ma-ina habang binibihisan ni Asher si Andrew.

"Oh RJ, tapos na ba si Asher? Ready na ba ang apo ko?" Tanong ni Mommy Eliza kay RJ.

"Binibihisan pa po si RA. Sandali na lang po siguro at lalabas na sila."

"Naku....baka ma-late tayo sa simbahan, nakakahiya naman kay Father. Teka nga at tutulungan ko na si Asher." Pumasok si Mommy Eliza sa kwarto ng mag-ina at nakitang nakabihis na si Andrew.

"Mommy, pakikuha muna po si Andrew, magbibihis pa po ako." Natataranta na si Asher dahil malapit ng mag-10am.

"Bilisan mo anak ha....lalabas na kami ng apo ko." Tuwang tuwa naman si Mommy Eliza kay Andrew. "Ang gwapo naman ng apo ko oh....ano Baby Andrew ha....ayyy RA pala....haaay naku ano nga ba.......RJ! Ano ba talaga ang itatawag ko sa apo ko? Nalilito ako sa inyo eh....."

"Si Asher po kasi Andrew ang gustong itawag kay RA. Ayaw akong sundin...."

"Pambihira naman, pati sa nickname hindi kayo magkasundo.....ano apo...ano ang gusto mong nickname ha?" Aliw na aliw si Mommy Eliza kay Andrew habang karga ito.

Naiinip na si RJ dahil medyo natatagalan si Asher na lumabas kaya pinuntahan na lang nya ito sa kwarto. "Asher bakit ang tagal mo?"

"Ay kabayo!..RJ!!! Bakit ba bigla bigla kang pumapasok? Lumabas ka nga, hindi pa ko tapos!" Napasandal sa dingding si Asher dahil hindi pa nya ma-zipper ang dress nya.

"Sorry....ang tagal mo nga kasi, tutulungan na kita para makaalis na tayo..." Lumapit sya kay Asher na natulala naman sa kanya. "Turn around....and I'll do it...."

"Ayoko nga....lumayo ka!" Sinubukan nyang itulak si RJ pero lalo namang lumapit ito.

"Wag matigas ang ulo....sige hahalikan kita dyan..."

"Bastos ka talaga! Hmmp!" She pouted.

"Ay naku.....bilis na para matapos na tayo...." He grabbed her waist and reached for the zipper at the back of her dress....."Wag malikot...." Dahan dahan nyang tinaas ang zipper... halos nakayakap na sya kay Asher na hindi naman makapaniwala sa ginagawa nya.

Hinawi nya ang buhok ni Asher at tinitigan ito sa mata....."You're so beautiful Babe...." He slowly moved closer and their lips are almost touching......

"Asher!!!!........Huh?" Gulat na gulat si Mommy Eliza ng makita ang dalawa...."Pambihira naman kayo...ngayon nyo pa naisipan yan, bilisan nyo at late na tayo, naiinitan na ang apo ko sa suot nya. Mukha pa namang congressman ito." Napailing na lang sya at naghintay na lang sa labas.

Namumula naman si RJ sa hiya dahil nahuli sila ni Mommy Eliza. Pinagtawanan naman sya ni Asher. "Ano ha? Hihirit ka pa? Hahaha..."

"Mali naman ang timing ni Tita....tsk tsk tsk.....kala mo ligtas ka na ha?....." He gave her a quick kiss on the lips and ran outside smiling.

Love Me Like the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon