27- SweetTooth

39.4K 1K 55
                                    

27

27

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Dear followers,

It has been a month since and I am here to inform you that Yumi's Sweets will no longer be available. Pasensya na kayo may mga bagay lang talagang kahit na ayaw mong mangyari ay nangyayari. I will no longer bake. Thank you very much for the support guys.

XXYumiXX

She clicked publish and seconds later her last post was already posted over the net. Her blog will no longer be the same. She refreshed and then she read some comments asking her the reason, kung bakit hindi na siya magbebake. Marami ang nanghihinayang at kung anu-ano pa. Wala na siyang balak pang magreply at magpaliwanag. She is about to log out when she heard another pang, hindi n asana niya papansinin iyon kung hindi lang niya napansin na hindi pala iyon comment kundi message... direct slash personal message. Napilitan siyang buksan ang message and found @SweetTooth messaging her.

@SweetTooth: What happened dear?

Naghesitate siyang sagutin iyon pero may nagtutulak sa kanya na sagutin ang tnaong nito, this person or whoever he or she is was with her from the start. Kasisimula pa lang niya ang blog niya ay ito agad ang naging follower niya.

@Yumi: I can no longer bake.

@SweetTooth: May nangyari ba?

@Yumi: Nagkasakit kasi ako a month ago, I had dengue. Two weeks din ako sa hospital until I am okay na unfortunately hindi na naibalik ang panlasa ko. The doctor said baka naapektuhan ng sakit ang utak ko or psychological lang. nagpagaling muna ako pero talagang hindi na bumalik.

She felt easy chatting with this person. Matagal bago ito nakasagot.

@SweetTooth: May gamot ba diyan?

@Yumi: None, I just need to accept my fate

@SweetTooth: Okay ka lang ba? How are you feeling?

@Yumi: I am fine, okay lang ako. Magiging okay lang ako salamat sa pag-aalala.

@SweetTooth: I wish I can help you with your problem right now.

@Yumi: Nakakatulong ka na sa akin salamat sa pag-aalala, right now wala kasi akong masabihan. Hindi ko sinabi sa nanay ko na apektaado ako sa nangyari sa akin dahil sigurado akong sisisihin din niya ang kanyang sarili.

@SweetTooth: I understand you.

@Yumi: Thank you for understanding.

@SweetTooth: Paano na pala iyong nililigawan mo?

@Yumi: Suko na ako, ayoko na.

Hindi na nagreply si SweetTooth kaya naglog-out na rin siya. Hindi niya alam kung kailan siya maglalog-in muli sa blog niya. Right now, gusto lang muna niyang tulungan ang sarili niyang makaget-over sa lahat ng mga hindi masyadong magandang nangyari sa kanya.




"Damihan mo ang kain mo Yumi, ang putla-putla at ang payat-payat mo na. Kailangan mong kumain ng marami." Utos sa kanya ng nanay niya.

"Busog na ako Nay, idedeliver ko lang muna ang mga orders."

"Ako nalang ate, magpahinga ka nalang muna."

"Mas magkakasakit ako kapag-."

"Ipasyal mo nalang si Yuhan namimiss ka na ng alaga mong iyon, matamlay iyon dahil wala ang amo niya."

Napakurap siya at muntik ng mapamura ng maalala ang aso niyang nakalimutan niya. How dare her? Siya ang may gustong mag-alaga ng aso pero siya pa itong nakakalimot.

"SIge."

Naaalagaan naman ni Makisig ng maayos si Yuhan naguguilty tuloy siya ng husto dito. "Yuhan." Tawag niya sa alaga niya, nakaupo ito sa sofa at ng marinig ang boses niya ay kumawag ang buntot nito pero hindi ito lumapit sa kanya. Nakatitig lang talaga ito sa kanya. "Yuhan halika ka kay mommy." At ng hindi pa rin ito kumilos ay siya na ang lumapit dito at kinarga ito hanggang sa ilang inches nalang ang layo nito sa mukha niya. "Yuhan, sorry hindi kita naalagaang mabuti." She kissed the puppy's nose. "Don't worry hindi na magiging busy uli si mommy at maaalagaan na kitang mabuti. Gusto mong pumunta sa park?" and he barked that's when she smile, a real smile.

"Halika." She got his leashed and he happily jump around her waiting for them to stroll around. Nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang, mas nauna pa ngang lumabas ng bahay si Yuhan keysa sa kanya. Mukhang mas maliksi pa ito sa kanya, sa ibang daan siya dumaan ayaw niyang dumaan sa may covered court baka kasi nandoon na naman si Howard. Hindi pa niya alam kung paano humingi ng tawad dito pero sa isip niya tama naman ang kanyang sinabi hindi na dapat itong lumapit sa kanya.

"Balik ka dito ha." Tinanggal niya ang leash sa leeg ng puppy niya at kusa na itong nagtatakbo habang siya naman ay nakaupo sa Bermuda grass at kinukuhanan ito ng video. Natatawa siya kapag humihinto ito lalo na ng bigla itong mabangga ng isang puti na artificial rock, he barked at the poor rock. Sigurado siyang matatawa si Makisig kapag nakita nito ang video na iyon.

"Nakakangiti ka na uli."

"H-Howard!" bulalas niya ng mapagsino ang tumabi sa kanya. Bigla siyang naging speechless.

"Hindi ka na masyadong maputla ngayon." Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa binate. "K-Kung alam ko lang na may sakit ka pala sana nandoon ako para kahit papaano ay maalagaan ka."

Agad siyang napatingin dito. "Paano mong nalaman na may sakit ako?"

"Sinabi ni Makisig." Napa-Ahh nalang siya sa sinabi nito. "I am sorry Yumi I didn't mean to shout at you at that night."

She almost flinched when she heard him mentioned about it. "Okay lang iyon naiintindihan naman kita."

"No, I should have explained it to you. I was expecting you to come Mayumi. I called you and texted so many times that I lost my count, I want to come and fetch you pero hindi ako pwedeng umalis it was my birthday."

"Hindi mo naman talaga kailangang magpaliwanag okay lang talaga." Ani niya.

"Yumi, about the cake-."

"You have all the rights in the world para magalit sa akin Howard, I baked your cake. And my baking wasn't your favorite thing, kung ako ang nasa lugar mo magagalit din ako."

"I don't hate your cake."

"Okay lang talaga you don't have to feel guilty about it and besides--." Gusto sana niyang sabihin na ang cake nito ang pinakahuling nabake niya. "Don't feel guilty about it."

"Mayumi-." Tumayo siya para kunin si Yuhan na nakikipagtalo na sa batong nabangga nito. "Masarap ang cake." Natigilan siya at nahinto sa paglalakad pero hindi siya lumingon dito. "Masarap talaga iyon."

"Hindi mo naman kailangang pagaanin ang loob ko Howard. I don't mind you hating my cakes and my pastries, I don't really mind you hating me that much." She picked up Yuhan and walk away from him.



TBC

Ps: photo ctto

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now