Chapter 10:LQ

41 3 0
                                    

-Miguel-

"Eunice !" Salitang sinigaw ko. Bago pa man magdikit ang mga labi nila ni Rio.

Lumapit kaagad siya sakin dahil alam niyang galit nako.

Kinaladkad ko sya papuntang kotse. Pinasok ko agad siya sa loob. At nagmaneho nako.

"Ano bang problema mo.?" Tanong na nagpinting ang mga tenga ko. Dahilan para bilisan ko yung takbo ng kotse.

"Anong problema ko ? Tanga ka ba ? Akala ko matalino ka. Hindi mo ba alam kanina pa ako nagtitimpi. Simula ng sabihin mong Sana mahanap mo na yung the one mo. Ano sa palagay mo hindi ako yung The one. At kaylangan ipagdasal pa talaga na mahanap mo na siya. Andito ako.. Hindi mo ba ako na a appreciate ? Isa pa yung abot langit mong ngiti kanina ng dumating si Rio. Nawala yung pagkahilo mo. Sumama ka pa nga sakanya maglibot. Tas yung paghampas mo sa kanya kanina. Yung pag tawa mo ng wagas. At yung nagkapatong na kayo ni Rio wala kang ginawa. Iniintay mo pa ata na halikan ka niya. Hindi ka na nahiya. May Boyfriend ka na. Wala ka man lang binigay na respeto sakin."

"Una sa lahat hindi ako Tanga. Oo hinahanap ko yung The One ko. Dahil alam ko na laro lang to. At hindi ikaw yun. Na appreciate ko lahat ng ginagawa mo. Yung abot langit kong ngiti. Pake mo ba. Kung masaya ako sakanya. Sayo din naman ganun ako aa. Sumama ako sakanya dahil ako yung nag convince sa kanya para sumama. Hindi ako nakatayo dahil nakapatong siya sakin eh!!!!"

"May pake ako Eunice. Responsibilidad ko yun. Boyfriend mo ko at sana may pake ka din sa nararamdaman ko. Alam ko napilitan kang sagutin ako. Pero..."

Minabuti ko nang ihinto yung pagsasalita ko. Wala din naman patutunguhan tong pag aaway na to. Hindi ko alam kung bakit ba ko nagkakaganito. Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay boyfriend ako ni Eunice at responsibilidad ko siya.

Habang nasa byahe kami wala pa din siyang kibo. Umiiyak ba siya? Wala akong pake kung umiyak man siya. Kung sino man ang dapat umiyak ay ako. Dahil ako ang nasasaktan sa mga oras na to.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Dire diretso lang syang bumaba. Hindi man lang nagpaalam. Pagkababa niya ay umalis na din ako. Napahinto ako dahil nakalimutan niya yung teddy bear na binigay ko sakanya kaninang umaga.

Babalik sana ako. Kaya lang nadesisyon na lang ako na wag na lang muna akong bumalik. Tsaka ko na ibibigay to kapag ayos na kami.

At imbis na dumeretso ng bahay. Dumaan muna ako sa Bar. Para saan ? Para magpakalunod sa alak. Para kahit papano, mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Tinext ko si Laurance. Para pumunta dito.

"Hi Babe." Boses na pamilyar sakin. Teka. Si Kate Melendez.

Lumapit siya sakin. Tumabi siya sa kinauupuan ko.

"Do you miss me.?"

Hindi ako kumibo. Wala akong balak na kausapin siya. Sa halip na pansinin siya naglasing na lang ako. Hindi ko namalayan kung ano ng ginagawa sakin ni Kate. Bigla n ang kasing lumabo yung paningin ko.

Ang naramdaman ko na lang any akay akay na ko ni Kate. Wala na ko sa sarili ko. Napaupo ako bigla at pumaibabaw sakin si Kate. Teka...  Hahalikan  niya ba ko.

"Sino ka ? At balak mong halikan si Miguel ?"

"Ex Girlfriend niya. At ikaw sino ka ba para kwestyunin ako?".

"Ako lang naman ang Girlfriend niya. At wala kang karapatan na halikan siya o hawakan man lang."

Ginising ako ng isang babae.

"Miguel. Gising.!!" Tinapik tapik niya yung pisngi ko.

Napabalikwas ako ng makita ko si Eunice.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya.

"Wala ka na dun. Eh ikaw anong ginagawa mo ?"pasinghal niyabg tanong

"Wala."tipid kong sagot

"Wala nga ba. Eh nakikipaglandian ka sa ibang babae. Wala ba yun." Palakas na singhal niya. Halatang inis na siya.

"Wala ka na dun. Di ba isa lang tong laro. Kaya wala ka na dun kung ano yung nakita mo." Paglilinaw ko.

Hindi na siya umimik.

"Tara na. Ihahatid na kita sa bahay niyo." Aya niya sakin

"Wag na. Kaya ko magmaneho."
Pagtanggi ko.

"Wag na ngang makulit. Ako na sabi."

Inalalayan niya na ko. At isinakay sa kotse. Siya ang nagmaneho.

"Sige na una na ko." Paalam niya.

"Sige."

Teka san kaya siya sasakay. Malamang mag ko commute yun. Bahala na nga siya.

Pumasok na ko sa loob. Pilit kong inaalala yung mga pangyayari kanina sa bar. Andaming tumatakbong tanong sa isip ko.

"Bakit biglang sumulpot si Kate? Bat hindi sumipot si Laurence sa usapan? Bakit andun sa bar si Eunice? Sino yung babaeng sinampal si Kate ? Ughhh!! Nakakaines. Bakit wala akong alam sa mga pangyayari ? Tanga!!!!"

-Eunice-

Nasa kwarto ako nung biglang nag text si Laurence.

1new Message.

"Eunice. Hindi ako makakapunta sa bar namin. Andun si Miguel.
Pinapapunta niya ako kaso may iportante akong lakad. Pwede ikaw na lang ang pumunta? Please. Baka anong gawin nun eh!"

Nag reply ako.

"Sige pupunta ako."

Ayoko sana kaya lang baka nga kung anong mangyari sakanya.

Dali dali nako pumunta sa bar nila Laurence. Medyo natagalan akong makita sila Miguel.

Nagmadali akong lapitan yung babaeng nasa ibabaw niya. Tangka niyang hahalikan si Miguel. Agad ko itong piniilan.

"Sino ka ? At balak mong halikan si Miguel ?"

"Ex Girlfriend niya. At ikaw sino ka ba para kwestyunin ako?".

"Ako lang naman ang Girlfriend niya. At wala kang karapatan na halikan siya o hawakan man lang."

Sinampal ko siya.

"Eto tatandaan mo. Pag siya nilapitan mo pa. Ako yung makakalaban mo. Kubg ako sayo umalis ka na."

Umalis na nga siya.

Ginising ko na si Miguel. Nagulat siya ng makita ako.

Sa totoo lang naiinis ako na makita ko siya na may ibang kasamang babae. Alam ko na laro lang to. Pero kahit papano espesyal sya sakin. Isa siyang kaibigan.

Inihatid ko sya sa bahay nila. Pagkahatid ko sakanya. Agad na kong umalis. Nag commute na lang ako. Ng hindi kona maistorbo pa si Kuya Danny.

"Sa ngayon isa lang ang alam ko. Na mali ang mag selos ako. Girlfriend niya ako pero maling ariin ko sya na parang sakin. Asawa nga naagaw, karelasyon pa kaya. Dadating din ang panahon na aayon ang lahat sa mga pangyayari. Kaya ngayon, konting tiis lang."

When Mr. Famous Meets Ms. Simple Where stories live. Discover now