Chapter:12 Sorry

42 3 0
                                    

-Richelle-

Nagsimula na yung klase. Pero hindi pa din namin nakikita si Eunice. Pero andito naman si Miguel. Ano kayang nangyari dun. Hindi nako makatiis kaya tinanong ko na si Miguel.

"Miguel, alam mo ba kung nasan si Eunice ?"

"Tanungan bako ng nawawalang tao ? Bat di mo tawagan" ansungit niya naman.

Hindi pa din pala sila ayos. Tyempi naman na umalis yung teacher kaya na tawagan ko si Eunice.

"Hello Eunice! Nasan ka na ba. Late ka na sa first subject."

"May sakit ako bhe. Paki excuse nalang ako sa mga teachers uh?"

"Ano? May sakit ka. Sige iagpapaalam kita. Mamaya dadalaw kami sayo. Pagaling ka Girl."

Call ended.

"Guys may sakit si Eunice, dalawin natin siya."

Nag agree naman sila na puntahan namin si Eunice.

Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla na lang umalis si Miguel. Dala dala yung bag niya.

-Miguel-

Matapos ko marinig yung usapan nila Richelle. Umalis nako. Pupuntahan ko si Eunice.

At tulad ng dati, kampante na si Kuyang Guard na papasukin ako. Alam niya kasi close kami ni Eunice.

Pagkapasok ko. Dumiretso ako sa kusina. Para tingnan kung ano ba yung niluluto nung maid nila.

Saktong luto na yun. Kumuha na din ako ng gamot at tubig. Pati yung lugaw na niluto nung maid nila ako na din ang nagdala.

Pagkapasok ko sa kwarto niya. Tulog siya. Kinapa ko yung noo niya. Ang taas ng lagnat niya.

Ginising ko na siya. Oras na din para uminom siya ng gamot.

"Eunice. Gising na dyan. Oras na para uminom ka ng gamot."

Unti unti nyang minulat yung mga mata niya.

"Miguel ?" Marahan niyang sabi. Halatang nanghihina siya.
Inalalayan ko siya ng makaupo siya ng maayos.

"Sorry." Malungkot niyang sabi.

"Sshhhhh.. Wag ka nang mag sorry. Ako nga dapat ang mag sorry. Kasi dahil sakin nagkasakit ka."

Sinubuan ko siya ng lugaw.

"Oh. Dahan dahan lang." Sabi ko.

"Hindi ka pumasok ?"

"Nag cut ako ng klase ng marinig ko yung usapan niyo ni  Richelle."

"Hindi mo dapat ginawa yun. Pwede naman mamaya ka na lang...."

"Ang importante andito ako. Sorry sa mga sinabi ko. Nadala lang ako sa emosyon. Sorry kung nasabihan kit ng tanga. At sorry sa ginawa ko sa bar. Sorry sa lahat."

Pinatigil ko siya at nagsalita ko bigla. Habang nagsasalita ako hawak hawak ko yung kamay niya.

"Sana dumating yung panahon na mamahalin din kita. Hindi man ngayon pero balang araw. At sana sa panahon na yun ako yung mawerteng lalaki na mamahalin mo din."

"Hindi natin masasabi."

"Hindi kita minamadali. Ang hinihiling ko lang ngayon ay mas makilala ka. At sana hayaan mo yun."

Natahimik siya.

"Inaantok nako."

"Sige magpahinga ka na. Pagaling ka. Nandito lang ako sa tabi mo."

Inalalayan ko siya para makahiga. Hinimas himas ko yung ulo niya. Maya maya pa nakatulog na siya.

Tinext ko na sila Carl na kung pwede, bukas na lang sila dumalaw. Dahil kaylangan ni Eunice magpahinga ng maayos.

Nandito lang ako sa tabi niya.

"Sir. 6pm na. Hindi pa po ba kayo uuwi ?"

"Ah eh. Hindi na muna. Babantayan ko po dito si Eunice."

"Ah sige po,  kayo ang bahala."

"Pwede ho bang paki dalhan na lang kami dito ni Eunice ng makakain. Salamat po."

"Sige po Sir. Dadalhin ko na lang po dito."

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Pagaling ka ha. Aaminin ko na espesyal ka na din sa akin. Di ko kakayanin kapag nawala ka. Kung mawala ka bigla lilibutin ko ang buong mundo para lang makita ka. Ibubuhos ko lahat ng atensyon ko para lang mahanap kita at makapiling na. Tandaan mo. Sa ngayon isa lang tong laro pero sa oras na magkatotohanan na, hindi na kita pakakawalan pa. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Pagaling ka na. Mamahalin pa kita."

Hindi ko alam kung bakit. Pero tumulo bigla ang mga luha mula sa mata ko.

"Sir eto na po yung pagkain niyo."

Nabigla ako. Dali dali kong pinunasan yung mga luha sa mukha ko.

"Sige. Pakilapag na lang po. Salamat."

Yung totoo hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko muna inisip masyado. At ginising ko na si Eunice.

"Eunice, kain ka na. Bangon na dyan."

Inalalayan ko ulit sya.

"Thank you.".

"Para san ?"

"Dahil nandito ka. Inaalagaan mo ko. At salamat dahil pinatawad mo na ko."

"Sus. Ayan ka na naman Ms. Thank you. Hindi ka na natapos kaka thank you eh. Ms. Sorry ka din pala. Apura sorry ka din."

"Hahaha. Ganun lang talaga ako."

"Nga pala kamusta ka na ? Ayos na ba ang pakiramdam mo ?"

"Ayos na ko. Ikaw nag alaga eh!"

"Mabuti naman kung ganun. Kaya kumain ka na."

Sinubuan ko siya. Konti lang muna ang kinain niya, wala daw siyang gana.

Matapos niya kumain, natulog ulit siya. Nakipagkwentuhan saglit. Tas humiga na.

Bukas hindi pa siya makakapasok. Ako din hindi na muna papasok. Para tuloy tuloy na yung pag galing niya. Aalagaan ko siya.

Nakatulog ako sa tabi niya. Hindi na muna ako uuwi para mabantayan ko siya. Sana talaga gumaling na siya.

"Minsan pala kailangan pang subukin kayo ng panahon. Dahilan para makilala niyo pa ang isa't isa."

When Mr. Famous Meets Ms. Simple Where stories live. Discover now