SABK 20

1.9K 72 14
                                    

Belle's POV

Deleted na ang Messages, deleted na ang lahat ng laman ng gallery at ang panghuli ay ang log.

"Hayysss...buti na lang talaga. Savior talaga kita ngayon papa." Hinalikhalikan ko pa ang cellphone ko sa sobrang tuwa na wala na lahat ang ebidensiya na pwedeng makita ni kuya John.

Nakita mula sa peripheral vision ko ang isang tela na nasa gilid ng kama ko. Kinuha ko ito at ipinahid sa tumutulo kong pawis sa mukha at leeg. Nakatingin pa rin ako sa cellphone na hawak ng kanan kong kamay at naghahanap ng iba pang ebidensiya na kailangang burahin.

Hayan! Nakahinga rin ng maluwag. Pabagsak na humiga ako sa kama. Parang matanda lang na sumasali sa Fun Run ng mga bata at tuwang-tuwa nang nakatapos sa finish line. Hahaha!

Ilang segundo lang at narinig ko nang nagrereklamo ang tiyan ko. Syete talaga! Hindi pa pala ako kumain.

Bumangon ako at nagbihis. Nahagip ng paningin ko ang isang brief sa kama. Kanino naman kaya ito? Dito pa talaga iniwan? Teka...

Hinanap ko ang tela na ipinahid ko sa pawisan kong mukha kanina dahil baka tama ang iniisip ko. Ngunit wala akong mahagilap na ibang kapirasong tela. Syete! Sabi ko na e, sabi ko na. Sinong nilalang naman kaya ang nag-iwan ng brief niya dito sa kama ko ng walang pahintulot ko? Ang masama pa, 'yon pa ang naipahid ko sa pawisan kong mukha kanina.

Gusto ko talagang maiyak. Ang malas talaga ng araw ko.

Bitbit ang brief, nagmamadali akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong magbihis.

Minsan inaatake rin naman ako ng pagiging pasaway kaya humanda lang kung sino man ang hindi marunong magtago ng sariling kalat nila.

Isinabit ko ang brief sa divider katabi ng TV namin. Makikita agad 'yon kung sino man ang manunuod ng tv at makikita rin kapag may pumasok sa sala namin dahil kaharap lang ng divider na pinagsabitan ko ang pintuan namin.

Huh! Akala mo ha! Kumain na ako pagkatapos ko itong isabit.

"Hoi! Kaninong supot ito!?" Sigaw ni kuya Jeremy. Muntik na tuloy akong mabilaukan dahil gusto kong matawa sa tinawag niyang supot.

Winagayway pa niya ang brief at pinaikot-ikot sa hintuturo niya na parang nagpapaikot ng bola.

"Aba, at lakas ng trip ha! Dito pa talaga nilagay? Meron pang nakalagay na for sale?!" Patuloy na pagsasalita ni kuya Jeremy pagkatapos basahin ang dinikit kong paper tape sa brief na may nakalagay na FOR SALE.

Nagmamadali akong kumain baka hindi pa matapos kapag nalaman na ng may-ari.

"Jimmy! Sa 'yo ba 'to?" tanong agad ni kuya Jeremy kay Jimmy nang makita niyang papasok ito ng bahay.

Tiningnan naman ito ni Jimmy.

"Hindi akin 'yan, teka bakit may nakalagay na for sale yan? Hindi na nahiya e parang hindi pa nalabhan 'yan ah," sagot naman ni Jimmy at patuloy na naglakad papunta sa kwarto niya.

Tahimik lang akong nagpatuloy kumain na parang walang alam sa kung sinong nagsabit ng hawak niya.

Natapos na rin akong kumain sa wakas. Busog na ang mga bulate ko sa tiyan.

Sinabit lang ulit ni Kuya Jeremy ang brief nang hindi niya malaman ang nagmamay-ari nito. Minsan ganyan talaga ang tao, kahit alam na ngang mali pinagpatuloy pa rin. Dapat hindi niya na sinabit 'yon.

"Hoi! Sino ang nagsabit nito dito?!" narinig kong sigaw ni kuya John mula sa sala. Tsk, parang siya yata ang may-ari no'n. Kahit hindi ko pa tingnan alam ko na ang tinutukoy niya.

Strict Ang Brothers KoWhere stories live. Discover now