✘PROLOGUE✘

118 3 0
                                    


Prologue

Kapag mahirap ka ano ang mga gagawin mo para maka ahon sa kahirapan?

Magnenegosyo?

Maghahanap ng trabaho?

O kaya naman tataya sa lotto o magsusugal na lang?

Lahat yan pwede gawin kaso papaano kung isa kang estudyante? Isang College student? Doon papasok ang pagiging student assistant.

Sabi ng iba masaya ang pagiging student assistant kasi nagkakaroon ka na ng kita nakakatulong ka pa sa iba. Ano nga ba ang trabaho ng student assistant?

Taga print ng mga files. Pagiging messenger o kaya naman assistant ng may-ari ng school. Eh papaano kung ang trabaho mo ay pagiging bed warmer ng anak ng may-ari ng school?

Ako si Anna Marie Angeles. Isa akong second year college student at nagtatrabaho ako bilang student assistant. Ang sa akin lang ay makatapos ako ng pagaaral habang nakakatulong sa aking pamilya. Yuon ang akala ko...

"Okay, so ang suweldo mo ay 3000 kada buwan. Magtatrabaho ka bilang isang assistant." Sabi sa akin ng guidance counceilor.

"Sige po."

"Dumeretso ka na sa office ng school chairman. Siya na ang bahala kung ano ang gagawin mo." Umoo ulit ako at magalang na lumabas sa kwarto at dumeretso na sa office ng school chairman.

Ano kaya ang trabaho ko? Sana hindi ganun kahirap pero kung mahirap man kaylangan ko magtyaga. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko! Positibo kong sabi sa sarili ko.

"Umm...excuse me po, ako si..." pagkabukas ko ng pintuan nakita ko ang isang hubad na babae na nakapatong sa isang lalaki at hinahalikan ito sa labi.  "I-I-I'M SORRY!!!" agad-agad kong sinarado yung pintuan.

A-a-a-ano yun??? Ano yung nakita ko?? Ah~~ nakakahiya!!!

Makalipas ng ilang minuto nagulat ako ng bumukas yung pintuan. Ang lumabas sa kwarto ay yung babae kanina. Sorang ganda niya...

"Um...sorry po ulit..." nahihiya kong sabi. Tumawa siya ng mahina at hinalikan ang pisngi ko.

"Its okay, I'm not angry." Binigyan niya ako ng magandang ngiti at nagpaalam na.

"..."

"OI!" nagulat ako ng may sumigaw galing sa loob ng kwarto. "COME INSIDE!" galit nitong utos.

"..." dahan-dahan akong pumasok. Pagkapasok ko nakita ko ang isang lalaki na shirtless at galit na nakatingin sa akin.

"Who are you? What do you want? Thanks to you my precious time was gone."

"So-sorry...hindi ko sinasadya..."

"Hmmm~" lumapit siya sa akin. "Are you the new student assistant?"

"A-ako nga..." kinakabahan kong sabi.

"Mm...Looks are average, body is plain. Are you sure you can satisfy me?"

"Eh?" naguluhan ako sa sinabi niya. "Ano pong ibig mong sabihin?"

Hinila niya ako papalapit sa kanya at binulong sa tenga ko. "Hindi mo pa ba napapansin? Kaya walang nagtatagal na student assistant sa school na ito ay dahil hindi nila nakakayanan."

Nagsimula akong makaramdam ng kaba.

"The student assistant's job is to be my bed warmer." Hinalikan niya yung tenga ko. "So if you want to get hired make sure to satisfy me." ngumisi siya.

My job was to be the bed warmer of the stupid, naugthy, and handsome son of my boss.

Student AssistantWhere stories live. Discover now