Chapter 5

444 29 0
                                    


Chapter 5

      Ipinalam niya ako sa apat ng makalabas na kami ng simbahan. At agad naman silang pumayag kulang na nga lang ay sabihin nilang wag na niya akong ibalik.

"Ingat kayo sa pupuntahan ninyo." Sabi ni Lex sa amin na may malaking ngisi sa mga labi. Ganoon din ang apat. Inirapan ko lang sila.

      Kumapit ako sa braso ni Jade na naging dahilan kung bakit mas lalong nanunukso ang mga tingin nila sa akin.

"Saan tayo?" Tanong ko ng makasakay na ako sa kotse niya.

"It's a secret, babe." Sagot niya. Napanguso ako.

"Saan ba kasi?" Pangungulit ko. Ngumiti lang ito sa akin at hindi ako sinagot.

      Hindi na ako muling nagtanong pa dahil mukha namang hindi rin niya sasabihin. May pa-secret-secret pang nalalaman. Bakit hindi na lang sabihin para hindi ako ma-excite? At baka ma-dissappoint pa ako kapag makita ko ang secret na sinasabi niya.


      Hindi ko alam kung gaano kami katagal bumibiyahe. Napansin ko na lang na ipinarada niya ang sasakyan sa harap ng... malaking gate? Sa buong biyahe ay hindi siya nagsasalita kaya hindi rin ako kumikibo. Ano namang sasabihin ko?

      Pagkababa namin ay doon lang ako lubos na namangha. Nasa harapan namin ang isang malaking bakod. Hindi ko makita kung ano ang nasa loob.

      May lalaking nagbukas ng gate. Hinila ako si Jadeite papasok doon. Nagpahila na lang ako sa kanya. Nalaglag ang panga ko ng makita ko kung ano ang nasa loob.

"Wow..." Bulalas ko habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa harapan ko.

"Beautiful, isn't it?" Wala sa sariling napatango ako. Dati, kung sakaling ikakasal ako ay gusto ko ng church wedding. Ngunit ngayong nakita ko ang mala paraisong lugar na ito ay gusto ko na ng engradeng wedding garden.

      Ang ganda ng paligid. Punong puno ng mga punong kahoy at maraming nagagandahang bulaklak. Maluwang ang solar sa tingin ko mga dalawa o tatlong hektarya. At napapaligiran ng matataas na bakod. Hindi mo iisipin na sa loob pala ng malaking bakod ay isang paraiso.

      Wala akong makitang tao maliban sa amin ni Jade at ang lalaking nagbukas ng gate. Sa tingin ko ay private property ito.

      Napansin ko ang isang kubo sa pinakagilid. Malayo kasi kaya hindi ko matansya kung kubo ba talaga iyon o mas malaki pa sa kubo. Ang nakikita ko lang ay ang bubong nitong nababalutan ng vines at may mga dilaw na bulaklak.

"Ang ganda..." Muling bulalas ko. "Kanino 'to?"

      Naramdaman ko siya sa likuran ko. He hugged me. Hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi ko pa rin maalis sa paningin ko ang lugar na kinaroroonan namin.

"Ito ang alala ni mommy sa amin. Mahilig siya sa mga bulaklak kaya naisipan ni Dad na bumili ng lupa para gawing ganito. Regalo ito ni dad kay mommy." Sagot niya. Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa ulo ko.


     Napag-alaman kong labing dalawang taon pa lang si Jade ay namatay na ang mommy nito dahil sa breast cancer. Habang nagkukuwento siya ay ramdam ko ang lungkot niya. Humarap ako sa kanya at masuyong niyakap siya. Bayad ko sa pagdala niya sa akin dito.

"Nangako akong dadalhin ko dito ang girlfriend ko kapag twenty-five na ako." Napatingin ako sa mukha niya sa sinabi niya. Kaya ba gusto niyang maging girlfriend ako para may maipakilala siya?

It's All started in 'truth or Dare'Where stories live. Discover now