Chapter 8

378 24 1
                                    


Chapter 8


     Pagkatapos kong i-prito ang isang itlog at bacon ay tinakpan ko muna para tawagin si kuya sa kuwarto niya. Kinuha na yata ng alien dahil hindi pa siya lumalabas.

"Kuya, luto na ulam mo." Sabi ko pagkapasok ko. Tsk! Kaya naman pala hindi sumasagot dahil tulog... Napagod siguro.

Naiiling akong lumabas mula sa kuwarto niya. Hindi ko na lang siya gigisingin.

Tutal tulog si kuya. Puputahan ko na si Jade sa unit niya. Babalik na lang ako mamaya.

Tinakpan ko na lang ang niluto ko sa ibabaw ng mesa. Iniwan ko ang bag at cellphone ko sa unit ni kuya para kapag nagising ito at wala pa ako ay iisipin niyang bumabas ako at babalik din agad.

------

Sumakay ako sa elevator paakyat sa palapag kung saan ang unit ni Jadeite. May kasabay akong magandang babae. Sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon. Siguro ka-edad niya si Kuya Jonathan at Jade.

Parehong floor din ang pupuntahan namin dahil nakita kong nakailaw ang number ng floor kung saan ang unit ni Jade. Nagtagpo ang mga mata namin sa salamin. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.

Pagkabukas ng pinto ng elevator ay nauna itong lumabas. Sumunod na ako sa kanya.

Akala ko ay sa may dulo ang unit nito. Nagtaka ako ng makita kong sa tapat ng unit ni Jade ito humito. Mas lalo akong nang taka ng pindutin niya ang door bell. Sino ang babaeng ito?!

Tumigil ako sa paglalakad. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng unit ni Jade.

"Babe— Iris anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jade sa babae. Ngumiti ang babae sa kanya.

"Masama bang dalawin ko ang boyfriend ko?" Sabi ng babae. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Boyfriend niya?!

"What are you talking about?" Inis na tanong ni Jade dito.

Natatandaan ko ang mukha ng babaeng kausap ni Jade sa Cr noon. Ang babaeng kausap niya ngayon ay magkaiba. Ilan ba ang ex ng tarantadong boyfriend ko na habol ng habol sa kanya?

"We're not over." Matigas na sabi ng babae.

"We are over." Madiin na sabi ni Jade sa babae. At halatang naiinis na rin ito. 

"Umalis ka na bago pa dumating ang—" Naputol ang sasabihin niya ng makita niya ako.

"Reen!" Gulat na sambit niya. Inirapan ko siya bago naglakad palapit sa kanila. Daig pa niya ang nakakita ng magandang multo.

"Jadeite, sino siya?" Tanong ng babae kay Jade ngunit sa akin nakatingin.

"She's my girlfriend. Please umalis ka na, Iris."

Pinasadaan ako ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa. May disguto akong nababasa sa mata niya. Akala ko mabait siya. Akala ko lang pala.

"Really? How old is she?" Nakangising tanong ng babae. Ang sarap hambalusin.

Nang makalapit ako sa kanila ay hinila ako ni Jade palapit sa kanya. Ipinulupot niya ang isang braso niya sa beywang ko.

"None of your business!" Hinila ako papasok ni Jade at isinara ang pinto. That was rude.

It's All started in 'truth or Dare'Where stories live. Discover now