D

2 0 0
                                    

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Sigaw sa akin ng babaeng haliparot sa hallway. Sumakit lalo yung ulo ko kaya tinignan ko siya ng masama at nagsalita.

"May naiwan ka ata."

Kumunot ang noo nito sabay ng pag-flip ng mahaba nitong red-dyed hair. I badly want to roll my eyes but I keep my stare at her.

"Ano namang maiiwan ko, aber?"

I mockingly smile, "panty mo. Ang itim pa naman ng singit mo, kitang kita sa palda mo."

She looks taken aback and I smugly smile. Tumalikod na ako at didiretso na sana sa Physics class ko ng sumigaw ito. "Bitch! Inggit ka lang!"

I stop dead and laugh. Uh-oh, bad move. Napatigil ako agad sa pag-tawa dahil sumakit na naman ang ulo ko.

"Keep on dreaming, girl." Tinignan ko siya ulit, fiercely this time, and continue, "Unlike you, I don't try hard para lang mapansin. And please, it is bitch not beach. Ayusin mo naman ang pag-pronounce."

I stand firm kahit na dali-dali itong dumukwang para sabunutan ako. Puyat ako; I only got an hour or two of sleep at halos formula at concepts ang lumulutang sa isip ko.

Before she could go all Godzilla on me, nahawakan na siya ng dalawang lalaki. I grab the opportunity na umalis na dahil mahirap ma-late. Walanya pa naman yung si Sir Joseph magpa-exam; hindi kayang sagutan ng one hour and a half. Sobrang hirap.

I stopped walking at ngumiti bago nagsalita, "bye, Horsey!"

Nagmadali ako sa pagpasok ko sa classroom ko nang makita kong nagsisimula na halos ang one-fourth ng klase sa exam.

Umupo ako sa may dulo, hindi dahil sa mango-ngodigo ako but because mas madaling mag-isip sa isang area na walang magbabalak na kopyahan ka or maybe even tempt you na mangopya.

"Ms. Ednave, here's your test paper. Good luck." Batid ni Sir as he places the paper on my desk. I nod and do a quick sign of the cross.

Iiwanan ko na po si Benedict Cumberbatch, Lord, makapasa lang ako. Titigilan ko na ang panonood ng Sherlock Holmes, Lord! There it goes - the bargaining. Ganun naman ata talaga, when you're not sure of something, you proceed to the back-up plan.

And how I wish dala ko ang cheat paper na ginawa ko kanina.

Dali-dali kong kinalkal ang bag ko para kunin ang calculator at pen ko nang mapasapo ako sa noo at halos maiyak.

Ang nag-iisa kong panulat... naiwan ko sa la mesa sa kwarto ko nung nag-review ako kanina. Waaa! Tanga tanga! Waaa!

"Haha! Rachel naman, hindi mo pa nga nababasa yung exam stressed ka na?" Mahinang batid sa akin ni Lance na katabi ko at tawang-tawa.

Tinignan ko ito at malungkot na ngumiti. "Lance."

Umiwas siya ng tingin at nagsagot muli. Kung ordinaryong araw ito, baka nakipag-kutusan ako sa kanya at masayang inihuhulog siya sa

"Lance!" Impit na sigaw ko at medyo lumapit dito. "Pahiram ballpen."

Biglang itinaas ni Lance ang kamay niya, that got the attention of Sir Joseph na masuring nagla-laptop.

"Sir, your princess forgot to bring her pen." Lumingin ito sa akin, smirking, and look back to my professor with an annoyed face. "Please, save her! She's distracting me!"

If this is such a good time, my classmates would have laugh their hearts out at kakantyawan kami ni Sir. But it isn't, kaya halos hirap na hirap silang ngumiti't nagpatuloy sa exam.

Ah, langya. Nauubos ang oras ko. Kung sila nahihirapan, shemay naman, paano pa ako?

Lumapit sa akin si Sir na may maliit na ngiti sa labi. "That's my favorite pen; I hope it'll bring you luck as much as it does to me."

Sir leaves after that and proceeds to inputting grades again sa laptop niya. I shoo the thought away at nag-simulang mag-exam.

Aw, pak, first question pa lang nga-nga na.

Solve dito, isip doon. In my mind, naaalala ko ang isang Spongebob episode na kung saan may mga micro-Spongebobs sa brain niya at nagkakadaletse-letse na dahil sa sobrang pag-iisip. I badly want to cry -- para kasing sa sobrang overthinking mas lalo kong nakalilimutan ang inaral ko overnight. Imbis na sagot ang nasa isip ko, Spongebob ang nandoon. Syet.

On the first part of the exam, multiple choice, tatlo pa lang ang nasasagutan ko at puro hula pa iyon. Three points ang bawat isa at halos ma-buang ako sa sobrang komplikado ng choices. Nilagpasan ko muna dahil ang dami-dami pa nung nasa numeric response, ten points each pa.

Sa loob ng limang chapters na coverage nitong exam, ni isa 'dun dapat mayroon manlang akong na-master kahit iyong pinaka-basic lang. Pero lanjo, ni isa 'dun wala manlang akong natapos na i-review. Naintindihan ko naman 'yung mga inaral ko, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa paulit-ulit ko nang inaaral ang mga topic na alam ko na o talagang 'di ko na maintindihan kaya in-assume ko nalang na naintindihan ko na.

"Last five minutes. Finalize your answers."

Dali-dali kong binura, more or less binaboy, ang computation ko sa cavity problem. Seryoso, kakatayin ko na ang author ng libro namin sa Physics. Hindi ba niya kayang i-limit yung sarili niya as mga hindi komplikadong bagay? Eh 'di sana hindi ito ang maibibigay na problem ni sir. Eh 'di sana hindi ako hirap sa Physics! Cavity!

Akala ko sa ngipin lang iyon! Takte! Pakialam ko sa cylindrical copper metal at sa loko-lokong nag-drill kaya kailangan pa na i-compute ang electric field? Ano?!

Out of the eight numeric problems, ni isa wala akong natapos na i-solve. Naiiyak ako kasi nag-aral naman ako, pero bakit ganito pa din? Bakit pasakit pa din sa buhay si Sir Saul? Nasaan ang kanyang Saul? Wala siyang Saul! Wala siyang kaluluwa!

"Pass your booklets. Make sure you indicate your set letter on the top right corner."

Binalikan ko ang mga sagot ko at napangiti. Bagsak na naman 'to.

Torn in BetweenWhere stories live. Discover now