Hanggang kailan mo kayang maghintay?

251 14 3
                                    

VANNA


Hindi ko alam kung paano ito sisimulan.

Kanina ko pa nginangatngat ang kuko sa mga daliri ko. Inabot na nga ako ng ilang minuto na nakatulala sa daan. Narito ako ngayon sa waiting shed na paborito kong tambayan. Malapit ito sa kilalang Time Park, na siyang madalas punatahan ng mga magkasintahan. Samantalang itong waiting shed na kinaroroonan ko ay para sa mga taong nag-iisa. Natatawa ako isiping 'yon. May mga puno kasi sa likuran nito na siyang humaharang sa view ng parkeng iyon, na siya namang pabor sa akin. Wala ring madalas magawi sa puwestong ito, animo'y namarkahan ko na ito bilang teritoryo ko.

Nakasuot lang ako ng pambahay at hawak ang aking gitara. Nais ko kasing sumulat ng kanta. Hindi naman ito kailangan, pero gusto ko lang.

Ang problema, hindi ko alam kung paano sisimulan.

Palubog na ang araw. Nagiging tahimik na rin ang paligid dahil kaunti na lamang ang dumaraang sasakyan. Oo nga pala, kaharap ko lamang ay kalsada, na minsan ay nagiging problema ko. Hindi ako nakakapagpokus dahil sa ingay ng mga sasakyan.

I strummed my guitar. Susubok muna ako ng tono.

Hindi kasi epektibo sa'kin iyong magsulat muna ng isang tula pagkatapos ay bibigyan ng tono. Sa akin kasi, mas gusto ko na tono muna bago liriko. Para hindi na ako nahihirapan sa pagsasaayos ng mga salita. Saka hangga't wala akong naiisip na pamagat ay hindi ako makakabuo ng konsepto. Weird 'di ba? 'Yong iba kasi kapag natapos na ng buo, saka palang sila iisip ng pamagat.

May tumatakbo naman ng salita sa utak ko, na napili kong maging pamagat.

'Paghulog'

Sa tingin ko ito ang perpektong salita sa nararamdaman ko, sa dinadanas ko ngayon.

Dito naman talaga nagsimula ang lahat. Dito nagsimula ang kuwento ko.

"Ito. Okay na 'to." sambit ko nang makuntento sa nagawa kong tono.

Saglit akong napahinto, tumitig sa kamay kong nakapatong sa gitara, at nag-isip.

Kung simulan ko kaya sa simula?

Ang ibig kong sabihin, ilarawan ko muna kung paano nangyari ang lahat.

Sinubukan ko ito, at hindi naman ako nabigo.

"Walang araw na nagdaan, walang araw na lumipas na 'di ka nasisilayan~"

Sa pagbigkas ko sa mga salitang iyon, isang alaala ang gumunita sa akin. Animoy napapanood ko ang ang isang eksena.

---

Isang tipikal na araw para sa mga estudyanteng pumapasok sa paaralan. Pero para sa akin ay importante ang araw na ito. Mula kahapon ay naging mahalaga na sa akin ang bawat pagpasok ko.

Malawak ang aking ngiti at binabati ko ang lahat nang madadaanan ko, maging si Manong Guard na lagi akong pinagalitan sa tuwing late ako.

Masyado na ba akong halata?

Masaya kasi ako ngayong araw. Sobra. Gusto kong makita ang taong kahapon pa hindi mawala sa isipan ko. Kaya nagmamadali ako ngayon para pumunta sa court, para makita siya.

Waiting Shed (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon