Bakit ka ba naghihintay?

70 7 1
                                    

VANNA

Hindi ko alam.

Sadyang hindi ko alam. Kung paano, kailan at kung bakit. Hindi ko talaga alam.

Ito pa lang ba ang simula?

Wala kaming kibong dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. Napagpasyahan ko siyang dalhin dito dahil basa at putikan ang buong katawan niya. Nagmagandang loob na ako dahil baka hindi kakayanin ng konsensiya ko kung sakaling magkasakit siya, isa pa ay siguradong masakit din ang katawan niya mula sa pagkakahulog sa puno. Halata iyon dahil medyo paika-ika siyang maglakad kanina.

Mukha naman siyang mabuting tao kaya hindi na ako nag-alangan kahit hindi pa kami gaanong magkakilala. Base rin sa mga sinabi niya kanina ay sa parehong paaralan kami nag-aaral.

Sa totoo lang ay marami pang katanungan ang gumugulo sa isip ko. Nalilito pa rin ako. Pero naisip ko na baka mas kailangan niya ng tulong, kaya mabuti siguro kung mamaya ko na sya tanungin ukol sa bagay na iyon.

Ibinaba ko ang gitara ko sa sofa nang makarating kami sa sala.

Pansin ko ang paglilibot niya ng tingin sa paligid, pero hindi siya nagsalita.

"Vanna anak."

Lumapit sa amin ang isang babaeng may edad na limampu't walo. Matagal na siyang naninilbihan sa amin at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng aming pamilya. 

"Nani."

"May bisita ka pala." Tukoy niya sa lalaking kasama ko nang mapansin niya ito.

"Magandang hapon po. Ako o si Jayron, schoolmate ni Vanna." magalang namang tugon niya.

"Katulong namin si Nani pero pamilya na siya sa amin." Pagpapakilala ko, ngumiti si Jayron at tumango lamang si Nani.

"Mabuti pa ay pahiramin mo ng masusuot itong si Jayron para makapagbihis. Ipaghahada ko kayo ng mainit na kape."

Iginaya ko siya sa kwarto ni kuya. Matagal na rin kasi itong hindi nagagamit dahil tumutuloy si kuya sa work niya sa Manila. Samantalang sila mama at papa ay nasa States. Naiwan lang ako dito kay Nani para tapusin ang pag-aaral ko.

"Gamitin mo muna itong damit ng kuya ko. Dito ang cr."

"Salamat."

Naging mabilis ang oras. Matapos niyang makapag-ayos ay naupo muli kami sa sala. Presentable na siyang tignan sa simpleng tshirt at short ni kuya. Nanatili kaming tahimik hanggang sa ibigay na ni Nani ang kapeng tinimpla niya.

"Hindi ka ba napilay?"

Umiling naman siya.

"Yung sinabi mo kanina..."

"Ah."

Nagkamot siya ng batok, mukhang nahihiya.

"Hindi mo ba talaga ako kilala?"

I can see a glint of sadness in his eyes. May bahid ng pagtatampo ang kaniyang boses.

Napaisip ako sa sinabi niya. Pamilyar ang mukha niya ngunit kailangan ko pang tandaan kung saan ko siya nakita.

"Ikaw yung nakabungguan ko di ba?"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya ba inaasahan na maalala ko ang mukha niya? May parte rin sa akin nahihiya at nagiguilty dahil sa inakto ko no'ng araw na yon.

"It was me."

Umangat ang tingin ko dahil sa kaniyang sinabi. Ngunit hindi ko alam kung para saan iyon.

Waiting Shed (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon