Hanggang kailan ka ba maghihintay?

118 17 5
                                    

JAYRON

Hindi ko alam kung paano ito nagsimula.

Pinagmamasdan ko ang hawak kong rosas. Isang piraso lang ang nabili ko nang madaan ako sa Time Park kanina. Pero ayos na 'to kaysa sa wala. Ngayon iniisip ko kung paano ko siya lalapitan, paano ako magpapakilala, at kung paano ko ito ibibigay sa kaniya.

Kanina pa ako tuliro. Natotorpe kasi ako. Hindi pa nga kami nagkakausap ay baka mas lalo niya lang akong iwasan sa gagawin kong ito.

Malamig ang simoy ng hangin. Mula rito sa itaas ng punong kinaroonan ko ay tanaw ko ang lahat. Ang Time Park, ang kalsada, at ang babae sa waiting shed.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa isang sanga na sa tingin ko naman ay matibay, upang hindi ako mahulog. Ayokong mahulog. Nakakatakot mahulog. Masakit.

Dumako ang tingin ko sa babae. Nakamessy bun ang buhok niya at nakasuot lamang siya ng simpleng shirt at jeans. Pero higit pa sa maganda ang tingin ko sa kaniya.

She started strumming her guitar with passion. Akala mo'y nakasalalay sa mga kamay niya ang mundo.

Kanina pa siya nariyan at nakatulala. Akala ko props niya lang iyong dala niyang gitara. Mabuti na lang at nagsimula na siya. Sa totoo lang ay ilang beses ko na siyang narinig tumugtog pero hindi ang kumanta.

"Ito. Okay na 'to." narinig kong sabi niya.

Mukhang sumusubok siya ng mga tono.

"Walang araw na nagdaan, walang araw na lumipas na 'di ka nasisilayan~"

Mula rito ay rinig ko ang boses niya. Saka ko lamang narealize na gumagawa siya ng sariling kanta.

Hindi ko maiwasang hindi purihin ang boses niya sa isipan ko. Although expected ko nang kumakanta siya ngunit hindi ko inaasahang ganito kaganda ang boses niya.

At ang lyrics na 'yon. Natamaan ako. Ganon na ganon ang nararamdaman ko ngayon.

Here it goes. Nagsimula ito noong hinabol ako ng isang aso sa park na iyon at napadpad ako dito. Out of despiration, umakyat ako sa punong ito. That time hindi ko rin namalayan na nakatulog ako dito mismo. Hanggang sa nagustuhan ko ng magpunta rito. This place is now my favorite spot. Lalo na dito sa taas ng puno. Tahimik lang dito at presko ang hangin. Mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag nandito ako.

Pero it turns out na hindi lang pala ako ang may paborito sa lugar na ito. Araw araw ko siyang nakikita rito. Mag-isa at hawak ang kaniyang gitara. Pero ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya.

Seivanna Gomez. I know her so well. We're studying at the same school. Pero hindi ko alam kung alam kung kilala niya ba ako. Pero inaamin kong unang beses ko pa lang siyang nakita ay nagkaroon na ako ng interes sa kaniya. Gusto ko pa siyang makilala.

"Parating nakatingin, laging humiling, ngunit bakit hindi ka makapiling~"

Malalim mong pagtingin, ito ang tangi kong hiling, ngunit kailan kita makakapiling~

I tried to change it's lyrics, pero hindi ko naman iniba ang tono nito. Good thing, sumakto ito. Pero sa isip ko lang ito ginagawa, hindi niya dapat ako marinig.

"JP..."

Nanlaki ang mga mata ko. Ngunit saglit rin iyong nawala nang makita ko kung sino ang tinitignan niya. Mabilis kong nakilala ang mga taong iyon.

Siya na naman? Bakit parati na lang siya? Para rin ba sa kaniya ang kantang 'yan?

Hindi ko alam pero nalulungkot ako at ramdam kong tila hinihiwa ang puso ko.

Waiting Shed (✔) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt