Kakatapos ko lang gawin 'to ngayon-ngayon lang kaya pakiintindi na lang pati ang typos. Thank you and HAPPY READING!
My Tag 6
Sitti's POV
KANINA KO pa siya tinatawag sa number niya pero hanggang ngayon ay hindi pa niya iyon sinasagot.
Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang unang palabas sa planetarium. Hinanap ko na siya do'n sa loob, dito sa labas maging do'n sa lugar kung saan ko siya iniwan para bumili ng pagkain namin.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita si Kaizer.
"Nasaan ka na ba?" sabi ko sa sarili ko habang pinapakinggan ko lang na mag-ring ang telepono niya sa kabilang linya.
"Miss, hindi ka pa ba papasok? Isasara ko na 'tong pinto."
Napalingon ko do'n kay Manong Guard na sa tingin ko ay kanina pa nakasunod ng tingin sa akin pagkalabas ko pa lang na pagkalabas ng planetarium area namin.
"Sandali lang po, Kuya! Hinihintay ko pa ang kasama ko."
"Paki sabi na lang na dalian niya. Sayang naman ang binayad n'yo kung hindi n'yo mapapanood nang buo ang palabas. Hindi na p'wedeng umulit ng panonood, Miss oras na pumasok ka na sa loob."
"Sige po. Sandali na lang po talaga 'to. Parating na po iyon."
Nagkibit-balikat na lang sa akin 'yong guard saka ko siya pinanood na bumalik sa loob ng kwarto namin.
Muli kong d-in-ial ang number ni Kaizer. Lagpas sampung beses ko na yata siyang tinatawagan. Napa-load pa ako nang wala sa oras sa kanya.
Pero gaya nang mga nauna kong subok, bigo pa rin ako na matawagan siya.
"Nasaan ka na ba?" natataranta nang sabi ko.
"Sabi na nga ba. Si Tanga nga."
Bigla akong napaangat ng tingin sa narinig kong boses ng nagsalita na iyon saka ko nakita si Silver Sungit—este Zync Buenavista pala!
Bigla tuloy akong nagkaroon ng hinala na magiging malas para sa akin ang araw na ito maging ang taon na ito dahil siya ang una kong nakita.
"Bagong taon na pero nakakainis pa rin siya," mahinang bulong ko.
Sana nakalimutan na niya 'yong rason kung bakit inis na inis siya sa akin last year. Papa God, paki alis na lang po ang sama ng loob ng tao na 'to sa akin. At promise po! Hindi na po ako ulit titingin sa buhok niya kahit na iyon po ang pinaka-agaw pansin sa kasungitan—este sa itsura po ng classmate ko na 'to, piping dasal ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit? Sa'yo ba 'tong lugar na 'to para gumawa pa ako ng letter of recommendation para lang mapasok?" masungit na balik-tanong niya sa akin.
Pilosopo talaga ang isang 'to. Nasa lahi na ba talaga nila 'yan? Ang pagiging magaling mambara sa sasabihin at itatanong ng iba? sa isip ko.
"Bihis na bihis ka yata, babaeng kinulang sa utak?" komento ulit ni Kuyang ang galing-galing! "May date ka ano?"
Okay. Gusto ko nang bawiin ang dinasal ko sa tao na 'to.
Hindi yata uso sa kanya ang salitang "New Year" o "New Year's Resolution" o 'di kaya ang salitang "Pagbabago."
"Paano mo nalamang date 'to?!" mabilis at gulat na gulat na tanong ko nang maisip ko 'yong huling sinabi niya.
"So, tama pala ang hula ko? Date nga? Salamat sa impormasyon na binigay mo, Tanga."
BINABASA MO ANG
My Tag Boyfriend (Season 4)
Teen FictionSabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin kaya ng first love ang lahat? At paano kung magkaroon ng stop over ang infinity and beyond? Love. F...