My Tag 9

39.9K 1.3K 233
                                    

My Tag 9

Sitti's POV

TAPOS NA na ang Christmas vacation at tapos na rin ang pagsi-celebrate ng New Year. Pero gaya nang sinabi ni Mama bago ako umalis ng bahay kanina, mukha raw akong naputukan ng watusi sa mukha dahil sa sobrang stress na nakalagay sa pangit ko pa ring pagmumukha ngayon.

New Year na New Year daw pero mukha na raw pang-kwaresma ang mukha ko.

Sabagay, hindi ko naman masisisi si Mama sa mga comment niya dahil totoo naman.

Napuyat kasi ako kakaisip do'n sa natanggap kong application letter para makabalik ako sq Eastton...

Dear Miss Felicity Sandoval,

We write this letter to you to send our sincerest apology for what you have experienced during your stay at Eastton University. We are sending our sorry for overlooking the bullying that happened to you same with all the hardship that the other students inflicted onto you. We give you this letter of application so you can come back to your Alma Mater—that is, if you still want to. We know that you had been forced to pull out from the university because of the bullying issue. And again, we are sorry for the irresponsibility of the school committee.

If you want to be enrolled again in our university this coming semester, we will openly accept you same with you will be entitled with full scholarship until you graduated with your preferred course as incentive. Also, rest assured that you will not be bullied again by any of our students.

Kindly consider our offer, Miss Sandoval.

Sincerely,

University President and Faculty.

Ilang beses kong binasa ang natanggap kong sulat mula sa Eastton. Halos hindi nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung bakit nila ako pinadalhan ng gano'n uri ng sulat na may kasama pang application form para makapag-enroll ulit next semester.

Hindi naman sa hindi ako nakakaintindi ng English o sa hindi ko naintindihan ang laman ng sulat, pero nagtataka lang kasi ako.

Nagtataka ako kung bakit nila ako gustong pabalikin sa Eastton.

I mean, bakit ngayon pa? O, bakit ngayon lang?

Hindi sa nagtatampo ako pero hindi ako masyadong natuwa sa natanggap kong sulat. Ay, hindi pala! Hindi ko alam kung paano ba ako dapat mag-react sa sulat.

Bakit ngayon lang nila ako sinabihan ng gano'n? Bakit ngayon lang nila na-realized na matindi ang bullying sa Eastton at matagal na nilang hindi pinapansin ang issue na 'yon?

Sa tinagal-tagal ko sa Eastton, mula pa kay Margaret hanggang kay Mia, kasama na rin 'yong mga babaeng patay na patay kay Kaizer, bakit ngayon lang sila nagso-sorry sa kapabayaan nila?

Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay hindi lang naman ako ang nakakaranas ng bullying sa school na 'yon. Na marami ring mga loser at anti-social na estudyante, mga babae at lalaking hindi pasok sa "standards" ng mga taga-Eastton ang palihim nabu-bully.

Kaya bakit ngayon lang sila umaaksyon para masolusyunan ang bullying? At ulit, bakit nila ako gustong pabalikin sa Eastton?

Bigla ko na namang naalala ang naging pag-uusap namin ni Mama tungkol dito kagabi matapos kong ipabasa sa kanya mismo ang sulat.

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon