Twelve

155K 2.6K 212
                                    

"Tara, kain na tayo." Tumayo na agad si Xander pagkasabi niya nun.

"Wait lang, antayin na natin si Josh. Sasabay daw siya sa akin sa pagkain ngayon e," sabi ko habang hindi pa rin tumatayo. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Josh. Malamang kasi papunta na rin 'yun dito sa classroom.

Humarap sa akin si Xander, "sa cafeteria mo na lang siya papuntahin kung sasabay siya. Hindi niya na kailangan pumunta dito sa classroom," aniya sabay talikod din agad.

"'Kay." Tumayo na rin ako dahil nagsimula na siyang maglakad. Itinext ko na lang si Josh para hindi na siya mag-aksaya ng oras na pumunta dito sa room. Saglit lang naman kasi siya makakasabay dahil after ng 30 minutes ay may klase na agad siya.

"Konting bilis naman, nagugutom na ako," ani Xander na nakapukaw sa pag-iisip ko.

"Oo na, ito na nga o." Binilisan ko na agad ang paglalakad. Tsk! Bakit naman kasi ang lalaki ng hakbang niya? Alam nang ako ang kasama e. Hindi pa nasanay sa kabagalan ko e araw-araw naman kaming sabay kumain.

Oo, sabay kaming kumain araw-araw. Ewan ko ba sa isang 'yan. Dati rati ako 'yung nag-iinsist na magsabay kami sa pagkain pero simula noong Lunes ay siya na ang laging nagyayaya. Kahapon nga ay sabay pa kami sa pag-uwi kahit na nasa magkabilang direksyon ang mga bahay namin. Gabi na kasi kami nakalabas ng school dahil nagkaroon kami ng special classes. May pupuntahan daw siya at magsabay na lang daw kami pero ang nangyari ay hinatid niya na ako hanggang bahay saka lang siya pumunta sa kung saan mang pupuntahan niya.

'Di ko namalayang nakarating na kami sa cafeteria. Naroon na rin si Josh sa may pinto at hinihintay kami. Nilagpasan lang siya ni Xander at pumasok na agad sa loob.

"Uy, Josh! Tara?" Ngumiti agad siya sa akin at inalalayan ako papasok sa cafeteria. Sabay na kaming nagpunta sa counter para bumili ng pagkain. Naroon na rin si Xander at nagsasabi na ng mga pagkain na gusto niya sa tindera.

"Anong gusto mo? Libre ko na," ani Josh.

"'Di na. Baka wala ka nang pangkain niyang sa ibang araw." Halos araw-araw naman kasi niya akong nililibre ng pagkain. Isang beses pa nga lang 'ata na hindi kasi si Xander ang nagbayad ng pagkain ko noong nakaraan. Nahuli kasi ng dating si Josh.

"Ano ka ba, mag-aalok ba naman ako kung wala na akong maipapangkain sa susunod?"

"Tsk! Kahit na 'no! Basta, ako na ang magbabayad ng kakainin ko." Hindi na siya pumalag nang maglabas ako ng perang pambayad.

Nauna nang naupo si Xander sa isang bakanteng mesa na pang-apatan. Kami naman ni Josh, sabay nang pumunta roon. Pinagbuhat pa kasi ako ng tray ng huli. Magkatabi kami ng upuan ni Josh habang nasa harap ko naman si Xander. Nagsisimula na siyang kumain nang umupo kami.

Ilang minuto rin ang lumipas at walang nagsasalita. Hanggang sa basagin ni Josh ang katahimikan.

"Ayos ka na ba Mica? Buti talaga walang nangyaring masama sayo." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Okay na nga ba talaga ako? Sa totoo lang ay natatakot pa rin akong mag-isa, lalo na pag medyo madilim. Kaya ipinagpapasalamat ko nga na lagi kaming magkasabay umuwi ni Josh. Hinihintay niya kasi ako. Nahuli naman na 'yung lalaki. Noong gabing 'yun din ng insidente. Napalakas nga raw ang pagkakahampas ko ng bato kaya duguan pa rin nilang nakita malapit sa pinangyarihan at walang malay.

Nakakulong na ngayon ang lalaki at ewan ko kung gaano siya katagal dun. Si Kuya Maico kasi ang nag-aasikaso ng lahat. Ayoko na rin naman kasing makita ang lalaking 'yun dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag nakaharap ko siya. Naiisip ko pa lang kasi 'yung nangyari ay nanginginig na ako sa takot makaharap ko pa kaya siya?

My Poker-Faced GuyWhere stories live. Discover now