Chapter 2: The Spoiled Brat Half-Sister (Revised)

4.5K 201 5
                                    

Chapter 2: The Spoiled Brat Half-Sister

"Oh, ano pa ang tinutunganga mo? Magsimula ka ng magligpit nitong pinagkainan ko." Malamig na sabi ni Meisha dito. Sa totoo lang, hindi sanay si Meisha na mag-utos ng ibang tao lalo na't mas sanay siya na gawin ang mga bagay na mag-isa at walang tulong ng ibang tao.

Nang marinig ng katulong ang boses niya, tila doon lang ito nahimasmasan. Nagkumahog ito na bumangon mula sa malamig na sahig. Makita palang ni MEisha na nanginginig ang buong katawan nito na nakatayo sa harap niya, hindi niya napigilan na magpakawala ng mahabang buntong hininga.

Napakislot ito at sa hindi niya inaasahan, bigla itong yumuko ng mababa sa harap niya.

"Ipagpatawad mo, Ms. Meisha! 'Di na po talaga mauulit itong kabastusan na ginawa ko! Kung gusto niyo po tatanggapin ko ang anumang parusa na ibibigay mo sa'kin, basta huwag niyo na lang po ako sibakin sa trabaho!" Nanginginig na pakiusap nito sa kanya.

Just by hearing this, Meisha secretly sneered at this little maid. It can be seen that this maid was newly recruited and didn't know anything about the ins and out of this family.

Nagpapatawag talaga ang katulong ito. Hindi ba nito nakikita ang sitwatsyon niya ngayon? Sa tingin ba nito ay mayroon siyang kakayahan na tanggalin ito sa trabaho?

She was neither legitimate daughter nor a person being doted on. As someone who's been outcast by her family, how could she has the power to kick her out of the house?

"Kung ayaw mo maparusahan. Mas makakabuti na gawin mo ng maayos 'yong trabaho mo." Ibinaling ni Meisha ang tingin sa ibang direksyon bago nagpatuloy na magsalita. "Ah, bago ka umalis, ihanda mo muna ako ng tubig. Gusto ko ng maligo." Pagkatapos no'n, iwinasiwas niya ang kaliwang kamay niya para pabilisin ito sa trabaho.

Dahil mag-isa lang itong nagsilbi sa kanya, medyo natagalan ito sa pag-igib sa kanya ng tubig at nang matapos na ng katulong ang pinapatrabaho nito ay agad niyang pinaalis ito.

Nagtungo si Meisha sa banyo at tiningnan ang bathtub. Tsaka lumapit siya doon.

Inirolyo niya paitaas ang manggas ng damit niya at dinama ang tubig.

She moves her hand away from the cold water as its creates a ripples. Nagpakawala na naman siya ng buntong hininga ng makumpirma niya na malamig ang tubig.

She tucks the strands of silvery white hair in her ear and bent her body down the water, her face were few inches apart from it.

Sinimulan niyang bumulong ng mahika at nang matapos na ang kanyang orasyon, nagsimulang uminit 'yong tubig na nasa bathtub.

Satisfied with this result, she begun to take off her clothes and jump on the bathtub full of warm water.

~*~

Nakakapresko talaga pagkatapos niyang maligo. Kasalukuyan tinuyo ni Meisha ang kanyang buhok habang naglalakad patungo sa kanyang kama.

Dumako ang kanyang paningin sa panloob na damit na nakapatong sa ibabaw ng higaan niya. Isa 'yon puting loincloth na makikita lang niya noon sa internet at naalala pa niya noong may pinapanood siyang historical movie; nagkatoon na may eksena na naliligo ang dalawang babae at tanging suot nila ay loincloth. Hindi naman pangit tingnan lalo na't magaganda at seksi ang nagsuot niyon, pero gayunman, nababaduyan siya. Tinatawanan pa nga niya ang mga ito. But now, look at it, she felt as if she received a retribution for laughing at those two actresses in the movie.

Kinuha niya iyon at naningkit ang mga mata na tinitigan ang loincloth.

Jusko, ayaw talaga niya sa panloob na 'to!

Demonic King Consort(3 SAMPLE ONLY)Where stories live. Discover now