One

1.2K 24 4
                                    

This is written in 3rd person's POV, huwag sana kayong malito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is written in 3rd person's POV, huwag sana kayong malito. Sana ay magustuhan niyo ang unang kabanata at sana rin ay magkomento at bumuto kayo. (Halalan lang?)

♥PrincessNhykie

KABANATA 1

Hinanda ni Ysabelle ang binake niyang cookies at ginawang baon para kay Gian. Pinayuhan kasi siya ng mga kaibigan na madaling mapaibig ang lalake kapag ginagawan ng homemade na baon o pagkain. Nahihiya siya sa una dahil babae siya pero sinubukan niya pa rin dahil gusto niyang iparamdam sa binata na iniibig niya ito. Gusto niyang mapansin siya lalo ni Gian at umaasa siyang balang araw ay mahuhulog din sa kanya ang binata, umaasa siya dahil nagpapakita ng motibo ang binata na may gusto rin sa kanya ito. Dahilan na mas ginanahan siyang ipagluto ang binata.

"Dalian mo't mahuhuli ka na sa klase!" paalala ng kanyang ina. "Opo, ito na't tapos na ako." sagot niya, dali niyang isinolukbit ang kanyang bagpack at sumakay ng kotse at pumunta sa school. Habang nasa byahe pa siya ay natandaan niya ang pag-amin niya kay Gian ng kanyang nadarama. Napaamin siya dahil yon ang payo ng kanyang mga kaibigan at may punto sila.

"Umamin ka na, malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman." pangungulit ni Trixia. "Pero masyadong mabilis at saka babae ako." pagdadahilan ni Ysabelle. "Ganon talaga, at saka 20th century na girl! Sa panahon ngayon ay dumami ang torpeng lalake at minsan ay ang babae ang dapat kumikilos!" sabat naman ni Sofia. Sinunod niya ang payo ng kanyang mga kaibigan at nagtapat nga siya. Sa practice room ng banda siya naghintay kay Gian at doon siya nagtapat ng pag-ibig sa binata.

"Ahm, G-Gian, m-may ipagtatapat ako sayo" panimula niya. "Alam kong nakakahiya na ako pa ang magsasabi nito dahil babae ako. Pero Gian, g-gusto kita!" pagtatapat niya, nakita niya ang pagkagulat ng mukha ng binata at ngumiti lang ito ng mapait. "Ganon ba," yon ang sagot sa kanya ng binata. "Mahuhuli na tayo sa susunod natin klase." pagkatapos non ay lumabas na ito sa silid.

Hindi pa niya alam kung nareject na siya ni Gian o pareho sila ng nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman sa kanya ng binata. Naghintay pa nga siya nong weekend kung tatawagan siya ni Gian pero umasa ang siya sa wala, ni text man lang ay wala rin. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin niya, kagabi ay nakausap niya ang mga kaibigan niya at yon nga ang payo nila. Gawan ng baon at cookies si Gian.

"Sana ay magustuhan niya ito." hiling niya. Excited at kinakabahan siya, nang nakarating siya sa school ay sinalubong siya ng dalawa niyang kaibigan. "Anong side dishes ang nilagay mo sa lunchbox?" tanong agad ni Sofia. "Anong flavor ang binake mong cookies?" tanong naman ni Trixia. Ngumiti muna si Ysabelle bago sumagot, "Chocolate chipped cookies at sa lunch naman ay iba't iba ang inilagay ko. May karne at mga gulay." sagot niya. "Wow, ang sarap naman. We can't wait! Pumunta na tayo sa classroom." sabi ng kaibigan niya.

Dumiretso agad sila sa kanilang silid, naabotan nila doon sina Gian at ang mga kaibigan niya, nagtatawanan pa ang mga ito. "Lapitan mo na!" tinutulak pa nila si Ysabelle kay Gian. "E-eh! M-mas maganda siguuro kung sa lunch break ko sa kanya ibigay ang mga ito." suggestion niya, hindi pa kasi siya handang harapin si Gian. "Huwag mong pairalin ang kahihiyan mo, it's your chance girl! Malay mo sa lunch break ay dumugin naman sila ng kanilang fans" payo sa kanya ni Sofia. Kaya wala siyang magawa kundi lapitan ang binata, may punto naman kasi ang kanyang mga kaibigan.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon