Twelve

439 9 0
                                    

Ipopost ko dapat ito noong Halloween pero walang oras kaya ito na, enjoy.

Kabanata 12

Agad pinigilan ni Gian si Ysabelle, "I think we need to talk" sabi niya kay Ysabelle. "There's nothing to talk about" malamig na sabi ni Ysabelle. "Then at least listen to me first" desperado niyang sabi. Itinaas ni Ysabelle ang kanan kilay. "I don't want to waste my time, look we're gonna be late" paalala niya saka pumiglas sa pagkahawak sa kanya ni Gian. Saka dali-daling bumaba papuntang klase, hinabol naman siya ni Gian.

Naabotan niya si Ysabelle sa pinto, nakita niyang may teacher na sila't napameywang sa kanila. "Let's talk later" bulong niya kay Ysabelle. Pumasok na sila sa loob at nagsimula na ang klase. "Malapit na naman ang Halloween, we will celebrate it. Magkakaroon tayo ng Halloween Party kaya ihanda na niyo ang inyong costume." announcement ng kanilang guro.

"Kelan ho ba yan?" tanong ng isa sa kaklase nila. "October 28 ng gabi." sabi ng kanilang guro. Nagsimulang umingay ang klase dahil sa dami nilang tanong at pag-uusap nila sa darating na party. "Ysabelle, sumama ka sa amin mamaya sa Mall. Girls bonding tayong tatlo." aya ni Trixia kay Ysabelle. "Pass" tanggi ni Ysabelle. "Ano ka ba, girl! Noon tinanggihan mo kaming sumama sa karaoke ngayon pati sa pagshashopping?" malungkot na sabi ni Sofia.

"Sige na Ysabelle sumama ka na sa amin sa mall" pangungulit ni Trixia, kumurap kurap pa ito at ngumuso. "Alam naming hindi ka shopaholic pero please sumama ka na" pangungulit rin ni Sofia. Naisip naman ni Ysabelle na maiiwasan niya si Gian kapag sumama siya sa kanila kaya napagdesisyonan niyang sumama. "Fine, I'm going" pagpayag niya. Natuwa naman ang dalawa, akala nila ay gumana ang pagmamakaawa nila't pagpapacute.

Nagkaroon sila ng maikling pagsusulit bago nagpaalam ang kanilang guro. Pinaalalahanan pa silang wala silang pasok sa darating pang araw para makapaghanda sila sa Halloween Party. Natuwa naman ang mga studyante. "Gosh, excited ako. May naisip na akong suotin, kayo?" masayang tanong ni Sofia kina Trixia at Ysabelle. "Gagayahin ko si Sadako!" sabi agad ni Trixia, tumingin naman sila kay Ysabelle. Nagkibit balikat na lang si Ysabelle.

"Humanap lang tayo na babagay sayo" sabi na lang ni Sofia. Masayang nag-uusap sina Sofia at Trixia, mejo naaliw si Ysabelle sa dalawa pero nang nakita niya sa gilid ng mata niya na papalapit ang grupo nina Gian ay tumayo na siya. Since wala silang klase ay lumabas siya ng walang paalam sa dalawa, hindi siya tumigil kahit tinatawag na siya nina Sofia at Trixia.

Nang nakalabas siya ay pansin niya ang paglilinis ng katabi nilang klase, ang iba ang nagmemeeting pa para sa party. "So this is how school like" bulong niya sa kanyang sarili. Mabilis siyang nagpunta sa garden upang maiwasan si Gian, ayaw niya talaga itong makausap. Bukod sa naiinis siya sa binata ay hindi rin niya naiitindihan kung bakit siya nito kinukulit at pilit nakikipagbati. Naisip niyang manhid ba si Gian o sadyang parang kapatid ang tingin sa kanya ng binata o hindi kaya'y kaibigan? Naguguluhan siya kaya ayaw niya iyon isipin. "It's not my problem" sabi niya sa kanyang sarili.

Umupo siya sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang paligid. Konte lang ang dumadaan dahil may klase ang iba o busy agad sa darating na event. "Fuentabella!" tawag sa kanya ng isang babae. Maganda ito, may pagkalaki ang kanyang mata, matangos na ilong at makapal na labi. Maputi rin ito, nakauniform ito pero may tela sa kanan braso. Nakasulat doon ang SSG President.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Where stories live. Discover now