Chapter 1

11.2K 136 9
                                    


Warning

This story contains a lot of grammar problems and typographical errors

Warning warning warning

Gwen's POV

"Order ka na, sis, wala talaga akong gana." Umupo ako sa bakanteng upuan sa loob ng pinakagusto kong lugar sa loob ng paaaralan. Kahit medyo mainit, gustong gusto ko ang amoy ng mga nilulitong ulam. Hindi ko alam pero parang gumaganda ang pakiramdam ko kapag nakaaamoy ako ng ginigisang bawang at sibuyas.

Napatayo ako sa gulat nang may nagsigawan mula sa likod ko. Pinilit kong  isiksik ang sarili ko sa ilalim ng lamesa para hindi ako mabaril kung may nagkakagulo man. "Si Brent nga, girls. Ilabas ang notebook bilisan niyo!" Parang nandilim ang paningin ko dahil sa narinig ko. Isang nilalang na may lawit ang rason kung bakit para silang mga langgam na nakakita ng pagkain.

"Teka lang, hindi ako makadaan pwede ba hindi naman ako artista." Hindi ko naalis ang tingin ko sa lalaking nasa gitna ng mga babaeng nag-aabot ng notebook. Pinipilit niyang makaalis sa gitna ng mga ito at halata sa mukha niya na naiinis na siya.

Napangiti ako nang pinipilit niyang tanggalin ang kamay ng isang babae na nakahawak sa polo niya. Bakas sa mukha niya ang pagkainis, pero hindi maiwasan ng mata ko ang maamo niyang mukha sa kabila ng pagkakunit nito dahil sa nagyayari, his captivated pair of eyes na hindi ko alam pero para kang sinusunog kapag tinititigan. 'yong mga braso niya na pwede akong buhatin kapag pagod na akong maglakad at ang moreno niyang kutis ang pinakagusto ko.

Hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at napatayo dahil sa hindi siya nilulubayan ng mga babaeng kanina pa ako naiirita. Hindi ko naman dapat nararamdaman 'to pero parang gusto kong manakit.

"Sis, hoy, sis! Ano ba kanina ka pa tulala bakit ka nakasimangot at nakatayo riyan?" Para akong binuhusan ng tubig at agad na bumalik sa reyalidad. Pinilit kong ngumiti kahit medyo nawalan ako ng gana.

"Sorry, sis, I'm just thinking of some sort of wierd things. Don't mind me," mahina kong tugon. Napayuko ako dahil naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko naman siya kilala I mean, I know his name but not everything about him. Naiinis din ako sa sarili ko kasi hindi ko mapigilang matulala kapag nakikita ko siya. Nawawala ako sa sarili kong sistema kahit na nasa malayo siya.

"Sis, look sa atin siguro lalapit 'yan. Itodo mo na, sis. Biruin mo sa lahat ng babae rito ikaw ang napili." Pinilit kong isarado ang utak ko na hindi intindihin si Claire kasi wala pa ako sa punto ng buhay ko na pumasok sa isang relasyon.

"Ano ba, Claire, I'm not interested with him!" Tiningnan ko siya nang matalim pero naramdaman kong nag-init ang pisngi ko at kusang kumukurba ang mga labi ko. I hate myself for being this vulnerable.

Hinawi ko ang buhok ko at tinalikuran ko siya pero naging parang tuod ako at na-glue ang mata ko sa lalaking papalapit sa puwesto namin. Hindi ko talaga mapigilang tingnan ang mata niya. Para akong tanga pero nag-iilaw siya sa paningin ko, para siyang galing ibang planeta dahil iba talaga ang epekto niya sa'kin. Yumuko ulit ako para umiwas sa mga tingin niya dahil ayokong isipin niya na ready na ako.

Isang buwan na siyang nanliligaw sa'kin, but I'm not into this kaya hindi ko rin talaga pinilit ang sarili kong kilalanin siya. Sa isang buwan, hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam bakit ngayon parang iba. Inayos ko ang sarili ko at inisip na humarap sa kanya na katulad ng dati, walang emosyon. Pag-angat ng ulo ko, wala na siya harapan ko. Luminga ako sa paligid pero wala akong nakita. Nakaramdam ako ng lungkot pero atleast  alam kong hindi ako ang pakay niya.

"Gwen, for you." Tumayo ang balahibo ko na parang natatae ako nang marinig ang boses niya. Hindi agad ako humarap dahil nahihiya ako. Sobrang nag-iinit ang pisngi ko at medyo pinagpapawisan ang noo ko. Unti-unti akong humarap at tiningnan ang dala niya.

Suicide Romance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon