Anti-HunHan

67K 859 366
                                    

Anti-HunHan by Greyyy

"May puke ako! Ako ang pipiliin niya! Manahimik kang bakla ka!"

"May puke ka nga, ang tanong maganda ka ba?

"Tangina mo, Luhan!"

_________________________________________________________

{ p r o l o g u e }

"Ayoko nang mabuhay!

Paulit-ulit mong sinasabi habang pinapanood mo 'yung performance nila sa Inkigayo sa laptop mo. Ilang beses mo na bang sinabi 'yan? Ilang beses ka na bang tinakasan ng kaluluwa nang dahil sa kanila?

"OH MY GOD MGA BEKI SA SCREEN TAMA NA!!!!"

Paulit-ulit mong nilalait ang mga ito kahit alam mo sa sarili mong hinding-hindi sila mao-offend kasi hindi ka naman nila naririnig... at kahit kailan, hinding-hindi nila maririnig kahit isang ungol mula sa'yo. 

"ASDFGHJKLQWERTYUIOPZXCVBNM!!!!!"

Inubos mo na ang buong letra ng alphabet pero hindi mo pa rin ma-explain ang nararamdaman mo kapag nakikita sila. Ultimong kulang pa nga ang mga 'yun para masabi mo lahat-lahat ng gusto mong iparating sa kanila. 

"Shet! Putangina! Puta! Mga walangya! Mga puke! Mga punyeta kayoooooooooo!"

Halos iuntog na ng anghel mo ang ulo niya dahil sa paglabas ng sunod-sunod na malulutong na mura sa bunganga mo. Tila ba eh pinakyaw mo na lahat ng 'yun. Para sa'yo, ang katumbas ng bawat mura na 'yan eh "I love you" pero para sa iba, isa ka nang demonyong naputulan ng buntot at sungay. 

Ganyan ang buhay mo araw-araw. Panuod-nood ng mga shows kung saan lalabas sila. Mga performance nila na dahil sa ilang beses mo nang kakapanood pati mga damit nila, memorize mo na. Pakinig-kinig sa mga kanta nila na kahit magkanda-bulol-bulol ka't mapagsama ang Mandarin at Korean eh hindi mo alintana. Patingin-tingin sa mga pictures nilang matapos mong pagnasahan eh lalaitin mo lang din naman. Kesyo bakla sila, bakla, bakla, bakla--teka nasabi ko na bang bakla? 

"AY PUNYETA ANO 'YON! WAIT LANG--" At dumako na tayo sa dessert ng pagfafangirl mo. "BAKIT-" Para kang nakakita ng multo sa reaksyon mo. Para kang espasol na naka-ready ng ibenta sa bakeshop. "HINDI KO NAKITA 'TO DATI AH!" Himala, may hindi ka pa pala nakikita sa mga videos na ilang milyong beses mo nang ni-replay. "PUTANGINA! PUTANGINA TALAGA ANO 'TO?!!!!!!!!!!" Napa-flip table ka. As in literal. Pati laptop mo, tumilapon sa kung saan-saan. Kawawang acer.

Napatayo ka with matching pagkuyom ng kamao, pagkunot ng noo at nagngingitngit na mga ngipin. 

"BAKIT MAGKASAMA NA NAMAN KAYONG DALAWA HA?! BAKIT?!!!!" Dinuro-duro mo ang kawawa mong laptop na nakahandusay na sa sahig. "SINABI KO NAMAN SA INYO NA WAG KAYONG MAGDIDIDIKIT 'DI BA?!!!! ANO NA NAMAN 'YANG ASDFGHJKL!!!!!!!" Para kang tanga, pero mas magmumukha kang tanga 'pag hindi ka nagreact sa nakita mo. "Punyateryang HunHan na 'yan! Napakapunyeta talaga sa buhay ko! Bakit ba ang landi-landi nilang dalawa?!!!"

Oo nga pala. Inis ka sa HunHan. Hindi lang pala inis. Ayaw mo sa HunHan. Galit ka sa HunHan. Halos isumpa mo na nga sila dahil sa sobrang pagkainggit mo sa closeness ng dalawang baklita eh. 

"HOY IKAW SEHUN NALANDI KA NA NAMAN AKALA KO AKO LANG AKALA KO LOYAL KA SA'KIN MEANT TO BE NGA TAYO EH! NAKUHA KO NGA 'YUNG PHOTOCARD MO RUN SA LAHAT NG ALBUM NIYO! BAKIT KA NANGANGALIWA?! ANAK NG MAGILAGID NA KRIS NAMAN O! MAGKAKAMISTRESS KA NA NGA LANG 'YUNG PAREHAS MO PANG BAKLA!" Pagkausap mo sa poster ni Sehun na ngiting-ngiti sa poster na nakadikit sa pader mo. Sa lahat ng poster mo, 'yun ang pinaka-ingat mo dahil bihira lang siyang ngumiti.

"HOY SEHUN HA WAG MO 'KONG DINADAAN SA MGA PAGANYAN-GANYAN MO! NAGTAKSIL KA! AT SA MORTAL KO PANG KARIBAL!" Sabi mo sabay irap sa poster ng bias mo.

Nakakatuwa, may bias ka pa pala sa kanila. Muntik ko nang hindi ipakilala. Kung kinababaliwan mo ang EXO, paano pa kaya kay Sehun? 

Napasulyap ka sa group photo nila, "ANO LUHAN?! NGITING TAGUMPAY KA NA NAMAN?! NALINTA KA NA NAMAN SA SESE KO?! LAGI KA NAMANG GANYAN EH! NAKAKA-SCORE KA LANG KASI WALA AKO DYAN! TANGINA NETO HINTAYIN MO LANG NA MAGBAKASYON AKO DYAN SA KOREA MAKIKITA MO TALAGA BABALATAN KITA NG BUHAY IPAPAGULONG SA ASIN, BAGOONG, PATIS, ASUKAL AT KUNG ANO PA! TYAKA KITA IPAPALAPA SA HELLO KITTY MONG BAKLA KA!"

Hindi naman sa ayaw mo kay Luhan. Gusto mo silang lahat. Gustong-gusto. Ang ayaw mo lang eh kapag magkatabi o magkasama na ang bias mo at ang sinasabi mong mortal mong karibal. Selos na selos ka. Kulang na lang lapain mo 'yung screen dahil sa sobrang galit.

Sa madaling salita: Inggit na inggit ka kay Luhan

"OY DAPHNE ANONG GINAGAWA MO BAKIT KA NAGNA-NARRATE DYAN SAMAHAN MO AKONG MAGLUKSA PUNYETA!

Oops. Syempre, ako na naman ang gagawin na pampalubag-loob ni Ate. At dahil matalino ako, aamuhin ko siya. Sasabihin kong siya lang mahal ni Sehun at sadyang malandi lang talaga si Luhan at hindi siya magawang tanggihan ni Sehun dahil hyung niya ito. 

Syempre gagawin ko 'yun para sa pera.

SHIPPER KAYA AKO NG HUNHAN! 

Nilapitan ko siya, "Ate, 'di ba pupunta ka na ng Korea next month? Handa mo na pang-hunting mo kay Luhan." Sabi ko sa kanya sabay hagod sa likod niya.

"Oo naman!" Sabi nito, "Ihahanda ko na pokemon ball ko! Isisilid ko siya't ipagkakasya rito! Malandi siya!

Hay Ate, hanggang pangarap ka na lang. Forever na kaya ang HunHan. Di ba, di ba? :D

Anti-HunHanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon