fall twelve: fuss

4 0 0
                                    

"Chill, 'di ka magre-recess?"

Nilayo ko muna ang mga mata ko sa reviewer para lingunin si Yvonne, "Nope. Kailangan ko pang mag-review, e."

"Last test na lang naman 'yung Filipino," wika niya.

"'Yun na nga, e. Sorry, a? 'Di kita masamahan."

"Okay lang! Sama na lang ako kina Elise," pagngisi niya saka lumabas ng classroom.

A week had passed and last day kasi ng finals ngayon. Huling test na rin pagkatapos ng recess. Nakapag-review naman ako kagabi but I really need to be sure that I'll have high grades. Pambayad man lang sa lahat ng hirap nina Mama.

"Chill."

Sa boses pa lang na narinig ko, hindi na ako nag-abalang mag-angat ng ulo. Bahala siya diyang manigas. I don't want to be involved with him anymore.

"Chill," tawag niya ulit.

No, hindi ako titingin.

"Aisce."

What the...

"Ano?!" Damn, ang kulit!!

"Eat well," ngiti niya bago ilapag sa harap ko 'yung cheese sticks at buko juice. Paalis na siya nang tawagin ko siya pabalik.

"Hindi ako kumakain ng cheese sticks," I stated. Pero ngumisi lang siya at biglang nilapit ang mukha sa akin. Napaatras ako kahit na ang cabinet na ang nasa likod ng ulo ko. Shit, muntik pa akong mauntog.

"Nagcre-crave ka pa lang niyan kahapon, a."

"Paano mong..." Wala naman akong sinabihan nu'n. Wait... Nagreklamo nga pala ako kay Yvonne at nag-tweet ng "i want cheese sticks :(" pero kagabi pa 'yun kaya imposibleng... Unless— "Ang stalker mo!" I accused.

He just chuckled before pinching my nose. Then he left, not even answering me. What the heck?

Tss, bahala siya. Magre-review na lang ako. At kakain.

'Ayun, kakainin din pala.

What? Sayang kaya 'yung pagkain kung hahayaan ko lang diyan. Tss...

✖✖✖

"Finally!" nasambit ko na lang nang lumabas na ng classroom ang adviser namin. Natapos din namin ang Junior High!

"Grabe 'yung dalawang essay sa English kanina. 'Di ko man natapos," reklamo ni Yvonne nang lapitan ko siya.

Inayos ko ang strap ng backpack ko habang sumasagot, "Don't worry. Natapos ko man 'yung akin, parang kung ano lang sinulat ko du'n. Imagine, two essays e thirty minutes na lang natitira sa atin nu'n."

"Torture!" Nilagay na niya sa kanyang bag ang sariling mga gamit, "Pero at least tapos na! Tara, kain?"

Bago pa ako um-oo, may biglang tumabi sa akin at nagawa pa akong akbayan, "Pwede sumama?"

Sa inis at sa kagustuhang malayo sa (gwapong) mukha niya, kinurot ko ang braso niya para maalis ang pagkakaakbay niya sa akin. Feeling sa kanya ako. Tss, noon 'yun.

"Aray!" nag-pout si Bryant pagkatapos kong kurutin ang braso niya. "Lagi mo na lang akong sinasaktan, Chill."

If She FallsWhere stories live. Discover now