fall sixteen: fingers

11 0 0
                                    


Mag-iisang linggo na rin mula nu'ng birthday ko. Kahit na lagi akong tine-text o kaya'y china-chat ni Bryant, in-inboxzone ko lang siya. I'm just too confused.

Kanina ngang practice para sa Moving Up Ceremony namin ay pilit kong iniiwasan na salubungin ang titig niyang ramdam na ramdam ko. Letseng 'yan, hindi man lang naisip na mahirap siyang iwasan. At sa ginagawa niya, lalo akong naguguluhan!

"Mahal mo siya, mahal ka niya. Ba't 'di pa maging kayo?" sinawsaw ni Yvonne ang ilang fries sa catsup matapos magsalita.

Nagutom ang babaeng 'to kaya sa movie house na matagal na naming hindi napupuntahan niya ko hinila para kumain. Sa second floor ng maliit na building ang dalawang kwarto na kung saan pwedeng manood ng movies. Sa baba kami dahil dito ang nagsisilbing café ng movie house.

"Hindi 'yun ganu'n kadali," inikot-ikot ko ang straw sa milktea ko as I sigh.

"Hindi talaga dahil ikaw mismo ang nagpapa-complicated niyan."

"Tyaka hindi rin naman niya sinabing mahal niya ako, a?" paalala ko.

"Bakit? Sa pagkwekwento mo pa nga lang, feel na feel ko na mahal ka na ni TH. Ikaw pa kaya na mismong nasa sitwasyon?" Parang nagsisisi yata ako sa pagkwento sa kanya in detail ng nangyari sa akin nu'ng birthday ko, ah.

"Know what?" halos makalahati ko ang milktea sa pag-inom dito dahil sa inis. "Eff this! Sabi naman ni Mama baka raw sa Manila na ako mag-grade 11 so kakalimutan ko na lang 'to."

"Aalis ka na lang?"

I answered her with my own question, "Aalis ka rin naman, a?"

In fact, sa Palawan pa ang punta nito para diretso raw siyang makapagtrabaho sa resort ng buo nilang angkan.

"Uy! Ako aalis kasi aabutin ko pangarap ko. Ikaw aalis kasi may tinatakbuhan."

She has a point in a way but still... "Pagod na kong maniwala, Yvonne. Pagod na kong umasa para lang mabigo sa huli," I looked her in the eye and emphasized each word, "Sawa na kong masaktan."

"Sa ating dalawa, Chill, ikaw ang writer. At pareho rin tayong mahilig magbasa. So you should know by now na you get hurt when you love. It's as natural as breathing."

"Ayoko na ngang magmahal," bulong ko pero malas, narinig niya e.

"Daig ka pa ng characters mo. They take risks. They take the fall. Kinakalimutan nila takot nila. 'Di katulad mo na tinatakbuhan lang si Bryant."

"Eve..." nasabi ko na lang na halos nagmamakaawa.

Nagkibit-balikat siya bago tapusin ang kinakain. "Ikaw rin. Kasi kung ako nabigyan ng ganyan, susubukan ko na rin. Kaysa naman mapuno ako ng "paano kung". Pero ikaw 'yan so..." she shrugged once more.

Magri-risk nga ba ko? Itataya ko na naman ba ang puso ko? Magbabakasakali na naman ba ako? Paano kung hindi naman 'to sure win? Paano kung ako na naman talo? Kung ako na naman 'yung tanging masasaktan?

My God. I love him but I don't think this love is enough to make me brave.

One movie later, inaya ko nang umuwi si Yvonne. Nandyan pa rin si Papa so hindi ako pwedeng magpagabi.

"Tara," siya na ang nagbukas ng pinto.

Naglalakad na kami nang mag-ring ang phone ko. Looking at the caller's name, I frowned.

"Ma? Pauwi na po ko," I said right away.

"Mabuti dahil may naghihintay sa'yo dito."

If She FallsWhere stories live. Discover now