Part 1

4.8K 137 6
                                    

Rhian's POV_ Dahil sa sobrang taba ko, hindi ako madalas lumalabas ng bahay. Hindi kasi ako kumportable na pinagtitinginan ng mga tao. Haiz bakit ba kasi ang sarap kumain? Ilang beses ko ng sinubukan magdiet pero no effect pa rin! At eto dahil hindi pa nakapag grocery si mommy, di ko napigilan na ako nalang ang namili ng mga gusto kong kainin. Nasa sasakyan na lahat ng binili ko. Palabas na ako sa isang convenience store. Ayoko sa mall eh kasi gaya nga ng sabi ko kanina nahihiya ako. Habang papalabas, hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Iniisip ko baka may nakalimutan pa akong bilhin kaya nakayoko lang ako. And when I'm about to exit.. Di ako makalabas. Actually, dalawa kami. Hindi din siya makapasok. "Ooops, hindi tayo kasya." nahiya kong tugon sa babae sabay napaatras ako at ganoon din siya. "Oo nga.. Go ahead!" paubaya naman niya sabay napatawa ng bahagya habang nakayoko pa rin ako. "No. Mauna kanang pumasok tutal palabas naman na ako." pagpupumilit ko. "Miss, mauna kana." paggigiit naman niya. Hindi ako umimik inisip ko na papasok na siya. Pero hindi pa rin kaya nauna nalang ako. Pagkahakbang ko, humakbang rin pala siya. "Sige mauna na ako!" at nagkasabay pa talaga kami. "Ano ba naman 'to!" sa isip ko na medyo naiirita na baka kasi may mga nakatingin na sa amin. Tumingala ako at hinarap ko siya. Napahawak siya sa ulo niya at ngumiti-ngiti sabay inabot ang kamay ko at inalalayan pa ako na makalabas. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Ba't ganito ang nararamdaman ko? Sinubukan kong kumalma. Nung makalabas na ako, sabay may binulong siya sa akin. "Hintayin mo 'ko dito sa labas ha." sabi niya at nagtuloy-tuloy ng pumasok. Hintayin ko raw siya? Bakit kaya? Na-curious naman ako kaya heto hinintay ko talaga siya. Ang bilis lang niya. Palabas na siya at dumiretso sakin. "What's your name?" direkta niyang tanong. "M-me? Ahm, I'm Rhian." nabulol pa ako. "Nice to meet you Rhian. By the way, I'm Glaiza. Here's where you can contact and find me. See you when I see you! Bye!" sabay abot ng card at kinindatan pa ako. Daig pa niyang lalaki kung makaasta ah. Nagmadali na siyang umalis at sumakay ng car niya. Sinundan ko pa siya ng tingin at ng maglaho na siya tiningnan ko ang card na inabot niya. "Galura Gym" Glaiza Galura Dance and Gym Instructress? Huh! Loko 'yun ah! Ibig sabihin gusto niya akong mag-gym? Magwork out? Pumayat? Hmmmm! Sa isip ko. Di ko alam kung maiinsulto ako o ano pero siguro wala naman mawawala. Hehe napangiti pa talaga ako. Saka yung location nila malapit lang. Well, Masubukan nga. Sa isip ko sabay pumasok na ng car para makauwi na sa bahay. Glaiza POV_ Maganda sana siya kaya lang ang taba. Pero kung sakali magkainteres siya at nag-enroll sa gym namin, gagawin ko ang lahat para matulungan ko siyang pumayat. Sa isip ko habang nagda-drive papuntang gym. 4 years na ako sa trabaho ko. Kahit papaano kumikita naman at bukod doon nag-eenjoy rin. Pagdating ko ng gym hinagis ko kay Ben ang susi na kasalukuyang nagtuturo sa isa sa mga estudyante namin sa gym. Yes, he's my gym buddy. "Thanks part!" tugon ko. Sa sobrang bait niya sakin di siya pumapalag kahit anong pabor na hingin ko. Minsan nga pakiramdam ko may gusto siya sakin eh pero so far kasi di pa naman siya nagtatapat o kaya feeling ko lang yun. Hehe pero kung sakali, sorry lang din naman mapapala niya sakin kasi di ang katulad niya ang tipo ko. My phone rings. Tamang timing lang matapos kong makapasok sa dressing room. Si Chynx tumatawag. Ano naman kaya kailangan nito. "Oh bf napatawag ka?" tanong ko pagkasagot. "May lakad kaba sa Sabado? Samahan mo naman ako bf punta tayo sa bahay nina Kat." sagot niya. "Aysus manliligaw ka na naman eh. Ilang beses ka na ba niya binasted?" sabay tawa. Hilig ko lang talaga mang-asar. "Effort nga di ba? Sige na samahan mo na ako ha? Thank you. Love you bf. Bye! Shower muna ako." mabilis pa sa kidlat. Paano ka naman makakatanggi kung ganyan siya? Napailing nalang ako. Sabay binaba ko cp ko sa may drawer at nagring na naman. Si Chynx na naman 'to. Pero pagtingin ko, unknown caller. "Hello?" pagkasagot ko. "Hi. Is this Galura Gym?" tanong ng boses babae sa kabilang linya. "Yes ma'am." maiksi kong sagot. "Gusto ko sanang mag-enroll." tugon niya. "Sure ma'am. You can come directly to our gym at dito na po natin pag-usapan kung ok lang sa inyo." sagot ko naman. "Ok, I'll visit your gym this Saturday afternoon. Thank you. Bye." sabay patay ng cp. Lagot na. Sa dami ng araw sa Sabado pa talaga. Sorry Chynx unahin ko muna 'to! Sayang eh baka maging regular student pa namin dito sa gym. Sabay napangiti ako. After magbihis naghanda na ako for our dance work out this 4pm. ***

TO BE CONTINUE..

A/N: Hello guys! This is my new story. At patikim pa lang yan kaya ganyan lang muna kaiksi. Hihih Please leave a comment for your feedbacks. Thanks much! Lablab lang. <3 <3 <3 #WJR2016MPBL

My Pretty Big Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon