Chapter Six

29.6K 999 268
                                    

Chapter Six

Ilang araw na ang nakalipas, pero broken-hearted pa rin ako. Buti na lang, busy ako. Hindi naman ako umaasa na mamahalin din ako ni Eisley, pero noong nalaman ko yung katotohanan about sa gender niya, nasaktan pa rin ako. Bakit kahit alam ko na yung totoo, siya pa rin?

Sabagay, kahit naman lalaki siya, ganito pa rin naman kami. Walang magbabago dahil in the first place, ayaw niya sa akin. Kaya nga hindi ko gets kung bakit hanggang ngayon, nasasaktan ako. Nothing will change. I still want him to be happy.

"Uy, 'nak. Ba't parang pagod na pagod ka? Kumain ka muna," sabi ni Mommy Sexy. Dinalaw nila ako ni Tita Berna sa condo. Off duty na ako. 9 AM pa lang at three hours lang tulog ko dahil galing ako sa duty.

"Nag-abala pa po kayo," I say, sniffing. Ulan kasi ng ulan. Sinisipon na tuloy ako. Naka-pj's ako at jacket.

Hinawakan ako ni Mommy Sexy sa leeg at noo. "May sinat ka, ah? Magpahinga ka na. Aalis na lang muna kami."

Umiling ako. "Hindi, hindi. Sipon lang naman 'to. Wala akong sinat." Pinaupo ko sila sa sofa at sinabi sa kanilang h'wag mahiya. Kung may kailangan sila, sabihin lang nila sa'kin.

Sabi naman sa inyo, para ko na talagang totoong nanay si Mommy Sexy pati na rin si Tita Berna. Lagi nila akong dinadalan ng pagkain. Si Tita Berna kasi, thankful pa rin sa akin dahil sa pag-aalaga ko kay Lola Donata.

Sasagot na sana ako, pero nagsalita naman si Mommy Sexy. "Nako, hindi pwede. Naunahan na kita, mare. Sa anak ko na 'to." Hinawakan niya kamay ko. Hay, kung alam lang niya.

"Yung anak mo naman, walang balak magkagirlfriend. Masyadong workaholic. Ipaubaya mo na sa'kin si Tyrese."

"Hindi nga pwede, mare. Ngayon ko lang nakikitang ngumingiti ang anak ko, ipagkakait mo pa."

"Talaga?" she looks surprised. Tumingin siya sa'kin. "Napapangiti mo si Eisley? Kayo na ba?"

Umiling ako. "Hindi po. Wait lang, kukuha lang po ako ng tissue." Tutulo na kasi sipon ko. Habang nasa CR ako, naririnig ko silang nag-uusap.

"Alam mo ba yung anak kong 'yun, pagdating nila galing sa home care, ngiting ngiti ang loko." Paano siyang hindi ngingiti eh sa wakas, Tyrese-free na siya since hindi naman babae ang gusto niya. "Simula noong nag hiking sila... Tuwing magkasama sila ni Tyrese, masaya siya. Kitang kita ko talaga sa mga mata niya."

Ang sarap pakinggan kung totoo. Ang sarap din sabihin ng totoo para wala ng aasa, pero nangako ako kay Eisley na wala akong pagsasabihan. Tuluy-tuloy lang pag-uusap nila, pero wala na akong naintindihan. Iba na kasi yung dialect. Kailangan ko na talaga matuto mag bisaya.

I go out of the comfort room after blowing my nose. I'm still sniffing, though. Ang lala ng sipon ko. Buti na lang, hindi naman masyadong masama ang pakiramdam ko. Iinom lang ako ng maraming tubig, tanggal na 'to. Hindi naman kasi ako sakitin.

Nagkwentuhan lang naman kami nila Mommy Sexy at Tita Berna, habang kumakain. They make me feel better. Binabawasan nila ang pagka-homesick ko. Siguro, binabawasan ko rin pagka-miss nila sa mga anak nila.

Si Eisley kasi, sobrang busy. Gabi o madaling araw na siya nakakarating. Buong week, puro business. Kahit nasa bahay na sila, trabaho pa rin. Si Tita Berna naman, lahat ng mga anak niya, nasa ibang bansa. Isa pa, wala silang anak na babae. Ako lang.

Pagkaalis nila, tinawagan ko sila Mama, Papa, Ahia, at Achi Zeah pero ni isa sa kanila, walang sumasagot. Baka busy lang sila kaya itinulog ko na lang. Pagdating ng hapon, nagising ako dahil sa doorbell.

4 PM na, pero parang ang dilim na. Umuulan pa rin kasi.

Binuksan ko yung pinto at nagulat talaga ako dahil si Eisley ang nakita ko. Siya lang. Wala si Mommy Sexy! Wait, bakit ako kinikilig? Kailangan itatak ko sa isipan ko na parehas kaming pusong babae.

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon