62 : Hiding the pain

291 11 1
                                    

~~
( Jasmin's POV )

Nagring ang phone ko dahil sa snooze ng alarm. Anong oras na pala? Hindi ko namalayan na napasobra na ang tulog ko. Sobrang stress at problemado ko kasi.

Kinapa ko ang katabi kong si Daehan para tignan kung natutulog pa siya, pero wala ng nakahiga sa tabi ko. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil sa kaba. Nasaan na yung batang 'yun?!

Tumayo ako, siguro nasa sala siya. Hays, wag masyadong magpanic Jas, nandiyan lang siya, tiwala lang.

Nang sumilip ako sa sala, nadatnan ko siyang nakatingin na naman sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang tinitignan niya doon, basta ang pagkakaalam ko, mga halaman lang ni manang ang makikita diyan.

"Good morning baby! Ang aga mo namang nagising?"
Naupo ako sa tabi niya at inayos ang magulo niya pang buhok.

"Eomma, kilala mo ba thi Daehan flower?"
Tanong niya bigla sa akin. Napatingin ako sa bulaklak na tinuturo niya mula sa labas. Kulay dilaw ito na may kulay violet sa gitna. Maliit siya kumpara sa ibang bulaklak na kasama doon.

"Thi Daehan flower, malayo kay Lanthe hyung flower"
Tinrace niya ang salamin papunta sa isang bulaklak na mas malaki na katapat lamang nito. Magkakulay sila pero mas malaki iyon.

"Hindi magkakathama thi Daehan flower at Lanthe hyung flower kathi magkalayo thila"
Kahit na bulol siya, naintindihan ko pa din ang sinabi niya.

Even now, he's still thinking about him. Lahat na lang ng sinasabi niya, tungkol kay Lance. Parang si Lance ang magulang niya at hindi ako.

Nakaramdam ako ng selos dahil siya na lang ang iniisip ni Daehan, ako na nandito sa tabi at eomma niya, hindi niya napapansin. Kasama na nga niya ako, mas hinahanap niya pa yung wala dito.

"A-anong gusto mong gawin ni eomma flower?"
Tinuro ko ang bulaklak na katabi nung Daehan flower na sinasabi niya. Alam kong may pinararating siya sa akin, pero dito niya na lang inihahalintulad.

"Thabi ni Daehan flower, gutho niya lumapit doon kay Lanthe hyung flower. Ayaw niya malayo thila kathi nalulungkot thiya. Thana, thi eomma flower, payagan thi Daehan flower na pumunta doon, kahit thaglit lang"
Yun na ata ang pinakamahabang sinabi ng anak ko sa buong buhay niya. Ngayon ko lang siya narinig na magkwento ng mahaba. Siguro nga, ganun na lang ang nagawa ni Ravenn para sa kanya kaya siya nagbago, at nagpapasalamat naman ako doon.

"Daehannie, tumingin ka nga sakin. May itatanong si eomma sayo"
Hinarap ko siya sa akin at nakita ko ang maamo niyang mukha. Ewan ko ba, pero feeling ko lahat ng features niya nakuha niya sa appa nila ni Ravenn. Kada pagtitig ko sa mukha niya, nakikita ko ang mukha ni Ravenn at ni Mr.Kim. Sa unang tingin hindi sila magkamukha, pero kapag tinitigan mo na, doon mo makikita ang pagkahawig nila. Sadyang malakas ang genes ng appa niya hays

"Baby, kapag ba pinayagan kitang bumalik kayna hyung mo, may chance ba na hindi ka na ulit babalik sa akin?"
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. He's all I've got. Kung mawawala siya, mag isa na lang ako sa buhay kaya hindi ko kayang mawalay sa kanya. But I can't stand it when he act like this. Para bang hindi na siya ulit magiging masaya, kahit na nandito ako sa piling niya. Alam ko naman kasi na si Ravenn lang ang magpapasaya sa kanya ng sobra e, kaya kahit na labag sa loob ko, kung sa ngalan naman ng kasiyahan niya, papayag ako.

Hindi niya ako sinagot, sa halip, tumayo siya at binigyan ako ng yakap. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko, eto na yung last na pagyakap niya sakin? Bakit pakiramdam ko, mawawala siya?

"Daehan, may last wish si eomma sayo ha?"
Sabay sabay na tumulo ang mga luha ko. Nanatili akong nakayakap sa kanya dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak. Iiyak din kasi siya at ayaw ko namang mangyari yon.

Living with these Cute Little BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon